Masayang pasko, bakit nga ba mas masaya ang lahat kapag holiday season? At ano ang mga dapat gawin para masiguradong everybody is happy tuwing pasko.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Masayang pasko: Ang mga dahilan.
- Ano ang puwedeng gawin para masigurong everybody is happy ngayong pasko.
Masayang pasko: Ang mga dahilan
Ang pasko ang isa sa pinaka-aabangang season ng marami sa atin. Ito ang itinuturing na pinaka-masayang bahagi ng taon. Pero bakit nga ba at ano-ano ang puwede nating gawin para masigurong everybody is happy ngayong pasko.
-
Social connection and bonding.
Isa sa itinuturong dahilan kung bakit masaya ang pasko ay dahil sa dito nagkakaroon ng social bonding at connection ang mga magkakaibigan at magkapamilya. Ayon sa science, ang positive social interactions na ito ay nag-tritrigger sa katawan na mag-release ng hormones na oxytocin. Mas kilala ito sa tawag na love hormone na nagpo-promote ng feelings of trust, bonding at happiness.
-
Generosity and acts of kindness.
Tuwing pasko ay uso rin ang pagbibigay ng regalo at paggawa ng mabuti. Paliwanag ng siyantepiko ang mga gawing ito ay nag-uudyok sa ating utak na mag-release ng endorphins. Ito ay natural mood lifters kaya naman sa tuwing gumagawa ng mabuti at nagbibigay ng regalo ay magaan ang pakiramdam ng isang tao.
-
Colorful lighting and decorations.
Ang makukulay at kumikislap na dekorasyon ay dumadagdag din sa saya ng holiday season. Ayon sa science, ang exposure natin sa mga ito ay nakakaapekto sa serotonin level sa ating utak. Ito ay nakakatulong na ma-regulate ang ating mood at maalis ang feelings ng pagiging malungkot.
-
Masasayang holiday music.
Ang pakikinig ng masasayang holiday music ay may magandang epekto rin sa ating mood. Ito daw ay nakakatulong na magkaroon tayo ng positive emotions. Sa pamamagitan ng pag-rerelease ng utak ng dopamine. Nakaka-contribute ito sa pag-elevate ng ating mood at nagbibigay ng feeling of pleasure o reward sa ating katawan.
-
Pagpapasalamat.
Sa pagtatapos ng taon din natin nararamdaman kung gaano tayo ka-lucky o thankful sa ating mga napagdaanan sa isang buong taon. Ang feeling of gratitude nagbibigay sa atin ng positive na outlook sa buhay. Ito ay nakakatulong na ma-improve natin ang ating mental health at madagdagan pa ang ating saya sa buhay.