Dumadami ang pimples dahil sa face mask? 5 tips kung paano maiiwasan ito

Stress ka na rin ba sa pimples? | Image from iStock

Sa salaysay ng mga medical experts, ang pagsusuot ng face mask kapag lalabas ng bahay ay isang mabisang gawain para maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19.  For the past 3 months, ang facemask ay essential na sa atin. Para bang kasama na talaga siya sa everyday outfit natin kapag lalabas para mag grocery. Hindi ako lumalabas sa bahay ng walang suot nito. Kaya lang, all of a sudden, bigla kong napansin na mayroong mga tumutubong pimples sa bahagi ng bibig ko. Nagpatingin ako sa dermatologist ko at sinabi niyang ito ay ‘Maskne’ kung tawagin.

Isang uri ng pimple na mas kilala bilang “Acne Mechanica”.

Ano ang Acne Mechanica?

Ang Acne Mechanica ay nabubuo dahil sa init, friction at pressure sa balat.

Karaniwng nakikita ang maskne o acne mechanica sa mga estudyante, sundalo at atleta na tumutubo sa kanilang mukha o ibang bahagi ng katawan katulad ng likod ng balikat. Ang itsura ng pimple na ito ay nagsisimula sa maliliit na blackheads hanggang namumula na ito.

Image source: iStock

Dahilan ng Mask Acne o ‘Maskne’

Ang Maskne ay bagong term na nagmula sa pagsusuot ng mask. Ito ay dahil sa nangyayaring pandemic ngayon.

Ayon sa assistant professor ng University of Texas Southwestern Medical Center na si Dr.Seemal Desai, tumataas na ang mga kaso ng pagkakaroon ng pimple sa may bahagi ng bibig ng isang tao. Ito ay dahil sa pinag sama-samang epekto ng pagsusuot ng mask at stress sa pandemic. Isa pang dahilan kung bakit nabubuo ang pimple sa paligid ng bibig ay dahil sa moist atmosphere rito dahilan para mamuo ang bacteria.

Narito ang mga paraan kung bakit nagkakaroon ng pimple sa pagsusuot ng mask:

  • Friction – Ang pagsusuot ng mask ay dahil sa friction. Lalo na sa paligid ng iyong bibig at bridge ng ilong. Ang pressure sa balat at ang palaging pagkiskis ng mas mask ay dahilan ng Maskne.
  • Mask fabric – Ayon sa CDC, ang surgical mask at respirators ay nakareserba para sa mga healthcare workers. Habang ang reusable cloth ay inaabisong suotin ng publiko. Ang cloth mask ay mahigpit at gawa sa mga natural fiber katulad ng cotton. Ang pagpili ng tamang fabric sa iyong mask ay importante para masiguradong makakahinga ng maayos ang nagsusuot nito. Habang ang synthetic fabric katulad ng polyester ay hindi makabubuti sa iyong balat dahil maaari itong ma-irritate sa skin. Hindi rin siya nag-a-absorb ng pawis at nagiging dahilan ng maskne. Habang ang fabric-like denim ay hindi nirerekomenda sa paggawa ng mask dahil harsh ito sa balat.
  • Trapped breath and clogged pores – Sa pagsusuot ng mask, ang iyong hininga ay naiipon dito dahilan para ma-irritate ang balat sa paligid ng iyong ilong at ilong dahil rin sa nabubuong moist dito. Maaaring bumara ang iyong pores at pinagsisimulan ng pamumuo ng bacteria.

Mga paraan para maiwasan ang Maskne

Narito ang ilang paraan para maiwasan natin ang pagkakaroon ng Maskne.

  1. Palaging magpalit ng face mask
  2. Laging maghilamos ng mukha
  3. Gumamit ng non-comedogenic moisturiser
  4. ‘Wag mag reuse ng surgical masks
  5. ‘Wag muna mag make-up

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

 

BASAHIN:

Fake face masks mula sa China nadiskubre sa Pilipinas

Hindi napipigilan ng valved masks ang pagkalat ng COVID-19, ayon sa FDA

Face shield sa newborn, hindi recommended ng Philippine Pediatric Society

Sinulat ni

Mach Marciano