Breastfeeding mom na-operahan dahil sa mastitis at gamot sa mastitis

Narito ang karanasan ng isang breastfeeding mom na naoperahan dahil sa napabayaang mastitis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mommies, alamin rito kung ano ang gamot sa mastitis bago pa ito lumala.

Hindi biro ang magpadede. Alam ‘yan ng kahit sinong ina. Bukod sa nakakapagod ito dahil halos buong araw gustong dumede ng isang newborn, maaari pang magkaroon ang mga mommy ng mga sakit dulot nito. Minsan, binabalewala lang natin ang sakit sa pag-aakalang lilipas lang ito at kusang gagaling.

Subalit minsan, kapag pinabayaan lang ang pananakit, maari itong humantong sa mas seryosong karamdaman, tulad na lang ng karanasan ng isang bagong ina.

Breastfeeding mom, na-operahan dahil sa mastitis

Image from Freepix

Isang breastfeeding mom ang nagbahagi ng kaniyang karanasan sa Facebook tungkol sa sakit na mastitis.

Ang akala niyang simpleng pananakit lang ng kaniyang suso noong una ay hindi niya inakalang mauuwi pala sa isang seryosong kondisyon. Isang kondisyon na hindi niya rin inakalang mangyayari sa kaniya at magiging dahilan para maoperahan siya.

Ayon sa kuwento ni Sam Estabillo, isang full-time breastfeeding mom, buwan ng Marso nang nakaramdam na siya ng pananakit sa kaniyang suso. Subalit para patuloy na makapagpadede sa kaniyang anak, sinubukan niyang nilunasan ito sa pamamagitan ng hot compress, painkillers.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pagdaan ng araw ay patuloy pa rin ang pananakit at paninigas ng kaniyang suso. Maging ang baby niya ay hirap na ring dumede sa kaniya.

Nakaramdam rin siya na tila namamaga na ang suso niya. Dahil sa pag-aakalang ang hindi lang nailabas na gatas ang nagdudulot ng sakit, humingi na siya ng tulong mula sa kaniyang asawa. Ngunit hindi pa rin nawala ang pananakit at mas lumala pa sa pagdaan ng araw.

Dumating ang kalagitnaan ng Abril at hindi na makagalaw o makatayo man lang si Sam sa sakit. Doon na siya nagdesisyong pumunta sa doktor at magpatingin.

Dito niya rin nalaman na ang simpleng breast mastitis lang sana ay naging seryosong infection na dahil napabayaan, at ang tanging paraan nalang para malunasan ito ay ang maoperahan siya.’

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kwento pa niya,

“’Yong sakin naman hindi na kayang palabasin sa sobrang dami, malakas kasi ako mag gatas. Ang nangyari po ay naging BREAST ABCESS ‘yong BREAST MASTITIS lang sana dahil na rin sa nakapagpabaya ako.

“Umasa ako sa mga pain killer which is very wrong kasi unti-unti na palang kumakalat ‘yong infection sa breast ko.

April 19, 2019, sumakit ulit ng sobrang sakit, kahit pagtayo sa higaan hindi ko na magawa. Pinilit kong kumilos at tumayo para makapagpatingin ako. Next thing I knew, ooperahan na pala ako.”

Ano ang breast mastitis?

Ang mastitis sa Tagalog ay ang pamamaga ng breast tissue na minsan ay sinasabayan ng impeksyon. Madalas itong nangyayari sa mga breastfeeding mom pero puwede ring mangyari sa mga hindi nagpapasuso.

Tinatayang 1 sa 3 kababaihang nagpapadede ang nakakaranas ng mastitis. Isa sa mga karaniwang sanhi nito ay ang blocked milk ducts, o  kapag hindi nauubos o nasisipsip ni baby ang lahat ng gatas sa ating dede.

Maaari ring mangyari ito kapag may nakapasok na bacteria sa milk duct sa pamamagitan ng sugat sa ating nipple dala ng maling posisyon ng pagdede ni baby. Subalit mas lumalala at nararamdaman ang mga sintomas ng mastitis kapag hindi nailalabas ang gatas mula sa ating dede.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang lactation mastitis o mastitis na dulot ng pagpapadede ay maaaring magdulot sa’yo ng hirap sap ag-aalaga ng iyong baby. Minsan ay nagiging dahilan ito upang patigilan agad ang anak sa pagdede.

Ngunit ang patuloy na pagpapadede, kahit pa umiinom ng antibiotics na nakakagamot ng mastitis, ay makakabuti para sa’yo at iyong baby.

Sino ang maaaring makakuha ng mastitis?

Ang mastitis ay kadalasang nangyayari unang anim na linggo hanggang ikaw 12 na linggo ng pagpapadede. Ayon sa Cleveland clinic, mas malaki ang tiyansa na magkaroon ng tyansa kung ikaw ay mayroong:

  • Breast implants
  • Diabetes o iba pang autoimmune disease
  • Eczema o kaparehas na uri ng kondisyon sa balat
  • Nicks sa balat mula sa pagbubunot o pag-ahit ng balahibo sa dibdib
  • Nipple piercing
  • Naninigarilyo o adiksyon sa nicotine

Sintomas ng mastitis

Ang pamamaga at paninigas ng dede ang pangunahing senyales ng mastitis. Pero pwede pa rin itong samahan ng mga sumusunod na sintomas:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pananakit ng dede lalo na kapag hinahawakan ito
  • Pamumula
  • Pamamaga o bukol sa isang bahagi ng dede
  • Pananakit ng dede habang nagbi-breastfeed
  • Panghinina
  • Chills o panginginig ng katawan
  • Mataas na lagnat (38.3 C o higit pa)

 Kadalasang dahilan ng Mastitis

Ang pagbabara ng gatas sa loob ng suso ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng breast mastitis. Ang iba pang posibleng dahilan ay:

  • Baradong tubo ng gatas – kung ang gatas sa suso ay hindi nauubos tuwing magpapakain, ang isa sa mga tubong dinadaan ng gatas ay maaaring magbara. Nagiging dahilan ang pagbara ng pagbalik ng gatas, na maaaring magdulot ng breast infection.
  • Mikrobyong pumapasok sa suso – Ang mga mikrobyo mula sa ibabaw ng iyong balat at bibig ng iyong baby ay maaaring makapasok sa mga tubo ng gatas sa pamamagitan ng bitak-bitak sa balat ng iyong nipples o sa bukasan ng tubong gatas. Ang hindi kumikilos na gatas sa loob ng suso at hindi naaalis ay nagiging dahilan ng pagdami ng mikrobyo.

Risk factors para sa mastitis:

Ilan sa mga maaaring magdulot ng panganib o makapagpataas ng risk sa mastitis ay:

  • Ang pagkakaroon na noon ng mastitis habang nagpapasuso
  • Namamaga o bitak-bitak na nipples – maaari pa ring magkaroon ng mastitis kahit na walang bukas na balat
  • Pagsusuot ng masisikip na bra o paglalagay ng pressure sa iyong suso kapaggumagamit ng seatbelt, o pagbubuhat ng mabibigat na bagahe, na maaaring humadlang  sa daloy ng gatas.
  • Hindi akmang paraan ng pagpapasuso
  • Sobrang pagod o stress
  • Mahinang nutrisyon
  • Paninigarilyo

Breast abscess

Tulad ni Mommy Sam, marami ring nanay ang ibinabalewala lamang ang mga sintomas na ito ng mastitis. Subalit gaya ng sinapit ni Mommy Sam, maaring lumala ang mastitis at humantong sa mas seryosong komplikasyon gaya ng breast abscess.

Ito ay kapag dumami o kumalat na ang infection sa iyong dede at nagkaroon na ito ng nana. Gaya ng mastitis, maari itong magdala ng pananakit ng dede at mataas na lagnat, at minsan ay mayroon pang nana o discharge na lumalabas mula sa iyong dede.

At ‘di tulad ng mastitis, ang tanging paraan para gamutin ang breast abscess ay ang higupin ang nana na namuo sa iyong dede sa pamamagitan ng isang surgery. Ito ang dahilan kung bakit kinailangang operahan ang mga babaeng nagkaroon ng mastitis na humantong sa breast abscess.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman para maiwasan ito ay ipinapayo ng mga eksperto na huwag balewalain ng mga breastfeeding mom ang pananakit ng suso na nararanasan nila.

Kapag naranasan mo na ang mga sintomas ng mastitis, mas maiging kumonsulta ka na sa iyong doktor upang maagapan ito. Pero ano nga ba ang gamot sa mastitis?

Gamot sa mastitis

Kung mayroong infection, ipinapayo ng mga doktor na uminom ng antibiotics na ligtas para sa breastfeeding moms. Maaari ring magreseta ang doktor ng pain reliever kung matinding ang pananakit na nararamdaman ng pasyente.

Kailangang tapusin mo ang niresetang antibiotics kahit mabuti na ang iyong pakiramdam upang maiwasang bumalik ang infection.

Kung mild ang kaso ng mastitis, minsan ay hindi na kailangang ng antibiotics. Pwede kang gumamit ng warm compress para matunaw ang namumuong gatas sa loob. Pagkatapos magpadede, pwede ka namang maglagay ng ice pack sa iyong dede upang maibsan ang pananakit.

Ilan pang maaaring gawin upang mabawasan ang sakit at pamamaga ay:

  • Maglagay ng warm compress sa apektadong bahagi ng suso o maligo gamit ang maligamgam na tubig
  • Magpadede kada dalawang oras  o mas madalas upang magpatuloy ang daloy ng gatas sa milk ducts. Kung kinakailangan ay gumamit ng breast pumps upang mailabas ang gatas.
  • Uminom ng maraming tubig at magpahinga
  • Imasahe ang apektadong bahagi ng paikot simula sa labas ng apektadong bahagi papaloob sa nipples.
  • Uminom ng over-the-counter na non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDS)
  • Gumamit ng supportive bra na hindi nakakaipit sa suso.

Napapataas ba ng mastitis ang tyansa ng pagkakaroon ng breast cancer?

Hindi napapataas ng mastitis ang tyansa ng pagkakaroon ng breast cancer. Gayunpaman, ang sintomas ng mastitis ay katulad sa sintomas ng inflammatory breast cancer.

Ito ay hindi pangkaraniwan na uri ng breast cancer na nagdudulot ng pagbabago sa balat sa suso. Ang mga senyales ay maaaring kabilangan ng dimples at breast rash na mayroong itsura na katulad sa balat ng orange.

Tulad ng mastitis, ang isa o parehong suso ay maaaring mamula at mamaga. Ang inflammatory breast cancer ay kadalasang hindi nagdudulot ng bukol sa suso.

Ang inflammatory breast cancer ay isang aggressive cancer. At nangangailangan ito ng agarang pagsusuri at panggagamot. Magpakonsulta agad sa doktor kung sakaling makakita ng pagbabago sa suso.

Pwede bang magpadede kapag may mastitis?

Ayon sa WebMD, maaari ka pa ring magpadede kahit mayroon kang mastitis. Sa katunayan, ang mas madalas na pagpapa-breastfeed ay isang gamot sa mastitis.

Kailangang ma-empty o maubos ni baby ang gatas sa iyong dede para maibsan ang sakit na iyong nararamdaman. Bago pa man ilipat sa kabilang suso si baby, dapat ay siguraduhing na-empty niya na ang naunang suso na dinede niya.

Hindi naman ito makakasama sa kaniya dahil malaki ang posibilidad na sa kaniyang mga bibig rin nanggaling ang bacteria na may sanhi ng mastitis. Ngunit para makasiguro, pwede mo ring tanungin ang pediatrician ni baby.

Kapag lumala ang mga sintomas ng mastitis, huwag mag-alinlangang kumonsulta sa iyong doktor. Huwag nang ipagpaliban pa at magpa-checkup na kapag naranasan ang mga sumusunod:

  • Mataas na lagnat
  • Pagkahilo o pagsusuka na pumipigil sa’yo para inumin ang antibiotic
  • Mayroong nana na nagmumula sa dede
  • Pamumula na umaabot na sa dibdib at mga braso
  • Pagkabalisa at walang kakayahang kumilos ng maayos, pati magpadede

Mga komplikasyon

Ang mastitis na hindi agad naagapan, o dahil sa baradong tubo ng gatas ay maaaring magdulot ng pamumuo ng mga nana (abscess) sa suso. Ang abscess ay karaniwang nangangailangan ng surgical drainage.

Upang maiwasan ang ganitong komplikasyon, makipag-usap kaagad sa iyong doktor kung sakaling magkaroon ng mga senyales o sintomas ng mastitis.

Paano iiwasan ang mastitis?

Ang pananakit ng dede ay normal at bahagi ng breastfeeding. Subalit upang makaiwas sa mastitis at mga komplikasyon nito, narito ang ilang paalala:

  • Siguruhing nakakadede nang maayos si baby sa parehong dede.
  • Bago ilipat sa kabilang dede, siguruhin na na-empty na ni baby ang pinanggalingang dede.
  • Siguruhing tama ang posisyon ng pagdede at nakukuha ni baby ang iyong buong utong para makaiwas sa pagsusugat ng nipples na maaring simulan ng infection.
  • Kapag may sore o cracked nipples, hayaan itong matuyo at gumaling sa pamamagitan ng pag air dry. Maari mo ring tanungin ang iyong doktor kung anong nipple cream ang pwede mong ipahid para mas mabilis ang paggaling ng sugat.
  • Tandaan din na dapat ay panatilihing malinis ang suso para hindi ito pamahayaan ng bacteria na maaring magdulot ng impeksyon.
  • Uminom ng maraming tubig para hindi ma-dehydrate, at magkaroon ng sapat na pahinga para makaiwas sa sakit at lumakas ang iyong immune system.
  • Siguraduhing tama ang pagkakakabit ni baby sa nipples kapag nagpapadede.
  • Huwag magsuot ng ng nursing pads o masisikip na bra na nagiging dahilan ng pagbabasa o pagpapawis ng dibdib.
  • Kung sakaling naninigarilyo, kumonsulta sa doktor patungkol sa pagtigil sa paninigarilyo.

Kung mayroon kang tanong tungkol sa gamot sa mastitis at pagpapadede, huwag mahiyang kumonsulta sa iyong doktor o isang certified lactation consultant sa inyong lugar.

Larawan mula sa Freepik

Karagdagang ulat mula kay Shena Macapañas

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.