Paano mo malalaman kung mataas ang IQ ng iyong anak?

Paano mo nga ba malalaman kung may mataas na IQ ang iyong anak? Heto ang isang guide patungkol sa mga palatandaan ng mataas na IQ.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matangkad ba ang iyong anak para sa kanyang edad? Madalas ba siyang magbasa ng libro? Mga mommies at daddies, posibleng ito ang mga senyales na mayroong mataas na IQ ang inyong anak!

Maraming pag-aaral ang isinagawa upang malaman ang senyales ng mataas na IQ sa iba’t-ibang edad ng inyong anak. Heto ang mga palatandaan na ang IQ ng inyong anak ay mataas!

Mga palatandaan ng mataas na IQ:

Bagong panganak: Pagkakaroon ng malaking ulo!

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal of Molecular Psychiatry, may posibilidad ka kung malaki ang ulo ng iyong baby pagkapanganak, ay magiging mataas ang kaniyang IQ.

Sinabi rin ng pag-aaral na ang mga sanggol na may malaking ulo ay mas mataas ang posiblidad na makapagtapos ng pag-aaral, at mas mataas rin ang mga marka sa mga pagsusulit.

Heto ang ilang tips para tumaas ang IQ ni baby:

  • Ang regular na masahe ay nakakatulong sa physical at motor skills.
  • Palaging kausapin si baby, kahit hindi pa siya marunong magsalita.
  • Ang pagyakap at pag-buhat kay baby ay nakakatulong upang maging mas malapit kayo sa isa’t isa.

Isa hanggang dalawang taon: Nakakarinig ng iba’t-ibang salita.

Alam niyo ba na mas makabubuti sa inyong anak kapag tinuruan niyo sila ng iba’t-ibang salita o lengguahe habang bata pa sila?

Ayon sa mga pag-aaral, mas lumalakas ang development ng brain ni baby kapag kinakausap siya ng iba’t-ibang lengguahe.

Bukod dito, natagpuan din ng ibang mga pag-aaral na mas mataas ang IQ ng mga batang nakakaintindi ng dalawang magkaibang lengguahe.

Bukod dito, mas nagiging flexible din ang pag-iisip ng mga bata na marunong magsalita ng dalawang lengguahe. Mas developed rin ang kanilang mga utak at mas malakas ang kanilang mga problem-solving skills.

Heto ang ilang tips para mapabuti ang development ni baby:

  • Makipaglaro ng taguan o peek-a-boo sa iyong anak para tumibay ang kaniyang cognitive skills.
  • Hayaan mo siyang pumili ng kaniyang gusto, tulad ng sa mga inumin o kaya ang mga laro na kaniyang gagawin.

Sa edad na tatlong taon: Mas matangkad kumpara sa ibang bata

Sa edad na 3, kung mukhang matangkad ang iyong anak, may posibilidad na magiging mas matalino sila sa ibang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa isang pag-aaral ng National Bureau of Economic Research, mas mataas raw ang IQ ng mga batang matangkad sa ganitong edd.

Syempre bukod dito, magiging matangkad rin ang iyong anak paglaki niya.

Ilang tips para bumuti ang development ng iyong anak:

  • Hayaan mong maglaro sa labas ang iyong anak at magkaroon ng physical activity.
  • Turuan mo silang gumuhit gamit ang crayons para bumuti ang kanilang creativity.
  • Kausapin sila palagi, at tanungin kung ano ang kanilang pangalan, edad, etc. upang madevelop pa lalo ang kanilang utak.

Sa edad na 4: Kayang gumuhit ng tao

Kapag mahilig magpinta o gumuhit ang iyong 4 na taong gulang na anak, may posibilidad na mataas ang kaniyang IQ.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa isang pag-aaral, ang mga bata raw na magaling gumuhit ng tao sa edad na ito ay mas mataas ang marka sa mga IQ tests. Ibig sabihin nito, mabuti ang development ng kanilang utak at kanilang nakikita agad ang mga detalye sa hugis ng tao.

Mga tips para sa paglaki ng iyong anak:

  • Makipaglaro sa kanila upang bumuti ang kanilang motor skills.
  • Turuan sila ng iba’t-ibang mga hugis at kulay para tumibay ang cognitive thinking nila.

Sa edad na 5: Marunong silang magsinungaling

Siguro ay ito lamang ang pagkakataon na matutuwa kang marunong magsinungaling ang iyong anak!

Ayon sa mga eksperto, komplikado ang proseso ng pagsisinungaling. At sa edad na ito, kung kaya na itong gawin ng iyong anak, ibig sabihin ay mabuti ang kanilang pag-iisip, kahit sa murang edad.

Nagkaroon din ng isang pag-aaral sa Canada na kung saan ang mga bata na natutong magsinungaling habang bata pa ay may mas mataas na IQ kumpara sa ibang bata.

Ayon kay Dr Kang Lee, hindi naman ito dapat ikabahala, dahil lahat ng bata ay matutunong magsinungaling habang lumalaki. Normal lang ito, at siyempre dapat ituro pa rin ng mga magulang at tama at huwag hayaan na masanay magsinungaling ang kanilang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Heto ang ilang tips para bumuti ang development ng iyong anak:

  • Dalhin sila sa park o sa playground para mahasa ang kanilang physical skills.
  • Makipag-storytelling sa iyong anak. Hayaan silang magdagdag sa kwento, at bigyan sila ng pagkakataon na gamitin ang kanilang creativity.
  • Puwede mo ring turuan magsuot ng damit ang iyong anak, nakakatulong ito sa kanilang development.

6 na taong gulang: Marunong tumugtog ng musical instrument

Sa isang pag-aaral na ginawa ng University of Vermont College of Medicine, mas nakakaangat ang kakayanan ng mga batang marunong tumugtog ng musical instrument kumpara sa mga batang hindi marunong tumugtog.

Mga tips para sa development ng iyong anak:

  • Hayaan silang maging independent at alamin ang mga nangyayari sa paligid nila.
  • Turuan silang sumayaw at maging physically fit.

Sa mga 7 taong gulang: Mahilig magbasa

Ang pagiging mahilig magbasa ay isang palatandaan ng mataas na IQ sa mga bata.

Ayon sa isang pag-aaral, ang mga batang mahilig magbasa ng libro sa murang edad ay mas nagkakaroon ng mataas na IQ sa kanilang pagtanda.

Heto ang ilang tips para sa development ng iyong anak:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Bigyan sila ng positive feedback kapag may ginagawa silang mabuti o tama.
  • Bigyan sila ng chores upang magkaroon ng sense of responsibility.
  • Ituro sa kanila ang habit na pagbabasa upang maging bahagi na ito ng kanilang buhay.

Sa edad na 8: Madalas nagpupuyat

Kung madalas magpuyat ang iyong 8-year-old, huwag ito agad ikabahala.

Ayon sa pag-aaral ng London School of Economics, mas madalas daw magpuyat ang mga matatalinong adults. At, nakuha nila ang ugaling ito noong bata pa lamang sila.

Ang mga masisipag daw na adults ay kadalasang nagpupuyat habang bata pa lamang.

Heto ang ilang tips para sa development ng iyong anak:

  • Sa edad na ito ay mas mahalaga sa mga bata ang kanilang privacy. Mahalagang bigyan mo sila ng respeto pagdating dito.
  • Ugaliing kausapin ang iyong anak at kamustahin sila. Ito ay magisisilbing bonding sa inyong dalawa.
  • Mahalaga rin ang pagbibigay sa inyong anak ng masustansiyang pagkain dahil lumalaki pa rin ang kanilang katawan sa edad na ito.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara

https://sg.theasianparent.com/children-with-high-iq-age-wise-guide

 

Basahin: Ang mga mahahalagang ultrasound na kailangan kapag nagbubuntis

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara