Maramaing pagbabagong dinadala ang pagbubuntis sa isang ina. Hindi lang sa paglilihi, ngunit pati na rin sa pang araw-araw na gawain. Kasama na rito ang pag-iingat at pag-aalaga sa sarili. Ngunit paano makakasigurado ang mga ina na maayos ang pagdevelop ni baby? Dito papasok ang mga mahahalagang ultrasound upang makita mo ang development ng iyong anak.
Anu ba ang ultrasound?
Karamihan ng mga pregnancy scan ay gumagamit ng tinatawag na ultrasound upang makita ang paglaki ni baby. Ang ultrasound ay isang uri ng sound wave na hindi mo maririnig, pero nagagamit upang makita ang loob ng iyong katawan.
Sa pamamagitan ng ultrasound, nakikita ng radiologist ang kalagayan ni baby sa loob ng iyong katawan.
Kapag ikaw ay nagpa-ultrasound, ikaw ay papahigain sa isang kama. Pagkatapos, gagamit sila ng isang uri ng gel na pinapadali ang pagpasok ng ultrasound waves sa iyong katawan.
Pagkatapos nito, gagamit ng isang machine ang radiologist, at ididikit sa iyong tiyan upang makita ang paglaki ni baby.
Matapos ang ultrasound, pupunasan ang iyong tiyan, at okay na ang proseso. Wala itong sakit o kahit anong uri ng invasive na procedure.
Sa mga nagbubuntis ng 5-6 weeks pa lamang, minsan gumagamit ng vaginal probe na ipinapasok sa ari, upang makita ang paglaki ni baby.
Safe, painless, at walang dapat ikatakot ang mga mommy pagdating sa ultrasound. Wala itong masamang epekto sa ina, o sa baby.
Mga mahahalagang ultrasound na kailangan kapag nagbubuntis
1. Dating at Viability Scan
Ano ba ang dating at viability scan?
Ang dating at viability scan ay ang unang scan na ginagawa sa iyong pagbubuntis.
Ginagawa ito sa first trimester, kadalasan sa gitna ng 5-6 linggo ng pagbubuntis.
Sa scan na ito, makikita ng mga doktor kung kamusta na si baby, at kung maayos ba ang kaniyang development.
Kapag normal ang pagbubuntis, makikita ang baby na nasa loob ng pregnancy sac. Maririnig na rin ng mga doktor ang tibok ng puso ni baby!
Bakit ito ginagawa?
Ginagawa ang scan na ito upang makakuha ng iba’t-ibang impormasyon:
- Nasisigurado dito kung gaano ka na katagal nagbubuntis.
- Mas malalaman din kung kailan ang iyong EDD, o ang expected date of delivery o due date.
- Nakikita rito kung normal ba ang development ni baby.
- At higit sa lahat, nakikita dito kung ectopic ba ang iyong pregnancy.
2. Nuchal Translucency Scan
Ano ba ang nuchal translucency scan?
Ang scan na iyo ay ginagawa kapag 77 to 97 days old o nasa 45mm (1.8 inches) to 84mm (3.3 inches) na si baby.
Dito, sinusukat ang isang fluid na matatagpuan sa balat sa likod ng leege ng iyong sanggol.
Kadalasan, magagawa ito sa pamamagitan ng pagpatong ng probe sa labas ng iyong tiyan. Pero kung hindi makita ng mga doktor, kinakailangan ng vaginal probe.
Ginagamit ito upang malaman kung posible bang may Down syndrome ang iyong anak. Ang mga batang mayroong Down syndrome ay mas marami ang fluid.
Ano pa ang ibang dahilan?
Ito rin ay ginagamit upang malaman kung may genetic abnormality ba si baby.
Mayroong success rate na 80% ang test na ito, at siguradong safe para sa inyong anak.
3. Fetal Anomaly Scan
Para saan at bakit kailangan ang fetal anomaly scan?
Ang Fetal Anomaly scan ay ginagawa sa 18 o 20 linggo ng iyong pagbubuntis. Ito rin ay tinatawag na mid-pregnancy scan. Maraming ina ang excited dito, kasi posibleng makita ang kasarian ni baby dito.
Sa panahong ito, developed na ang mga organs ni baby at madali na itong makita gamit ang ultrasound. Ibig sabihin, mas madaling malalaman kung maayos ba ang development ni baby, at kung mayroon ba siyang problema.
Ginagawa ang scan na ito ng sonographer, na isang eksperto sa ultrasound. Bukod dito, ibang uri ng ultrasound ang kanilang ginagamit, dahil kailangan ng mas malakas at makabagong ultrasound machine upang masigurado ang development ni baby. Mayroon itong 70% na accuracy.
Bakit ito mahalaga?
Ginagamit ang fetal anomaly scan para malaman kung mayroong mga defect si baby. Nagagamit rin ito para makita kung may congenital abnormalities ang iyong anak.
Heto ang kadalasang hinahanap ng mga doktor:
- hugis ng ulo
- puso
- posisyon at pagkapantay-pantay ng chambers ng puso
- baga
- spine
- utak
- buto sa binti at braso
- kamay at paa
- atay
- bituka
- kidneys
- bladders
- kasarian ni baby
- kung nasaan ang placenta at kung sapat ang amniotic fluid
Sa pamamagitan ng scan na ito, mas nalalaman ang kalagayan ni baby. Mahalaga ang scan na ito dahil mabuting malaman agad kung magkakaroon ba ng problema o sakit si baby paglabas sa sinapupunan.
4. Growth Scans
Para saan ang growth scan?
Ang growth scan ay ginagawa kapag 32 hanggang 36 na linggo ng pagbubuntis. Sa scan na ito, inaalam ang kalagayan ni baby at kung maayos ba ang kaniyang paglaki. Dito mo rin malalaman ang sukat ni baby.
Bakit ito kailangan?
Dahil papasok ka na sa ikatlong trimester, sinisigurado ng scan na ito na walang problema ang iyong pagbubuntis.
Aalamin ng doktor ang mga sumusunod:
- Dami ng amniotic fluid, at kung sapat ba ito.
- Ang posisyon ni baby, at kung ano ang pinakamainam na paraan ng iyong panganganak. Dito nalalaman kung ang baby ba ay breech, o suhi, na minsan kinakailangan ng dagdag na procedure para maipanganak ng maayos.
Mga scan na mahalaga, pero hindi naman kailangan
1. Fetal Echocardiogram
Inaalam ng fetal echocardiogram ang kalagayan ng puso ni baby. Dito mas nakikita ang paglaki at development ng heart ni baby at kung mayroon bang problema dito.
2. Color Doppler Scans
Halos parehas lang ito ng regular na ultrasound. Ngunit sa color doppler scan, mas maganda ang ginagamit na equipment, at nalalaman din dito kung may anemia si baby, at kung kamusta ang dugo na dumadaloy sa kaniyang katawan.
3. 3D/4D Ultrasonography Scans
Ang ganitong uri ng scan ay mas hi-tech kumpara sa normal na ultrasound.
Dito, makikita mo talaga sa 3d ang hugis ng iyong sanggol, at makikita mo siyang gumagalaw at lumalangoy sa loob ng iyong tiyan.
Bakit ito mahalaga?
Nakakatulong ang scan na ito upang makita ang development ni baby.
- Nagagamit ang scan na ito para makita kung may deformity ba si baby.
- Mas accurate din ito kumpara sa regular na ultrasound.
- Mas nakakapag-bond rin ang mga magulang sa kanilang anak, dahil dito kitang kita ang hitsura ng sanggol.
Pero syempre, may limitasyon pa rin ang teknolohiyang ito. Hindi 100% ang accuracy nito, at minsan hindi mo makikita si baby kung siya ay nakatalikod, at kung kakaunti ang amniotic fluid sa sinapupunan.
Mga mommies, sana makatulong sa inyo ang mga mahahalagang ultrasound. Alin sa mga ito ang nakuha niyo na?
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
Basahin: Mga Ultrasound Packages na Pasok sa Budget
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!