Isang bata ang nagpatunay na buhay pa rin ang katapatan at kabutihan ng mga kabataan. At para sa kaniyang ipinakitang kabutihan, binigyan ang matapat na bata ng scholarship at financial assistance bilang pabuya.
Ating alamin ang kwento ni Andrey Macabuhay, isang 13-anyos na parking boy na nagpakita ng katapatan,
Matapat na bata, nagbalik ng nawawalang pera
Ayon kay Dindo Lorenzo, nawalan raw siya ng 7,000 pesos habang umo-order sa isang fastfood restaurant. Ngunit sa kabutihang palad ay mayroong nagbalik ng kaniyang pera, si Andrey Macabuhay na isang parking boy sa lugar.
Kwento ni Dindo, “Around 1:00am kanina dumaan ako ng Mcdo Sta. Maria para bumili ng pasalubong sa aking pamilya pagkuha ko ng Phone ko nasama palang nahugot pera ko mga 7k yun puro 1 thousand nung nasa loob na ko ng Mcdo para umorder tinawag ako ng batang ito at sinabing nahulog ang pera ko.
“Bilang reward pinilit ko syang umorder ng pagkain pero ayaw daw nya kase busog daw sya, nung inabutan ko sya ng konting cash naiyak sya at nagpasalamat dahil ibibigay daw nya sa nanay nyang may sakit.
Di na daw nakakapagtrabaho tatay nya kase malabo na daw ang mata. di daw nya naisip na ibulsa or itakbo ang pera ko kase di naman daw kanya yun at pinalaki sya ng nanay nyang mabait at maging honest sa kapwa kahit mahirap lang sila.. God bless you pogi magkikita pa ulit tayo babawi ako sayo promise.. God bless you.”
Mabilis na nag-viral ang insidente, at pinuri ng mga netizens si Andrey dahil sa ipinakita niyang kabutihan. Bilib na bilib sila sa bata, dahil kahit na naghihirap ay mayroon pa rin itong prinsipyo, at pinili niyang gawin kung ano ang tama.
Biniyayaan ang kaniyang kabutihan
Dahil sa ipinamalas na katapatan, binigyan ng isang paaralan ng scholarship si Andrey na may halagang 400,000 pesos. Kasama na raw dito ang kaniyang uniform, school supplies, at allowance.
Mayroon ring mga nag-offer na bigyan sila ng financial assistance, at magsisilbi itong malaking tulong para bumuti ang buhay ni Andrey at ng kaniyang pamilya.
Plano raw nilang gamitin ang pera upang makapagsimula ng maliit na negosyo.
Talagang pinatunayan ni Andrey na hindi dahilan ang kahirapan upang gumawa ng masama, at lahat ng mabuting gawain ay nabibiyayaan.
Source: Philnews
Basahin: Cab driver from Baguio gets amazing reward for his honesty