May paliwanag ang siyensya kung bakit nagkakaroon ng matatakutin na bata.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang dahilan kung bakit may matatakutin na bata.
- Paano nakakaapekto sa fear response ng isang bata ang kanilang gut health o malusog na tiyan.
Bakit may matatakutin na bata?
Ang ating human anatomy ay nakakagulat at nakaka-amaze. Pero ano man ang galaw na ating ginagawa o emosyon na ating nararamdaman, lahat ng ito ay produkto ng neurons ng ating utak.
Tulad na lang ng endorphins na siyang responsable sa stress at pain na ating nararamdaman. Ang hormone naman na serotonin ay nagsisilbing stabilizer ng ating mood.
Habang ang dopamine hormones ay nirerelease ng katawan sa tuwing tayo ay nakakaramdam ng pleasure. Ang oxytocin naman kung tayo ay nakakaramdam ng love at trust.
Pero pagdating sa takot na ating nararamdaman, ayon sa siyensya ang dapat sisihin ay ang ating tiyan. Partikular na umano sa kaso ng mga baby na mas nakakaramdam ng takot at danger higit sa sino pa man.
Ito ay ayon sa isang bagong pag-aaral na ginawa ng Michigan State University at University of North Carolina Chapel Hill.
Paliwanag ng isang pag-aaral
Base sa ginawang pag-aaral, natuklasan ng mga researcher na ang microbiome na nasa tiyan ng ilang mga sanggol ay very sensitive sa mga nakakatakot na sitwasyon.
Habang may ilan naman na may milder o mas mahinang reaksyon mula sa mga ito. Mula sa kanilang naging findings, konklusyon ng ginawang pag-aaral, ang ating neurological well-being ay may kaugnayan sa ating tiyan.
Ang paraan ng pagre-react ng isang bata sa isang nakakatakot na sitwasyon ay maaaring gawing indikasyon ng kaniyang future mental health.
Ang mga ito ay natuklasan ng pag-aaral matapos kunan ng stool samples at obserbahan ang fear response ng 30 na baby. Sila ay masinsinang pinag-aralan na kung saan siniguradong consistent o pare-pareho ang mga factors na nakakaapekto sa microbiome ng kanilang tiyan.
Ang lahat ng 30 na sanggol ay breastfed at hindi umiinom ng kahit ano mang antibiotics ng isagawa ang pag-aaral. Sila ay kinunan ng stool sample at saka ito inalyze.
In-assess naman ang fear response nila sa pamamagitan ng pagsusuri sa magiging reaksyon nila sa oras na may pumasok na taong nakasuot ng Halloween mask sa kuwarto na kanilang kinaroroonan. Habang isinasagawa ang pag-aaral ay nandoon din ang mga magulang ng mga bata.
“We really wanted the experience to be enjoyable for both the kids and their parents. The parents were there the whole time and they could jump in whenever they wanted. These are really the kinds of experiences infants would have in their everyday lives.”
Ito ang pahayag ni Rebecca Knickmeyer, lead researcher ng ginawang pag-aaral mula sa Michigan State University.
Mas maraming bacteria sa tiyan mas nagiging matatakutin ang bata
Pinag-aralan din ng mga researcher ang utak ng mga sanggol sa tulong ng MRI technology. Doon nga nila natuklasan na ang content ng microbial community ng isang taong gulang na bata ay naiiugnay sa laki o size ng kaniyang amygdala. Ito ang parte ng ating utak na gumagawa ng quick decisions base sa potential threats na ating nararanasan.
Ang mga nakalap na data ay pinagdugtong-dugtong ng mga researchers. Doon nila natuklasan kung paano naapektuhan ng microbiome ang pag-dedevelop at pag-ooperate ng amygdala ng utak.
Base sa kanilang pag-aaral, natuklasan nila na ang mga isang buwang gulang na sanggol na may uneven na gut microbiome ay mas nagiging matatakutin sa oras na sila ay mag-isang taong gulang na.
Dahil ang sinasabing uneven gut microbiomes ay nagtataglay ng significant amount ng bacteria. Ang mga bacteria na ito ay nadadala ng mga batang matatakutin hanggang sila ay mag-isang taong gulang.
Kumpara sa mga batang less fearful o hindi masyadong matatakutin. Kung mas marami umano ang naturang bacteria sa tiyan ng bata ay mas nagiging matatakutin siya.
Natuklasan din ng pag-aaral na ang mga batang may exceptionally muted fear response o hindi nagpapakita ng takot ay may tendency na mag-develop ng callous o pagiging marahas sa iba. Sila rin ay may tendency na magpakita ng mga unemotional traits na iniuugnay sa anti-social behavior.
BASAHIN:
Pintig sa tiyan, maaaring sintomas na ng isang seryosong sakit!
Ayaw magpababa ni baby at palagi itong bugnitin? Narito ang 10 signs ng high needs baby
10 parenting mistakes na nakakaapekto sa mental health ng bata
Rekumendasyon ng pag-aaral
People photo created by v.ivash – www.freepik.com
Pahayag ni Knickmeyer, base sa kanilang naging findings mahalaga na bigyang pansin ang microbiome o tiyan ng isang bata sa pagpopromote ng kanilang healthy brain development. Dahil dito nakakasalalay ang pagkakaroon niya ng maayos na mental health sa kaniyang pagtanda.
“This early developmental period is a time of tremendous opportunity for promoting healthy brain development. The microbiome is an exciting new target that can be potentially used for that.”
Ito ang sabi ni Knickmeyer.
Dagdag pa niya, ang resulta ng kanilang pag-aaral ay makakatulong din sa iba pang mga researcher at doktor sa paggawa ng bagong paraan sa pag-monitor at pagsuporta ng neurological development ng mga bata.
“Fear reactions are a normal part of child development. Children should be aware of threats in their environment and be ready to respond to them.
But if they can’t dampen that response when they’re safe, they may be at heightened risk to develop anxiety and depression later on in life.”
Ito pa ang nasabi ni Knickmeyer.