Mamas, madalas bang sumakit ang likod niyo lalo na tuwing second at third trimester ng inyong pagbubuntis? Baka dahil ito ay sa paglaki at pag-bigat ng inyong tyan. Pero huwag kayong mag-alala dahil we’ve got your back, Mamas! Narito na ang itinuturing namin na best maternity support belt sa bansa!
Ang pag-suot ng maternity support belts ay hindi lamang para mga Mamas na nahihirapan sa pag-dala ng kanyang tyan. Mahalaga din ito bilang katuwang sa pag-suporta ng tyan at likod lalo na kapag madalas na kumikilos ang isang nagbubuntis. Paki-pakinabang ang maternity support belt sa mga Mamas tulad ng:
Kahalagahan ng pagkakaroon ng maternity support belt
-
Pag-bawas ng sakit ng joints at likod
Una sa lahat, naitala na 71% ng nagbubuntis ay nakararanas ng back pains samantalang 65% naman ay nakararanas ng pelvic pain. Bagama’t karamihan ng nagbubuntis ay nakararanas ng back at pelvic pain, maaari itong maiwasan sa paggamit ng maternity support belt bilang support sa tyan at lower back.
-
Nagsisilbi bilang gentle compression sa paggalaw
Ang maternity support belt ay nagsisilbing compression na nakakapag-suporta ng uterus at nagbibigay ng ginhawa tuwing gumagalaw ang mga Mamas. Mas mapapadali ang paggalaw kapag may maternity support belt na suot dahil ito at tumutulong sa pagdala ng tyan ng mga Mamas.
Hindi lang sa pagbubuntis maaaring gamiting ang maternity support belt dahil ito rin ay katuwang ng mga kapapanganak lang na Mamas. Lalo na at bagong panganak lamang kayo, Mamas, mahirap parin kumilos at nag-aadjust pa rin ang inyong katawan matapos manganak. Ang maternity support belt ay makatutulong i-compress nang mahinay ang inyong tyan para hindi masyadong masakit sa likod o sa inyong sugat ang pagkilos.
-
Tumutulong sa pag-maintain ng posture
Mamas, napapansin niyo ba na minsan ay nakahawak na kayo sa balakang ninyo para suportahan ang inyong posture? Ito ang tinatawag na “swayback" na kung saang sinusubukan ng isang Mama na suportahan ang dagdag na bigat ng kanilang tyan. Ang paggamit ng maternity support belt ay isa sa mga madaling solusyong upang hindi na kayo mag swayback at makapag-maintain ng good posture.
-
Pag-bawas sa pamamaga ng binti
Karamihan ng Mamas na nagbubuntis ay nakararanas ng pamamaga ng binti. Ito ay dulot ng pag-adjust ng inyong katawan sa pagbigat ng tyan. Ang pagsuot ng maternity support belt at nakatutulong sa pag-distribute ng body weight sa inyong binti para hindi mahirapan ang mga muscles at mamaga.
Tips kung paano ito suotin nang maayos
- Siguraduhing hindi masikip ang pag-suot ng belt
- Maaaring suotin sa ibabaw ng damit
- Alamin ang inyong tamang size para makaiwas sa discomfort o complikasyon
- Magkonsulta sa doctor kung kayo man ay nakraranas ng discomfort o pain sa paggamit ng maternity belt
Best Maternity Support Belts sa Pilipinas
Best Maternity Support Belts sa Pilipinas

Una sa listahan ay ang Mama’s Choice Pregnancy Belt dahil hindi lamang ito’y affordable, ito rin ay effective!
Bakit magugustuhan mo ito?
- Nakakabawas ng back pain
- Nakakatulong sa pag-maintain ng proper posture
- Nakakatulong sa pag-relieve ng pressure at sinisiguradong kumportable ang Mamas sa paggalaw
Ang maganda sa Mama’s Choice ay one click away lang ang kanilang Shopee! Pumunta lang sa Shopee para makapag-check out dahil ito ay Php 699 lang!
Mamaway Ergonomic Maternity Support Belt

Ang Mamaway Ergonomic Maternity Support Belt ay designed para sa mga Mamas palapit na ng third trimester.
Bakit magugustuhan mo ito?
- Nakatutulong hawiin ang pressure ng likod, pelvis, at spine
- Maaari itong gamitin sa pagtulog para magkaroon ng extra support ang inyong tyan
- Maaari rin itong gamitin sa pagtulog para magkaroon ng extra support ang inyong tyan
Mabibili mo ito sa Edamama sa halagang Php 2,128.
Mamaway Nano Bamboo Postnatal Recovery & Support Belly Band

Gawa ito sa fabric na mayroong bamboo charcoal na mayroong bacterial at odor properties. Ang Mamaway Nano Bamboo Postnatal Recovery & Support Belly Band ay isang fully adjustable band para masigurado ang sukat ng tyan ng mga Mamas.
Bakit magugustuhan mo ito?
- Adjustable at highly stretchable
- Ang bamboo fibers ay hypoallergenic
- Breathable dahil sa bamboo material at mesh weave structure
Mabibili mo ito sa Edamama sa halagang Php 3,368.
Medela Support Belly Band

Ang Medela Support Belly Band ay gumaganap bilang under garment na maaaring suotin ng mga Mamas na hindi kailangang i-clip o i-fasten para magamit. Gamit itong feature na ito, nakatutulong ang Medela Support Belly Band sa pagsuporta ng lower back at pelvis.
Bakit magugustuhan mo ito?
- Nagbibigay ng light support para sa lower back at belly
- Ang design nito ay para hindi makita ang belly band sa ibabaw ng damit ng mga Mamas
- Seamless at breathable ang tela
Mabibili mo ito sa halagang Php 1,250.
Mamaway Posture Correcting Maternity Support Belt

Panghuli, ang maternity support belt na ito ay designed para ma-target ang swayback ng mga Mamas at para ma-enhance ang proper posture.
Bakit magugustuhan mo ito?
- Nagtatanggal ng pressure points, back at pelvic pain
- Sinisiguradong natural ang galaw ng mga Mamas kapag ito ay suot
- Premium at durable ang material nito
Mabibili mo ito sa halagang Php 3,928.
Talaga namang best maternity support belts ang nailista sa article na ito at siguradong makakahanap kayo ng best support belt na makatutulong sa inyong pagbubuntis, Mamas!
Read more:
Pregnancy Back Pain: How can you prevent it?
Best maternity leggings: comfortable & stretchy brands you’ll want to wear while pregnant
Check Out: Best Maternity Jeans That Suit Your Baby Bump