Matet de Leon sa pagbabati nila ng ina na si Nora Aunor: “Ang Diyos nga nagpapatawad.”

Ayon pa kay Matet, sa kabila ng mga hindi nila pagkakaintindihan ng ina ay mahal na mahal niya parin ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matet de Leon at Nora Aunor nagkaayos na matapos ang tampuhan sa negosyong gourmet tuyo. Ayon kay Matet pinagsisihinan niya ang mga salitang nabanggit niya laban sa ina.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pag-aayos nina Matet de Leon at Nora Aunor.
  • Matet de Leon and Nora Aunor issue.

Pag-aayos nina Matet de Leon at Nora Aunor

Larawan mula sa Instagram account ni Matet de Leon

Bati at nag-uusap ng muli ang mag-inang sina Matet de Leon at Nora Aunor. Ito ang ibinahagi ng aktres na si Matet na nagsimulang makilala sa mundo ng showbiz noong siya ay bata pa at bilang isa sa mga adopted na anak ng superstar na si Nora Aunor.

Kuwento ni Matet sa kaniyang vlog, bago pa man pumasok ang taong 2023 ay nagkaayos na sila ng ina niyang si Nora Aunor. Ang nag-first move nga daw sa pag-aayos nila ay ang kaniyang ina. Bagama't pagbabahagi pa niya ay naisip niya na ring makipag-usap sa batikang aktres bago pa man mag-pasko.

“Nag-chat sa akin si mommy na sana maging maayos na, maging okay na kami, na sana kasi bagong taon kaya kalimutan na natin 'yong mga nangyari nitong nakaraan.”

“Bago mag-Christmas, I wanted to send mommy a message na maayos na pero nauna si mommy na mag-chat sa akin. I think that’s God’s way para maging maayos ang lahat.”

Ito ang pagkukuwento ni Matet sa kaniyang vlog.

Pagpapatuloy pa niya, agad naman daw niyang tinanggap ang paghingi ng tawad ng ina. Dahil pagbabahagi pa niya, sino ba naman daw siya para hindi tanggapin ang paghingi nito ng tawad at pagpapakumbaba.

“Who am I not to say yes to that and not to agree with her? Ang Diyos nga nagpapatawad. Ang mali ko lang doon, sinabi ko na hindi ko na siya kakausapin. Hindi ko pala kaya.”

Matatandaang nitong nakaraang buwan ay sinabi ni Matet sa isang interview na hindi niya na kakausaping muli ang inang si Nora Aunor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi ko na siya kakausapin ulit. Kasi parang sa akin, ginawa ko na ang lahat.”

Ito ang reaksyon ni Matet noon sa panayam sa kaniya ng showbiz reporter na si Ogie Diaz tungkol sa alitan nilang mag-ina.

Base naman sa latest na pahayag ng aktres ay pinagsisihan niya ang mga nasabi at nadala lang siya ng tampo niya kay Nora Aunor.

Larawan mula sa Facebook Fan Page ni Nora Aunor

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matet de Leon and Nora Aunor issue

Ang isyu sa pagitan nina Matet de Leon at Nora Aunor ay nag-ugat sa pagsulot daw umano ng superstar sa gourmet tuyo business ni Matet.

Kuwento ni Matet, alam ng kaniyang ina na gourmet tuyo at iba pang bottled goods ang negosyo nila ng asawa niyang si Mickey Estrada.

Sa ngayon, lalo na’t hindi naman siya nakukuha sa mga pelikula at TV shows, ang negosyo daw ang major source income lang ng kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Laging gulat nga raw ni Matet ng malaman sa isa sa mga namimili sa kanila na ganito rin daw ang business ng kaniyang ina. Kuwento pa ni Matet mas nasaktan daw siya ng malamang alam ng kapatid niyang si Kenneth ang tungkol sa negosyo ng ina. Pero siya walang kaalam-alam kaya pakiramdam niya ay tinaraydor siya.

“I feel very sad. I feel betrayed. Para ako akong trinaydor. Grabe, ampon na ampon ang pakiramdam ko ngayon, mga tol. Ang lakas maka-ampon 'yong ginawa nila. Damang-dama ko pagka-ampon. Walang gagawa nito sa anak nila.”

“Ang ibig sabihin lang nito, hindi talaga ako tinatratong anak. Ngayon ko lang naisip. At saka 'yung mga malalapit sa kanya, hindi ko na lang sasabihin kung sino, but they also feel that si mommy doesn't love us. Hindi niya gagawin ito kung mahal niya kami. Ngayon ko lang na-realize talaga.”

Ito ang pagbabahagi ni Matet sa kaniyang vlog pa-tungkol sa isyu. Sa parehong vlog ay ini-reveal rin ng aktres na siya ay may bipolar disorder. Kaya naman labis ang naging reaksyon niya sa ginawa ng ina.

Sa parehong vlog ay ini-reveal rin ni Matet na sa mga dokumentong mayroon sila ay lumalabas na hindi si Nora Aunor ang adoptive mother nila ng mga kapatid niyang sina Lotlot at Kenneth. Ang ina raw nito o ang lola nila ang nag-ampon sa kanila.

Si Nora Aunor base sa mga dokumento ay kapatid nila. Pero magkaganoon pa man ay inirespeto nila ito bilang ina tulad sa nakilala nilang ama na si Christopher de Leon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi pa ni Matet, labis fin ang pagtanaw niya ng utang na loob sa ginawang pagpapalaki ni Nora Aunor sa kanila. Sa katunayan, sa kabila ng hidwaan nila noon ay hiniling niya na sana ay maging maayos parin ang kalusugan nito.

"Mahal na mahal ko si Mommy. Pag-pepray ko na tuloy-tuloy ang pagbuti ng health niya. I wish her well.”

Ito ang sabi pa ni Matet sa kaniyang vlog.

Sa isang YouTube video ay makikitang nagkita sa personal at talagang nagkaayos na sina Matet de Leon at kaniyang ina na si Nora Aunor.

Larawan mula sa vlog ni John Rendez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement