Lotlot De Leon ibinahagi ang status ng relasyon sa inang si Nora Aunor

Lotlot De Leon ibinahagi ang status ng relasyon sa inang si Nora Aunor

Pag-alala ni Lotlot ni minsan hindi ipinaramdam ng inang si Nora Aunor na siya ay ampon.

Lotlot de Leon inaming bihira silang nagkikita at nagkakausap ng inang si Nora Aunor kahit noon siya’y bata pa. Pero ayon kay Lotlot ni minsan hindi nawala sa isip niya ang ina.

Lotlot de Leon and Nora Aunor relationship

Sa isang exclusive heart-to-heart interview ni Lotlot de Leon sa kanyang YouTube channel kasama ang batikang showbiz writer na si Rommel Gonzales, binahagi nito ang status ng kanilang relasyon ng inang si Nora Aunor.

lotlot-de-leon-2

Image screenshot from Lotlot de Leon’s Instagram account

Ayon kay Lotlot, matagal na silang hindi nagkikita at nag-uusap ng inang si Nora Aunor. Pero sa kabila nito ay alam niya naman na mahal siya nito at ganoon din siya sa ina. Dahil bata pa lamang daw siya ay nasanay na ito na hindi sila madalas na nagkikita.

“Noong bata kami ni Ian (Ian De Leon) mom used to work all the time. Kasi siya ang bread winner ng family, sa kanya kami umaasa lahat sa buong pamilya. So, she would always say before na anak kahit na hindi tayo masyadong magkita o nagkakausap sabi niya alam mong mahal ko kayo nandito lang ako.”

Ito raw ang laging sinasabi ni Nora Aunor sa kaniya. Kaya naman kakaiba man kung titingnan ang relasyon nila alam niya sa kanyang sarili na mahal nila ang isa’t isa.

Lotlot de Leon sa pagiging ampon niya

Ganoon din umano ang ipinararamdam sa kanya ng ina kahit siya’y kilalang ampon nito. Ni minsan hindi raw ipinaramdam nito sa kanya na naiiba siya. Kung mayroon nga raw nagpapamukha nito sa kanya, ito’y ang mga taong nakapaligid sa kanya noon siya ay bata pa.

“Mommy never treated me differently from how she treated Ian. Even my dad, Daddy Boyet he never treated me less than he treated Ian. Kumbaga kung paano nila mahal si Ian ganoon rin ang naramdam ko na pagmamahal nila sa akin. Hindi ko naramdaman na iba ako sa kapatid ko. Dumadating lang ‘yung itme na nare-realize ko na ampon ako, is because of other people not because of my parents.”

Hinding-hindi nga raw makakalimutan ni Lotlot noong ipinagtapat ni Nora Aunor na siya ay ampon. Pitong taong gulang pa lang siya noon. Naiyak daw siya ng gawin ito ng aktres pero ito ay hindi dahil sa galit. Ngunit dahil sa kalungkutan na kung bakit hindi si Nora Aunor ang totoong nanay niya.

“Tinawag ako ni mommy sa Valencia pa kami nakatira. And then inupo niya ko sa sofa tapos nakaharap kami sa altar. Tinuro niya si Mama Mary at saka nandoon si Santo Niño. Sabi niya anak dyan ka galing. Hindi ka man galing dito sa tiyan ko kagaya ni Ian na kapatid mo pero diyan ka galing.”

“Umiyak ako. Nasaktan ako kasi bakit hindi ikaw ang mommy ko gusto ko ikaw. She was all I wanted.”

lotlot-de-leon-2

Image screenshot from Lotlot de Leon’s Instagram account

Hindi totoong wala siyang utang na loob sa ina

Bata pa lang daw siya ay labis na ang pagmamahal niya sa ina. Hindi raw totoo ang sabi-sabi na wala siyang utang na loob o ungrateful sa pagpapalaking ginawa sa kanya nito.

“I love her for who she is. For everything she has done for me, sa mga kapatid ko. We will always be grateful at hindi dapat ‘yun kinukwestyon ng kahit na sino.”

“Everything I am because of her and everything that is good in me is because of my parents.”

Pinabulaanan din ni Lotlot ang sinasabi ng kanyang mga basher na hindi man lang nito inimbita ang ina sa kanyang naging kasal sa Lebanese businessman na si Fadi El Soury nitong 2018.

“Impossible na hindi ko imbitahin. Lahat ng specials events sa buhay ko I want her to be part of it. I want her to be part of my children’s life. I want her to be there all the time. Kaya imposible na hindi ko siya imbitahin.  Pero alam ko naman na kahit wala siya doon I know that she is happy for me.”

Iniisip lang ni Lotlot na baka busy ang ina kaya hindi ito nakapunta o kung minsan ay hindi sumasagot sa mga text at tawag niya. Pero ni minsan hindi raw ito nawala sa isip niya.

“Sometimes I will call her up or I will text her. But I think she is also busy so minsan hindi rin siya nakakareply or nakakasagot. She knows naman we are always thinking about her, kaming magkakapatid.”

lotlot-de-leon-2

Image screenshot from Lotlot de Leon’s Instagram account

Kahit malayo at hindi sila nagkikita mahal na mahal niya pa rin ito

Ang naging pagpapalaki nga ni Nora Aunor na ito sa kanya ay nai-apply rin umano ni Lotlot sa mga anak niya. Kaya kahit hiwalay na sila ng dating asawa na si Ramon Christopher Gutierrez ay hindi raw naramdaman ng kanilang mga anak na broken family sila. Dahil kahit malayo man o hindi nagkakasama naipaparamdam nila rito ang pagmamahal nila bilang mga magulang.

“Whatever it is that we went through in the past we have learned to put that all aside because of the kids.”

Nang tanungin nga kung gaano kamahal ni Lotlot ang inang si Nora Aunor ay naiyak ito ng sumagot. Ito ang kanyang nasabi.

“Mahal ko siya hindi naman nagbabago ‘yun e. Mahal ko siya always. Nandito lang namin kami.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lotlot de Leon (@ms.lotlotdeleon) on

 

SOURCE:  

HEART TO HEART INTERVIEW | LIFE UPDATE 

 

BASAHIN:

 Celebrity moms share the best parenting advice they got from their own moms

Celebrity moms share the best parenting advice they got from their own moms

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner