Matteo Guidicelli nakalikom ng higit 4M para sa apektado ng COVID-19

Mahigit 4 million pesos ang nalikom ng donation drive ni Matteo Guidicelli para sa mga apektado ng COVID-19 crisis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matteo Guidicelli donation drive para sa COVID-19 crisis, tinawag na #OneVoicePH.

Matteo Guidicelli donation

 

Sa tulong ng mga kaibigan niya sa industriya at sponsors katulad ng Landers Superstore at Philippine Army, nag-organize ng isang online livestream concert si Matteo. Umabot sa mahigit 4 million pesos ang nalikom nila sa donation drive na ito. Bukas pa rin hanggang ngayon ang website kung saan puwedeng mag-donate, pero sa loob lamang ng 5 oras ay ito na ang halagang nakalikom nila.

Ang nasabing livestream concert ay pinangunahan ni Matteo, pero mayroon ding special participation ang kanyang asawa na si Sarah Geronimo. Katulong din ni Matteo ang artist at producer na si Kean Cipriano sa pag-o-organize ng nasabing event. Nag-perform naman sila Jed Madela, Jason Dy, Kyle Echarri, Janine Tenoso at marami pang iba.

Nagbigay naman ng mensahe ang ilan pang mga celebrity sa livestream. Ito ay sina Judy Ann Santos, Jericho Rosales, Kylie Verzosa at Nico Bolzico. Bukod sa mga encouraging na mensahe ay nag-donate din ang mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Beneficiaries ng #OneVoicePH

 

Ang bawat sentimo na nalikom daw nila ay mapupunta sa mga pamilya na nangangailangan. Ngayong nasa krisis tayo dahil sa COVID-19, maraming mga pamilya ang walang makain. Ito ay dahil na rin sa community quarantine na maaring pumipigil sa kanila para makapag-hanapbuhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa tulong naman ng Philippine Army ay idi-distribute ang nasabing mga donasyon sa mga pamilyang apektado. Ito naman daw ay 1 week’s worth ng pagkain sa kada pamilyang paglalaanan.

Mauulit ba ito?

Ayon kay Matteo, maaaring magkaroon ng pangalawang episode ang #OneVoicePH. Sana nga raw ay sa susunod, makasama na rin nila ang iba pang artists tulad ni Enrique Gil at Liza Soberano.

Ayon naman kay Kean, ang kanilang record label ay magkakaroon din ng katulad nito na online concert kaya naman hintayin lang ang kanyang announcement tungkol dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukas pa rin naman ang donation drive kaya kung nais niyong makatulong ay maari na i-click ang page na ito.

 

SOURCE: ABS-CBN News

BASAHIN: LOOK: Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ikinasal na!

Sinulat ni

mayie