LOOK: Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ikinasal na!

LOOK: Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ikinasal na!

Sarah and Matteo wedding, nangyari na! Kamakailan lang ay napabalitang na-engage ang popstar royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang long-term boyfriend na si Matteo Guidicelli.

Sarah and Matteo wedding

sarah-and-matteo-wedding

Screenshot from @matteog’s Instagram

Matapos ang mga spekulasyon kung kailan talaga ang kasal ng dalawa, nangyari na nga ang pinaka-aabangan na Sarah and Matteo wedding. Napag-alamang sa Shangri-la Fort ginanap ang civil wedding ng dalawa at hindi pa kumpirmado kung sino sino ang mga naimbitahan.

Pribado ang naging wedding ceremony ng dalawa at maging ang ina ni Sarah na si Mommy Divine ay di umano naimbitahan. Kung babalikan, sinasabing hindi talaga pabor sa kasalan ang nanay ni Sarah sa kanilang relasyon. Maaring ito ang dahilan kung bakit hindi siya na-inform sa naganap na kasalan.

Matteo sinapak ang bodyguard ni Sarah

Usap-usapan naman ang nangyaring insidente sa Sarah and Matteo wedding. Nagkaroon kasi ng tensyon nang di umano’y sapakin ni Matteo ang bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara matapos sabihin nito kay mommy Divine ang tungkol sa kasal. Bigla raw kasing dumating ang ina ng 31-year old na popstar.

Matatandaan namang noong na-engage ang dalawa, nagsulat ng letter si Matteo para sa parents ng kanyang fiancée. Sinabi niya rito na:

“Hangad ko po na maging isang pamilya tayo. Pangako ko po na aalagan ko si Sarah na kapareho ng pangangalaga niyo sa kanya,”

Pinasalamatan niya rin ang mga magulang ni Sarah dahil sa mga family values na itinuro sa kanya. Dahil daw dito ay mas naging kamahal-mahal ang kanyang partner. Hiniling niya rin na sana ay dumating ang panahon na magkakila-kilala ang kanilang pamilya at kahit magsalo-salo para i-celebrate ang pagmamahalan nila.

Tungkol naman sa pagtanggap ng pamilya ni Matteo kay Sarah, ito ang pahayag niya:

“I’m very blessed and honored that my parents welcomed Sarah to our humble family like another daughter. My sister and little brother loves her the same way. Knowing she is loved and accepted in the family simply fills up my heart with joy.”

Sarah and Matteo relationship

sarah-and-matteo-wedding

Screenshot from @matteog’s Instagram

6 years na ang mag-partner na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli at sila nga ay na-engage noong November, last year. Secretive ang dalawa sa kanilang mga wedding plans, at kahit nga noong sila ay na-engage, lahat ay ginawa nilang private. Kahit sa simula pa lang ng kanilang relasyon, hindi talaga masyadong nagbibigay ng detalye ang dalawa tungkol sa kanila. Dala na rin siguro ito ng pagiging sikat nilang dalawa kaya naman pinipili na lang nilang panatilihing private ang kanilang dating life.

Sarah and Matteo latest news

Sa kabila ng mga nangyaring problema sa kasalang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, makikita pa rin sa kanilang mga mukha ang kasiyahan.

Matatandaang noong Huwebes, February 20, kumpirmadong ikinasal na nga ang long time couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Ang kasal ay ginanap sa Shangri-La Fort sa Bonifacio Global City.

sarah-and-matteo-latest-news

Sa kabila ng secret wedding na ito, kumalat sa social media ang umano’y pagsuntok ni Matteo sa bodyguard ni Geronimo. Ito ay matapos biglaang sumulpot ang nanay ni Sarah na si Mommy Divine sa kanilang kasal. Ang dahilan niya, gusto lamang nitong kausapin ang kanyang anak.

Kilala bilang isang striktong nanay si Mommy Divine sa kanyang anak.

Sa ngayon, wala pa ring opisyal na balita ng pag-aayos nina Mommy Divine at nina Sarah at Matteo. Ngunit sa kabila nito, kahit nananatiling tahimik ang parehong panig, kaayusan at pagpapatawad pa rin ang kanilang hangad.

Sa isang post naman ni Dr. Vicky Belo sa kanyang Instagram, makikita sina Sarah at Matteo na magkasama sa isang shop upang bumili ng kanilang mga gamit sa bahay.

“So happy to see Mr and Mrs Guidicelli @matteog @justsarahgph doing normal husband and wife duties. @scarletsnowbelo is trying to help them pick out glassware in Rustans but I don’t think she’s helping that much 🤣 Matteo though is so sweet and patient with her. He told me his only wish for Sarah is to be the happiest woman in the world ♥️ #AshMatt

 

SOURCE: PhilStar, CNN

BASAHIN: Celebrity weddings na inaabangan ngayong 2020

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

mayie

Article Stories
app info
get app banner