Mausisa ang baby? Ayon sa pag-aaral, palatandaan umano ito na magiging matalino si baby paglaki.
Mababa sa artikulong ito:
- Pag-aaral na nagsabing ang mausisa na baby palatandaan na siya ay magiging matalino paglaki.
- Paano mas mahahasa ang IQ ni baby.
Magiging matalino paglaki kapag mausisa ang baby
Girl photo created by v.ivash – www.freepik.com
Very curious at interested ba si baby sa mga magic tricks? Kung oo, ayon sa isang pag-aaral ang pagiging curious niya na ito ay madadala niya hanggang sa paglaki niya.
Ito ay daan rin para maging matalino siyang bata. Ito ang natuklasan ng pag-aaral na isinagawa ng mga researchers mula sa John Hopkins University. Nailathala rin sa journal na Proceedings of the National Academy of Sciences kamakailan lang.
Ang resulta ng naturang pag-aaral natuklasan matapos isailalim sa isang eksperimento ang 65 na sanggol na 11 months old ang edad.
Dito tiningnan kung ano magiging reaksyon ng mga sanggol sa oras na makakita ng normal at magical objects. May ilan sa mga bata ang nagpakita ng excitement ng makakita ng magical objects.
Habang may ilan naman ang tinitigan lang ito ng matagal. Ang iba naman ay sinulyapan lang ito at saka humikab na senyales na hindi sila nasisiyahan sa kanilang nakikita.
Muling isinailalim sa parehong eksperimento ang mga sanggol ng sila ay mag-isang taong gulang at kalahati na. Doon nga natuklasan ng mga researcher na ang mga parehong sanggol na nagpakita ng interes o curiosity at tumitig ng matagal sa mga magical objects, noong sila ay 11 months old pa lang ay pareho pa rin ang reaskyon ng sila ay mag-isang taong gulang at kalahati na.
“We found babies who looked really long at magical objects at 11 months were the same babies that looked really long at magical objects at 17 months.
Babies are affected by these magical events in different ways, and these ways appear to be stable across a six-month period during infancy.”
Ito ang pahayag ni Jasmin Perez, researcher mula sa John Hopkins University at bahagi ng ginawang pag-aaral.
Pagkahilig niya sa magic at surprising events signs na magiging matalino si baby
People photo created by rawpixel.com – www.freepik.com
Ngayong tatlong taong gulang na ang mga bata ay muli silang binalikan ng mga researcher. Sa pagkakataong ito, dahil sa nangyayaring pandemya imbis na isailalim sa eksperimento ay pinasagutan nalang ang mga magulang ng mga bata ng questionnaire na susukat ng behavior nila.
Dito mas tumibay ang nauna ng findings ng pag-aaral. Sapagkat base sa mga sagot ng magulang ng mga bata, ang sanggol na nagpakita ng interest sa mga magical objects noon ay kasalukuyang very curious o mausisa pagdating sa information-seeking at problem-solving. Ang mga skills na mahalaga para mas maintidihan ng mga bata ang mundo na ginagalawan nila.
Sa ngayon, ayon sa mga researchers ay patuloy nilang susundan ang paglaki at development ng mga sanggol na sumailalim sa ginawang pag-aaral.
Ito ay upang patunayan na ang mga ipinapakitang behavior ng mga sanggol ay palatandaan na sila ay magiging matalino paglaki. At ang pagkahilig umano sa magic, surprising events at kung mausisa ang baby ay palatandaan na masipag siyang matuto na daan para siya ay maging matalino paglaki.
BASAHIN:
Matalinong bata: Mga dapat taglayin ng magulang para sa success ng kanilang anak
Paano mas mahahasa ang IQ ni baby?
Samantala, ayon sa pinagsamang pahayag mula sa mga pag-aaral at mga eksperto, narito ang mga maaring gawin ng mga magulang para mas tumalas ang IQ o mas maging matalino ang isang bata.
Isali o i-enroll sa music lessons ang iyong anak.
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga music lessons ay mabisang pampatalino sa mga bata. Dahil ang mga batang kabilang sa music group ay napatunayang mas mataas ang score sa IQ subtest. Sila’y naitala ring mas nagkakamit ng academic achievement.
I-encourage ang iyong anak na mag-exercise.
Dahil ayon sa pag-aaral, mas natuto ng 20% ng mga bagong vocabulary words ang mga tao pagkatapos mag-exercise. Dagdag ng isa pang pag-aaral, ang tatlong buwan na pag-e-exercise ay nag-i-increase ng blood flow sa parte ng utak na nagpo-focus sa memory at learning ng 30%.
Magbasa kasama ang iyong anak.
Baby photo created by freepik – www.freepik.com
Dahil nakakatulong ito para mag-improve ang kaniyang reading skills at strategies.
Siguraduhing makakuha ng maayos na tulog ang iyong anak.
Ayon sa isang pag-aaral, ang kakulangan ng isang oras na tulog ng isang bata ay katumbas ng dalawang taong pagkawala ng kaniyang cognitive maturation at development. Habang nakakakuha naman ng mas mataas na grades ang mga batang natutulog ng dagdag pang 15 minutes.
Panatilihing masayahin ang iyong anak.
Ayon sa pag-aaral ang mga batang masiyahin ay mas nagiging successful sa buhay. Sa kanilang paglaki ay mas nagkakaroon sila ng mas magandang performance reviews, prestigious jobs at mas mataas na sahod kapag sila ay nagtratrabaho na.
Mas mataas din ang tiyansa nilang maging masaya at satisfied sa kanilang partner kapag naikasal na. At ang unang hakbang para maging masiyahin ang isang bata ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng masiyahing magulang.
Pagtiwalaan ang iyong anak.
Ang pagtitiwala ng ang iyong anak ay matalino kumpara sa iba ay malaking bagay. Mahalaga ang support system o ang pagkakaramdam ng isang bata na may naniniwala sa kakayahan niya ay malaking bagay. Isa ito sa the best na paraan na pampatalino na kakailanganin ng iyong anak mula sayo.
Source:
Photo: