Co-parents na sina Max Collins at Pancho Magno magkasamang ipinagdiwang ang 3rd birthday ng kanilang anak na si Skye

Max at Pancho makikitang partners parin pagdating sa anak na si Skye.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Max Collins at Pancho Magno masayang ipinagdiwang ang kaarawan ng kanilang 3-year-old son na si Skye. Pancho at Magno makikitang maayos parin ang relasyon kahit sila ay hiwalay na.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Max Collins and Pancho Magno nag-reunite para sa 3rd birthday celebration ng anak nilang si Skye.
  • Co-parenting set-up ni Max at Pancho.

Max Collins and Pancho Magno nag-reunite para sa 3rd birthday celebration ng anak nilang si Skye

Larawan mula sa Instagram account ni Max Collins

Kahanga-hanga kung titingnan ang relasyon ng mag-ex na sina Max Collins at Pancho Magno. Dahil kahit hiwalay na ay tila walang masamang tinapay sa isa’t-isa ang dalawa. Sa nagdaang 3rd birthday celebration ng kanilang anak nitong July 6 ay makikitang close parin sina Max at Pancho. Si Max ibinahagi ang mga larawan sa naging birthday celebration ng anak na may Safari team.

Si Pancho nag-share rin ng mga videos at photos sa naging birthday celebration ng anak. Pinasalamatan niya rin ang mga taong sinamahan sila sa pag-cecelebrate ng birthday ng anak niyang si Skye.

 

“What a fun and love filled 3rd birthday celebration for our @skyecollinsmagno here @playlabph. 🎉”

“It will never be complete without our friends, family and of course food!
Thank you Lord God! 🙏”

Ito ang caption ng post ni Pancho sa Instagram na kung saan makikitang partner parin sila ni Max pagdating sa anak na si Skye.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Max Collins

Co-parenting set-up ni Max at Pancho

Nitong Mayo kinumpirma ng aktres na si Max Collins na hiwalay na sila ni Pancho. Hindi idinetalye ni Max ang naging paghihiwalay nila ni Pancho pero sabi niya ay nanatili silang magkaibigan. At nagkasundo silang magkaroon ng healthy co-parenting relationship para sa anak na si Skye.

“Every separation is difficult, but it was amicable. We were not working, and we needed to try spending time apart to see how that would work because we have a son to think about.”

“We’ve been together for eights years total. Nilaban namin hangga’t kaya ng mga puso namin in a sense where dumating ‘yung point na we stopped becoming in denial about it. I didn’t want to lie to myself anymore, and I think he didn’t want to as well.”

“We’re in a very good place now. Our child is almost three, and he’s very happy and healthy, and we have a very good co-parenting relationship.”

Ito ang pahayag noon ni Max tungkol sa paghihiwalay nila ni Pancho at kanilang relasyon ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Max Collins

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement