Sa kabila ng kasiyahan sa pagiging bagong ina, ibinahagi ni Max Collins ang napakaraming insecurities at pagsubok na naranasan niya sa pagbubuntis at pag-aalaga sa kanyang unang anak na si Skye Anakin.
Mababasa sa artikulong ito:
- Max Collins ibinahagi ang mga karanasan niya sa kanyang pagbubuntis at pagiging ina
- Pagsubok ng pagiging “working mom”
Pagsubok ng pagiging “working mom” ni Max Collins
Kasabay ng kaliwa’t kanang pagsubok sa pagbabago ng katawan hindi rin mawawala ang problemang kinahaharap ni Max Collins bilang isang “working mom.”
Taong 2019 nang magpasya ang aktres na magpahinga muna sa pagtatrabaho sa showbiz para matututukan ang pagiging ina kay Skye.
Subalit bumalik din siya sa pagtatrabaho agad. Ayon sa kanya nang magsimula ulit siyang magtrabaho ay hindi maiwasang makaramdam kadalasan ng “mom guilt.”
Sa kasagsagan ng kanyang isang buwan na “locked-in” taping ay dito raw nararamdaman ni Max Collins ang maguilty sa tuwing iniiwan niya si Skye.
Larawan mula sa Instagram account ni Max Collins
Pagbabahagi ng aktres,
“It’s just really difficult being away from him. But I’m glad that he’s not yet old enough to talk and ask me to stay.”
Ginagamit na lang daw niya ang sakit sa kanyang trabaho upang madama ang emosyon sa kada eksena. Ayon kay Max Collins isa raw sa pinakamahirap sa mga tapings ay ang kawalan ng tulog.
Mas naging mahirap ito noong siya ay naging ina lalo ngayong pandemic. Pinipilit din daw niyang maka-Facetime pa rin ang anak kahit pa maraming gawain sa kanilang taping. Para raw makilala pa rin ang kanyang mukha nito sa tuwing siya ay umaalis.
Sa kabila ng mga pagsubok na ito, sinisigurado rin ni Max Collins na makabawi sa anak kung mayroong oras. Para naman hindi makaramdam ng lungkot sa tuwing siya ay naiiwan ng aktres.
Larawan mula sa Instagram account ni Max Collins
Napapawi raw lahat ng pagod niya sa tuwing nakikitang masaya si Skye,
“He’s so big, happy, bungisngis. He’s growing up fast, and I’m in awe [of] how big he has gotten now. I’m just loving every moment with him.”
Para rin daw mapawi ang pagod parati na lang raw niyang iniisip na ginagawa niya ito para sa kinabukasan ng kanyang anak at ng kanilang pamilya.
BASAHIN:
Max Collins ginawang smoothie ang PLACENTA (inunan) matapos manganak
STUDY: Hirap na pinagdadaanan ng mga working mom dumoble ngayong may pandemic
6 reasons why being a working mom is not a bad thing
Max Collins ibinahagi ang mga karanasan niya sa kanyang pagbubuntis at pagiging ina
Sinakto ng magkarelasyon na sina Max Collins at Pancho ang pagbabahagi sa publiko ng pagkakaroon ng unang anak noong ika-25 ng Disyembre taong 2019. Ito’y matapos ang dalawang taon mula ng kanilang “intimate wedding” noong 2017.”
Bakas sa kanilang dalawa ang kasiyahan at pagkasabik na maging magulang. Pareho silang nagbahagi sa kani-kanilang social media ng post ukol rito.
Sa isang post sa instagram ng aktres sinabi niyang,
“The more the merrier! Merry Christmas from our growing family to yours.” habang hawak ng magkasintahan ang sonogram ng kanilang magiging anak.
Caption naman ng aktor na si Pancho,
“Thank you Lord for giving us the gift of love and life on your birthday!”
Lingid sa kanilang kaalaman simula lamang pala ito ng marami pang kahaharapin nila bilang mga magulang. Ayon sa aktres ang simula raw ng kanyang pagbubuntis ay isang matinding pagsubok.
Larawan mula sa Instagram account ni Max Collins
Mga naranasan ni Max noong siya’y nagbubuntis
Tulad ng maraming ina na nakaranas ng “morning sickness” hindi rin daw siya nakaiwas dito. Dagdag pa niya pinagdaanan niya rin ang makaramdam ng pagiging antukin. Halos buong araw niya ito nararansan, at nakaranas din siya ng matinding “stomach flu.”
Nagsimula rin daw niyang maramdaman ang pagiging lumakas kumain nang gumagalaw na ang baby sa kanyang sinapupunan. Ito ay pagsapit ng ika-18 linggo mula ng kanyang pagbubuntis.
Matapos ang siyam na buwang pagdadalang-tao, nagdesisyon siyang subukan ang “water birth”. Sapagkat sa takot na manganak nang normal sa ospital dahil sa pandemic.
Hindi pa rin pala natatapos sa panganganak ang iba’t ibang pagsubok na dala pa ng pagdadalang-tao. Kamukha rin ng maraming ina na nagkaroon ng pagbabago sa kanilang mga katawan.
Nagsimula rin daw na makatanggap ng mga “body shaming” comments ang aktres. May mga nakapagsabi pa sa kanya na isa siyang “narcissistic” dahil sa pagpayat niya kaagad kahit kapapanganak pa lamang.
Larawan mula sa Instagram account ni Max Collins
Buwelta ng aktres sa mga bumabatikos sa kanyang pagpapapayat.
“I feel like if we don’t look and feel beautiful, then we can’t give love that we don’t have ourselves. The more you love yourself, the more that we respect ourselves, and all the more that we will be able to treat our family with respect and take care our kids well,”
Paglilinaw niya ay nais niya raw na maging “best version” upang maging maligaya siya at maalagaan pa nang lubos ang kanyang pamilya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!