Maxene Magalona sa kaniyang metal health issues noon: "I was kicking doors, punching walls... Everything would tick me off"

Ibinahagi ng aktres na si Maxene Magalona ang kaniyang mga pinagdaanang mental health issues noon. Alamin dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kilala si Maxene Magalona bilang honest and open sa kanyang personal mental struggles. Gusto raw niya kasing ma-inspire ang mga taong may same struggle sa kanya to heal. 

Sa podcast tungkol sa health, fitness, nutrition at biohacking na Wil Dasovich - Superhuman, ay binukas na naman niya ang issue ng kanyang mental health at paano niya ito hinahandle. 

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Maxene Magalona sa kanyang mental health journey
  • Natural healing: paano makatutulong sa inyong mental health problems

Maxene Magalona sa kanyang mental health journey

Year 2020, nang maranasan daw ni Maxene Magalona ang maraming mental health issues. Febuary 29, nang magpasya siyang pumunta sa Bali, Indonesia kaya naman doon na siya inabutan ng lockdown. 

Pumunta siya dito upang kumuha ng teacher course certificate dahil nasimulan niya ito sa Thailand taong 2019. Hanggang sa nakita niya online ang school of healing arts at nagpasyang mag-enroll dito. 

Para sa kanya ginabayan daw siya ng kanyang “soul” para matagpuan niya ito. Ito ang way ng kanyang “determined spirit” para matulungan siya sa problemang kinahaharap niya sa kanyang mental health issues.

Ayon sa aktres, nararanasan na raw niya ang fear at anxiety most of her life. Hindi niya raw ito in-address dahil hindi niya alam ang mali, at wala rin daw siyang masyadong alam sa mental health problems. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Maxene Magalona

"I was kicking doors, punching walls... Everything would tick me off"

Dumating sa puntong nagkakaroon na siya ng “unattractive adult tantrums.” Lumalabas daw ang kanyang emosyon ng “rage” at “anger.” Nagsisimula na niyang suntukin at sipain ang pinto sa kanilang bahay. Dahil raw ito sa mga nakapagti-trigger na mga bagay sa kanya.

Nagdesisyon siyang magpa-therapy dahil sa mga malalang episodes na ito. Nararamdaman na niyang ang kanyang body at soul na nakikipag-communicate sa kanya, at sinasabing mayroon nang mali. Nakikita raw na wala na sa “alignment” ang kanyang mga emosyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa kanya ito raw ang kanyang “inner child” na nagkakalinga nang pagmamahal. Ang mga panahong ito raw ay “scattered” at negative ang kanyang energy.

“That really caught my attention because as a celebrity I did not sit well with the idea that I was punching doors and I had to pretend that I was sweet online.”

Larawan mula sa Instagram account ni Maxene Magalona

Dumating siya sa puntong hindi na niya gusto ang nakikitang sarili sa harap ng salamain. Bilang artista, ayaw raw ni Maxene Magalona na mag-advertise ng mga maling bagay online at makita ng libo-libong followers niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman sobrang honest niya sa kanyang struggle na ito. Gusto niyang makita ng kanyang mga fans na ito ang kanyang totoong nararamdaman.

Mula pa man daw noong bata siya hanggang sa magdalaga at ngayong nasa adult life na ay nararanasan na niya ang ganitong struggles. 

BASAHIN:

8 na paraan upang maprotektahan ang mental health mula sa social media

Maxene Magalona, inamin ang emotional abuse na ginawa niya sa mister dahil sa mental health issue

How your mental health can affect you and your relationship to your husband – One mom shares

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Natural healing: paano makatutulong sa inyong mental health problems

Isa sa nakatulong kay Maxene ay ang kanyang “natural healing.” Ayon sa kanya ang paraan daw na ito ay mas matagal kaysa sa healing na ginagamitan ng gamot dahil ito ay mahabang proseso. 

“It’s pulling out roots and weeds.” 

Ganito niya inilarawan kung paano gumagana ang natural healing. Marami raw taong walang pasensya at lakas ng loob para harapin ang kanilang “inner demons.” 

Payo niya, lahat naman daw ay kaya itong gawin. Kinakailangan lang maging mabuti at mapang-unawa sa sarili. Dapat daw ay maniwalang ito ay journey na kailangang mag-commit kung totoong gusto mo talagang gumaling at makaalis sa problema ng mental health.

Dagdag pa niya, hindi raw siya against sa mga taong nagte-take ng medications o sa medications in general. Naniniwala raw siyang mayroong itong natutulungang ibang mga tao.

Larawan mula sa Instagram account ni Maxene Magalona

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nais daw niya na magsimula sa ganitong paraan at sundan ng natural healing dahil ito ay effective lalo na sa kanya. Kailangan lamang ng courage para maharap ang ang kanya-kanyang inner demons sa tao.

Ibinahagi rin niya ang kanyang way sa pag-handle sa kaniyang anxiety sa pmamagitan ng natural healing. Sa tuwing nagkakaroon daw siya ng episodes ng anxiety attacks. Nararamdaman niya raw na ito ay darating na sa tuwing ang isip niya ay nagsisimula nang mag-overthink at vibration sa puso niya. 

Ang ginagawa raw niya ay umuupo at kinakausap ang kanyang anxiety. Ganito raw kasi ang natural healing, nagbibigay ito ng space para sa mga emosyon ng tao. Kinakilangan lang na matutunan to slow things down.

"Slow down. Connect to your system. Connect to your breath. Calm everything down."

Ganito ang personal na prosesong ibinahagi ng aktres para raw marelease sa sistem ng tao ang mga emosyon na ganito at para rin maramadaman nilang sila ay “seen and validated.”

 

Sinulat ni

Ange Villanueva