Maxene Magalona nagbigay tribute sa amang si Francis M. sa dapat ay 59th birthday celebration nito. Aktres ibinahagi ang life lessons na itinuro sa kaniya ng ama.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Maxene Magalona on dad Francis M. birthday.
- Life lessons na natutunan ni Maxene mula sa kaniyang ama.
Maxene Magalona on dad Francis M. birthday
Nitong October 4 ay dapat 59th birthday celebration ng namayapang rapper at singer na si Francis Magalona o Francis M. Pero wala man na ang tinaguriang si Kiko ay hindi naman malilimutan ng marami ang naging ambag nito sa musikang Pilipino. Lalo na ang anak niyang si Maxene Magalona na hindi lang sa music maraming natutunan sa kaniyang ama. Kung hindi pati narin mga life lessons na ibinahagi ni Maxene sa isang Instagram post.
Life lessons na natutunan ni Maxene mula sa kaniyang ama
Ayon kay Maxene, may 8 life lessons siyang natutunan sa ama na hanggang ngayon ay hindi parin naalis sa isip niya. Nangunguna na nga rito ang pagtrato sa lahat ng tao na may respeto anuman ang antas nila sa buhay. Hindi rin daw dapat agad na hinuhasgahan ang isang tao sa mga desisyon nito. At hindi dahil sila ay celebrity ay mas mataas na sila sa iba. Kaya naman lagi lang silang dapat maging humble at mabait sa kanilang kapwa.
Ibinahagi rin ni Maxene na ang kaniyang ama ay isinunod ang pangalan sa santong si St. Francis of Assisi. Ito ay kilala bilang isa sa mga greatest peacemakers sa kasaysayan. Kaya naman kapayapaan din ang advocacy ni Francis M.
Larawan mula sa Facebook account ni Maxene Magalona
Francis M as a dad
Pagdating sa pagmamahal sa pamilya, hindi rin daw matatawaran ang ginawa ng amang si Francis M para kanila Maxene. Bagamat pagbabahagi niya may mga traumas ito na sa kanilang mga anak niya naibaling. Pero magkaganoon man, hindi daw ito nagkulang na maiparamdam sa kaniyang mga anak ang pagmamahal ng isang ama.
“Love your family to the best of your ability. Admittedly, he was not perfect as he would unconsciously project his own traumas on to us when he was much younger which was understandable given that he had us at the age of 21 😳 Despite his shortcomings as a father, I could always feel that his love for us was very deep and genuine. He was my role model for love.”
Ito ang pang-limang life lesson umano na itinuro ng ama ni Maxene sa kaniya.
Larawan mula sa Facebook account ni Maxene Magalona
Lagi rin daw ipinaalala nito na walang kung sino man o ano man ang dapat magpatigil sa kaniya na abutin ang kaniyang mga pangarap. Hindi rin daw dapat i-sacrifice ng isang tao ang kaniyang authenticity para tanggapin ng iba. At higit sa lahat pagdating sa mga problema, may Diyos na laging nakaalalay. Ito daw lagi ang sinasabi ni Francis M sa anak na si Maxene sa tuwing siya ay namomoblema.
“Let go and let God. This was one of the things he said to me when I was asking him for advice.”
Ito ang sabi pa ni Maxene na natutunan niya mula sa amang si Francis M.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!