X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Maxene Magalona sa tanong kung bakit hindi pa siya nagkakaanak: “Not every woman is born to be a Mom.”

5 min read
Maxene Magalona sa tanong kung bakit hindi pa siya nagkakaanak: “Not every woman is born to be a Mom.”

Maxene minsan ng umaming hindi pa ready magkaanak dahil sa mental health condition na naranasan.

Maxene Magalona bakit nga ba wala pang baby? Ito ang dahilan.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Sagot ni Maxene Magalona sa tanong kung bakit wala pa siyang baby.
  • Dahilan kung bakit wala pang anak si Maxene.

Sagot ni Maxene Magalona sa tanong kung bakit wala pa siyang baby

maxene magalona on having a baby

Larawan mula sa Facebook account ni Maxene Magalona

Marami na sa mga kaibigan ng aktres na si Maxene Magalona ang mayroon ng baby at masaya sa kanilang binubuong pamilya. Kaya naman si Maxene hindi nakaligtas sa mga curios na netizen tungkol sa kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang anak.

Sa kaniyang Instagram ay may isang netizen ngang hindi napigilang tanungin si Maxene na hindi naman pinag-isipan pang sagutin ng aktres.

“Why don’t you have kids soon?” tanong ng isang netizen sa IG story ni Maxene.

“Not every woman is born to be a Mom,” ito naman ang cool at positibong sagot ng aktres.

Dahilan kung bakit wala pang anak si Maxene

Una ng ibinahagi ni Maxene sa kaniyang Instagram account ang dahilan kung bakit hindi parin siya nagkakaanak. Ito ay dahil sa mental health condition niya na kung tawagin ay complex post traumatic stress disorder (C-PTSD).

Ayon kay Maxene, ang kondisyon niyang ito ang pumipigil pa sa kaniyang magkaroon ng baby. Dahil sa natatakot siyang maipasa niya sa magiging anak ang trauma at negative emotions na mayroon siya.

“I was really hesitant to get pregnant because of my mental health condition. I was scared that I might just end up passing on my traumas and projecting my negative emotions onto my children.”

“And I didn’t want to get pregnant while I was still carrying so much trauma and pain inside of me. Since kids usually copy and inherit the behavior of their parents.”

Ito ang sabi noon ni Maxene sa isang Instagram post.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Maxene Magalona (@maxenemagalona)

Kaya naman, kasama ang kaniyang mister na si Rob Mananquil ay inaaral ni Maxene ang yoga. Ito ang paraang nakita niya para unti-unting ma-overcome ang trauma at mental health condition na nararanasan.

“I realized that I needed to do something about my mental health condition and really focus all my energy on healing myself and unlearning my negative traits and habits. So, we chose to take this yogic path to be able to help ourselves heal from our past traumas and release all that we need to before we start our own family.”

Ito ang sabi pa noon ni Maxene.

Mental health condition ni Maxene nakaapekto rin sa pagsasama nila ng kaniyang mister

maxene magalona and husband

Larawan mula sa Facebook account ni Maxene Magalona

Samantala, sa panayam sa kaniya ng host na si Toni Gonzaga ay minsan naring inamin ni Maxene kung paano nakaapekto sa pagsasama nila ng kaniyang mister ang kondisyon niya. Si Maxene umaming naabuso ang mister niya.

“I was projecting negative emotions towards my husband and I was becoming abusive with my words. I didn’t know that it was already psychological and emotional abuse.”

“Kunyare kapag may sinabi siya sabi sakin pipitik na ko, magagalit tapos kung ano-ano na sasabihin ko. Later on I felt bad about it, then I say sorry to him and then he will accept my apology. A few days later, magkakaroon ulit ako ng episode.”

Ito umano ang napansin ni Maxene sa behavior niya sa kaniyang mister. Maliban nga umano dito, naging pisikal rin umano siya. Umabot na siya sa point na sumusuntok na siya sa pader at naninipa na siya ng pintuan.

Kuwento pa ni Maxene, nagsimula siyang makaranas ng sintomas ng sakit ng mamayapa ang ama niyang si Francis Magalona. Dahil mula umano noong nasawi ito ay nahilig siya sa pagpa-party at pag-inom ng alak mapanatili lang happy ang sarili niya. Hindi niya napansin na 5 taon na pala niya itong ginagawa at labis ng naapektuhan ang kalusugan at pagkatao niya.

Mabuti na nga lang umano ay nalampasan niya ang mental health condition na naranasan sa tulong ng mister niyang si Rob. Ito umano ang nagpursige sa kaniyang magpakonsulta at magpa-therapy para masaayos ang kondisyon niya.

Maxene Magalona sa tanong kung bakit hindi pa siya nagkakaanak: Not every woman is born to be a Mom.

Na-realize rin ni Maxene na hindi pagtakbo o pagde-deny sa sakit ang paraan para malampasan ito. Kailangang ito ay harapin at tanggapin para matukoy ang dapat mong gawin.

“I’ve been going through my healing journey. I realized that admitting that you’re going through pain, owning it, and embracing it is actually a very strong and courageous thing to do. Running away from it is actually what makes you weak.”

Ito ang sabi pa ni Maxene.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Samantala, Enero nitong taon na maging usap-usapan na hiwalay na si Maxene at kaniyang mister. Ito ay matapos i-unfollow ni Maxene ang mister na si Rob sa Instagram at alisin ang apelyido nito sa username niya. Bagamat hanggang ngayon si Maxene hindi pa nagbibigay ng pahayag sa status ng pagsasama nilang mag-asawa.

Maxene Magalona’s Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Maxene Magalona sa tanong kung bakit hindi pa siya nagkakaanak: “Not every woman is born to be a Mom.”
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.