Isa sa mga kilala sa larangan ng showbiz sa bansa si Maxene Magalona. Makikita sa kaniyang Instagram post ang iba’t ibang clips na siya ay emosyonal at umiiyak.
Mababasa sa artikulo na ito:
- Maxene Magalona emosyonal sa isang video
- Kwento sa likod ng video ni Maxene Magalona
- Benepisyo sa pagkakaroon ng maayos na mental health
Maxene Magalona emosyonal sa isang video
Makikita sa instagram ni Maxene Magalona ang video kung saan siya ay umiiyak. Ang kanta ni Adele na Easy on Me ang maririnig na background dito. Ang lyrics din ng kantang ito ang makikita sa kaniyang caption, kung saan nakalagay rin ang kaniyang ‘current mood’.
Umani at nakatanggap ng mga komentong naglalaman ng maiinit na yakap at pag-intindi mula sa mga kilalang tao sa showbiz at maging sa mga netizens ang video ni Maxene. Ilan sa mga ito ay sina Tim Yap at Jay R.
officialtimyap: Let it out. Yes, totally okay to not be okay. Life is tough but we are tougher. Hugging you tight maxxxx
rnbjayr: I hope you’re ok Maxie!!
Kwento sa likod ng video ni Maxene Magalona
Sa isang pang Instagram post ay pinaliwanag ni Maxene ang tungkol sa kaniyang pagluha sa video. Doon niya sinabi na okay lang na makaramdam ng labis na emosyon.
“I’m okay! And even on days when I’m not okay, that’s okay also It’s okay not to be okay all the time, okay?? Sending you all so much love, peace and kind kisses.”
Sinabi rin ni Maxene Magalona na mayroong bahagi sa kaniya na naisip na gawin ang video. Aniya, ito ay kuha pa noong nakaraang taon at hindi niya rin alam kung bakit siya umiiyak noong mga panahong ‘yon.
“Those videos were actually from last year, when I was crying in Manila and I just sort of documented myself crying because I didn’t understand how and why I kept crying for two weeks straight during that time.”
Dagdag pa ni Maxene Magalona, gusto niyang ibahagi ang kaniyang nararamdaman.
“And then, so I never posted those videos, but today I felt like creating that reel because I just wanted to share these emotions. Because I believe, it’s really okay not to be okay all the time.”
Ayon pa sa kaniya, pakiramdam niya ay maraming makaka-relate sa kaniya. Dagdag pa rin ni Maxene Magalona, hindi madali ang maging mag-isa at maramdaman ang pagkabalisa.
“God whispered to me to post that, because I feel that a lot of people will be able to relate. And it’s not easy to be alone and to be feeling anxious, overwhelmed, sad, depressed. So I just wanted to show that you are never alone, we are in this together.”
Ibinahagi rin ni Maxene Magalona sa video na ang pag-iyak ang isa sa mga struggle niya noong lumalaki, kaya sinabi niyang kung kailangan umiyak ay iiyak ito.
“And if you need to cry, please cry kasi that’s really something that I struggled with growing up. And then now that I am at this age, I realized that the sooner we face these painful emotions inside of us, the sooner we deal with them and we feel them, then we will move forward with much clarity, and lightness in the heart.”
Sa dating panayam kay Maxene Magalona, nag-open siya na mayroon siyang complex post-traumatic stress disorder. Isa sa nakatulong sa kaniya para maka-cope sa kaniyang kondisyon ay ang yoga.
Benepisyo sa pagkakaroon ng maayos na mental health
Mahalaga para sa isang tao na mapangalagaan ang kaniyang mental health. Heto ang mga posibleng makuha kapag maayos ang mental health ng isang indibiduwal:
- Kakayahan para makaya ang mga stress sa buhay– Ang matatag na mental health ay kayang manghimok na magkaroon ng malusog na coping mechanisms.
- Positibong pagtingin sa sarili – Mayroong malaking bahagi ang mabuting mental health sa pagkakaroon ng self-esteem. Ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili ay madalas na nagpapahiwatig ng malusog na estado ng kaisipan. Ang taong may yumayabong na mental health ay mas nakakapagpokus sa magaganda nilang katangian. Hahasain nila ang mga katangian na ito at sa kabuuan ay magkakaroon ng hangarin tungo sa malusog at masayang buhay.
- Mas malusog na relasyon – Kapag mayroong malusog na isipan, maaaring mas makapagbigay sa mga kaibigan at pamilya ng quality time, affection at suporta.
- Mas magiging produktibo – Ang pagkakaroon ng matatag na isipan ay makakatulong na makapagtrabaho ng mahusay at makapagbigay ng mataas na kalidad ng trabaho.
- Mataas na kalidad ng buhay – Ang pagkakaroon ng mental well-being ay magiging susi ng pag-improve ng kalidad ng buhay. Maaari din itong makatulong sa komunidad na kinabibilangan. Maaari ding magkaroon ng mga panibagong kahihiligan at bagong kakilala at makapag-travel sa ibang lugar.