Ibinahagi ni Maxene Magalona ang family picture nila kalakip ang mensahe nito para sa mga pamilya ngayong Mental Health Awareness Month.
Maxene Magalona ibinahagi kahalagahan ng komunikasyon sa pamilya
Isang family picture ang ibinahagi ni Maxene Magalona sa Instagram. Makikita sa larawan ang pamilya nila noong sila ay mga bata pa at kasama pa ang yumaong ama na si Francis Magalona.
Kalakip ng family picture ay ang mensahe nito kaugnay sa Mental Health Awareness Month ngayong buwan ng Mayo.
Aniya, pangarap niyang makita na mas maraming pamilya sa buong mundo ang magpra-practice ng art of conscious communication.
Saad ni Maxene, ang sad reality umano sa maraming pamilya, madalas na hindi napag-uusapan o iniiwasang pag-usapan ang mga usapin tungkol sa mental health at healing. Ito raw ay dahil nagdudulot ito ng awkward at di komportableng pakiramdam. Kaya pinipili na lamang ng mga pamilya na huwag nang pag-usapan.
Pero saad pa ng aktres, kapag naipon ang mga family issues na hindi napag-usapan. Ay maaari itong magdulot ng hindi maganda sa samahan ng pamilya at sa mental health ng bawat isa.
“No problem ever goes away by just ignoring it. Mental health issues are a natural part of our lives. And the sooner we accept and address them as a family, the better we are able to heal and grow together,” ani Maxene.
“When we take the time to consciously communicate and work towards understanding each other, however, our relationships strengthen and deepen. When we can allow ourselves to be vulnerable with our loved ones, that is when true healing begins,” dagdag pa nito.
Ipinaalala rin nito ang halaga na magkaroon ng safe space ang bawat isa sa kanilang mga tahanan. Mangyayari lamang ito kung magkakaroon ng healthy at honest communication ang pamilya.
“Instead of fighting and shouting at each other, we can choose to talk calmly with love and compassion.”