Maxene Magalona kinumpirmang siya'y single na, nag-share ng perks ng pagiging single at childless sa kaniyang edad

Ito ang unang pagkakataon na inamin ni Maxene na hiwalay na sila ng mister niyang si Rob Mananquil.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maxene Magalona confirms she is now single.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Maxene Magalona sa pagiging single at childless.
  • Pagsasama ni Maxene Magalona at ex-husband niyang si Ron Mananquil.

Maxene Magalona sa pagiging single at childless

Larawan mula sa Instagram account ni Maxene Magalona

Matagal na ring tanong sa marami kung ano talagang status ng relasyon ni Maxene Magalona at mister niyang si Rob Mananquil. Dahil nitong nakaraang mga buwan ay mapapansing tila laging solo si Maxene sa mga post niya sa social media.

Nitong Sabado ay winakasan na ni Maxene ang mga haka-haka at kinumpirma nga niyang siya ay single na. Ito ay ginawa ni Maxene sa pamamagitan ng isang Instagram post kung saan ibinahagi niya rin ang perks ng pagiging single at childless sa kaniyang edad sa ngayon.

“No date? No problem!

Perks of being single and childless: You have full control of your schedule. You can literally do anything you want on any day at whatever time. ♀

I watch movies in the cinemas alone, take myself out on dates. And go on long solo drives especially when my vibration is low.”

Ito ang bungad ni Maxene sa kaniyang Instagram post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagpapatuloy pa ni Maxene sobrang nai-enjoy niya ang pagiging single sa ngayon. Dahil maliban sa nagagawa niya ang gusto niya, nakakapagdesisyon rin siya agad na walang iniisip na iba pa.

Nag-iisa man at nahiwalay sa asawa very positive ang perspective ni Maxene sa buhay. Nag-uumapaw nga raw kung tutuusin ang blessings na mayroon siya ngayon.

“One time, I even felt the sudden urge to buy crystals for extra protection and I was able to do it easily because I have no one else to think of but myself.”

“Life is all about perspective. Do you see your glass half empty or half full? I see mine overflowing.”

Ito ang sabi pa ni Maxene.

Pagsasama ni Maxene Magalona at ex-husband niyang si Ron Mananquil

Larawan mula sa Instagram account ni Maxene Magalona

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagsimula ang tsismis na hiwalay na si Maxene at mister niyang si Rob Manaquil noong nakaraang taon. Ito ay nang mapansin ng mga fans at followers ni Maxene an mag-isa nalang siyang bumalik ng bansa mula sa Indonesia.

Sa Indonesia ay nagpaka-dalubhasa si Maxene sa pagyo-yoga. Ito ang ginawa niyang therapy para malampasan ang mental health condition na kinakaharap.

Si Maxene matapang na inamin noong nakaraang taon na siya ay nakakaranas na kondisyon na complex post-traumatic stress disorder o C-PTSD. Dahil sa kondisyon ay naging abusive daw si Maxene sa mister na si Rob. Ito rin daw ang naging hudyat sa kaniya na magpatingin na sa espesyalista at doon na nga siya na-diagnose ng nasabing kondisyon.

Sa Indonesia ay nakapag-share pa ng mga larawan si Maxene na kasama niya ang mister. Pero naging kapansin-pansin sa mga netizens ang pagtanggal ni Maxene ng apelyidong Mananquil sa kaniyang Instagram name.

Hindi na rin siya nagpo-post ng mga larawan nila ng mister na magkasama. Ang huli nilang larawan na magkasama ay kuha pa sa naging bakasyon nila sa Indonesia noong 2020 hanggang 2021.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Taong 2018 ng maikasal si Maxene sa mister na si Rob Mananquil sa isang beach wedding ceremony sa Boracay. Ito ay isang taon matapos silang ma-engage sa Japan.

Samantala, nitong Enero 2022 ay binalikan pa ni Maxene ang naging memories ng kaniyang naging kasal. Inalala niya kung paano siya napasaya ng pagsusuot ng isang Vera Wang wedding gown na pinangarap ni Maxene at isinakatuparan ng mother-in-law niyang si Millet Martinez-Mananquil.

"I’ve always dreamt of wearing @verawang @verawanggang on my wedding day. And it was my sweet mother-in-law @milletmartinezmananquil who made that dream come true.”

"I just want to offer her my sincere gratitude for being the kind, generous and selfless soul that she has always been to the lucky people in her life.”

"We have all been touched and moved by her and I just want to post this photo so that she can see how happy she has always made me. I’m so blessed that I met her and felt her love and acceptance from the very beginning.”

Ito ang mensahe pa ni Maxene sa ina ng kaniyang ex-husband na hindi pa tukoy noon kung hiwalay na sila o hindi pa.

Bakit pinili ni Maxene na hindi pa magkaanak

Larawan mula sa Instagram account ni Maxene Magalona

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagdating naman sa isyu ng hindi pa pagkakaroon ng anak sa kaniyang edad, bago pa man ang kumpirmasyon niyang siya ay single na ay ibinahagi na ni Maxene ang dahilan niya.

Sabi ni Maxene, nais niyang sa oras na magkaanak na siya ay completely healed na siya mula sa mental condition na nararanasan. Ito ay dahil naniniwala na siya na malaki ang posibilidad na maipasa niya sa anak ang negativity na dala ng kaniyang sakit.

“I was really hesitant to get pregnant because of my mental health condition. I was scared that I might just end up passing on my traumas and projecting my negative emotions onto my children."

"And I didn’t want to get pregnant while I was still carrying so much trauma and pain inside of me. Since kids usually copy and inherit the behavior of their parents.”

Ito ang sabi pa ni Maxene.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement