Beauty queen na si Maxine Medina ikinasal na sa non-showbiz boyfriend niyang si Timmy Llana.
- Maxine Medina and Timmy Llana wedding.
- Mensahe ng bagong kasal sa isa’t-isa.
Maxine Medina and Timmy Llana wedding
Ikinasal na ang beauty queen na si Maxine Medina sa non-showbiz boyfriend niyang si Timmy Llana nitong October 3. Ang kanilang kasal ginanap sa Immaculate Heart of Mary Church sa Antipolo City.
Si Maxine ay nakilala ng siya ay manalo bilang Miss Universe Philippines noong 2016. Habang si Timmy naman ay isang professional diving instructor. Sila ay na-engage Abril ng nakaraang taon.
Ang ginanap na church wedding nila Maxine at Timmy ay dinaluhan ng ilan sa mga kilalang pangalan sa mundo ng fashion at pageantry. Kabilang na nga rito ang businessman na si Bench Chan at beauty-queen maker na si Jonas Gaffud.
Intimate ang naging church wedding nina Maxine at Timmy. At ang inaasahang magiging bonggang wedding nila ay ang gaganapin na beach wedding nila sa Palawan.
Sa isang panayam, ay una ng ibinahagi ni Maxine na request ng kanilang parents ni Timmy na maikasal mula sila sa simbahan bago ganapin ang kanilang dream beach wedding.
Mensahe ng bagong kasal sa isa’t-isa
Samantala, sa Instagram ay nagbahagi ng kanilang wedding photos si Timmy at Maxine. Kalakip rin nito ay ang sweet nilang mensahe sa isa’t-isa.
“Sealed with a kiss! I love you so much. @timmyllana 🤍”
Ito ang caption ng post ni Maxine na makikita ang larawan nila ni Timmy sa most awaited part ng isang kasal.
Si Timmy naman puring-puri ang dream girl at misis niya na ngayong si Maxine sa nagagandahan nilang wedding photos. Ipinaabot niya rin dito syempre ang pagmamahal niya.
“To my dream girl and now my wife @maxine_medina you look absolutely gorgeous as always.. I love you always forever!!! ❤️”
Ito ang bahagi ng message ni Timmy para kay Maxine.
Congratulations to the newlyweds!
View this post on Instagram