Marami sa atin ang nagkaroon na ng karanasan sa mga mayabang na magulang. Sa eskuwelahan man o sa social media, marami ang hindi mapigilang ipagyabang ang kanilang mga anak. May mga panahon din na, napapansin man natin o hindi, tayo ang nagiging mayabang na tao na inaayawan natin. Alamin natin ang mga paraan kung paano makitungo sa mga mayabang na tao nang nananatiling mahinahon.
Pushy na magulang
May mga magulang na pinipilit ang mga kaalaman nila sa iba. Hingin mo man ang saloobin nila o hindi, ipipilit parin nila itong iparating. Dagdag pa dito, hindi nila maintindihan ang mga gawain na nagsasabing hindi ka interesado sa bagong aktibidad nila.
Bigyan ng limitadong pansin
Kilalanin siya ngunit ipaalam na mayroon ka lamang ilang munito para makinig sa sasabihin niya. Tignan siya sa mata at maging diretso ngunit magalang.
“Hi, mare. Handa akong makinig ngunit sandali ko lang kayang makipag-usap sa ngayon.”
Tignan ang oras at ipaalam na kailangan mo nang umalis
Matapos ang ilang minuto ng pakikinig, akmang tignan ang oras at magpasalamat sa nakuhang impormasyon. Dahil alam niyang nakausap ka na niya tungkol dito, hindi na niya ipipilit na ulitin ang mga impormasyon sa iyo.
“Salamat at pinaalam mo sakin ang tungkol dito. Tatawagan kita kung may mga tanong ako.”
Umalis
Nang walang halong pambabastos, tumalikod ka at lumayo. Kung sakaling siya ay sumunod papuntang kotse, sumakay ka at nakangiting magpaalam bago umandar. Ang iyong pag-alis ang hudyat na tapos na ang pag-uusap. Pinaparating nito sa kanya na tapos ka nang makinig. Tandaan na maging magalang parin sa mga pushy na magulang, hindi kailangan na maging bastos.
“Kita nalang tayo bukas, mare. Salamat ulit sa mga ibinigay mong impormasyon.”
Mayabang na magulang
May paki-alam ka man o hindi, hindi mapigilan ng mga mayayabang na magulang ang ipagmalaki ang mga anak nila. Maging sa eskuwelahan man, sa bahay o sa talento, para sa kanila, ang anak nila ay lamang sa iba. Ipaparating nila to sa lahat kahit pa wala namang interesado.
Ibahin ang paksa ng usapan
Kapag mapansin na papunta na ang usapan sa galing ng kanyang anak, ibahin bigla ang usapan. Mapapatigil siya agad nito at mawawalan ng kontrol sa pag-uusap. Kapag hinayaan mo pa siyang magyabang nang sandali, magiging masmahirap siyang pigilan. Tandaan lamang na nauugnay sa ipagyayabang niya ang ipapalit mong paksa. Halimbawa, kung ipagyayabang ang galing magbasa ng anak, magtanong tungkol sa libro.
“Kaka-iba yung libro na yun, di ba? Bakit kaya nila naisipang isama yun sa curriculum?”
Kumausap ng iba
Kapag patuloy parin niyang ibinabalik sa galing ng kanyang anak ang usapan, ngumiti at kumausap ng iba. Minsan, hindi napapansin ng mga mayayabang na magulang ang pagpaparating na walang interesado sa sasabihin nila, naghahanap lamang sila ng sasang-ayon sa galing ng kanilang anak. Tandaan, hindi kailangang maging bastos sa paggawa nito.
“Magandang balita yan tungkol sa anak mo. Salamat sa pagbabahagi sakin ng kuwento.”
Pushy man o mayabang ang iyong kausap, hindi kailangang tiisin na makipag-usap para lamang hindi makasakit ng damdamin. Kung hindi makontrol ang paksa, humarap sa iba o lumayo na lamang. Gawin ito nang walang pangiinsulto sa mayabang na tao. Samahan ng taos-pusong ngiti para hindi makabastos.
Source: PsychologyToday
Basahin: Kung bakit hindi ka dapat ma-pressure na maging perpektong magulang