Maymay Entrata labis ang kasiyahan na mapagtapos niya sa kolehiyo ang isa sa mga pinsan niya.
Mababasa dito ang sumusunod:
Maymay Entrata napagtapos sa kolehiyo ang isa sa mga pinsan niya
Larawan mula sa Instagram account ni Maymay Entrata
Sa Instagram ay ibinahagi ni Maymay Entrata ang isa sa mga achievements niya sa buhay na talagang pinagmamalaki niya. Ito ay ang pagtatapos ng isa sa mga pinsan niya sa kolehiyo na ayon kay Maymay ay pinag-aral niya.
“9 years ago I asked my 3 cousins/anak na to help me to break the cycle na walang naka graduate ng University sa pamilya namin. Thank you bray hindi mo sinayang lahat ng pagsisikap ko sa trabaho para mapag aral ko kayo.”
Ito ang bahagi ng post ni Maymay.
Ayon pa sa aktres, sa kaniyang ginawang pagtulong sa kaniyang pinsan ay wala siyang hinihinging kapalit. Dahil ang makita ang mga ito na matupad ang mga pangarap nila at makatayo na sa sarili nilang paa ay malaking bagay na para sa kaniya.
Larawan mula sa Instagram account ni Maymay Entrata
Mensahe ng aktres sa kaniyang pinsan na napa-graduate niya sa kolehiyo
“Lagi mo tinatanong kung ano ang gusto kong sukli sa sakripisyong pag pili kong buhayin kayo magkakapatid. Ang masasabi ko lang bray ay wala kang obligasyon na suklian ang pagtulong ko sainyo dahil mahal kita ng walang kapalit. Makita ko lang na matupad nyo ang mga pangarap nyo at kaya nyo nang tumayo sa mga sarili nyong mga paa ay sobra pa sa kayaman na meron dito sa mundo bray.”
Ito ang sabi pa ng aktres na sa huli ay siya pang nagpasalamat sa pinsan niyang pinag-aral niya.
“Salamat dahil tinupad mo pangarap mo dahil ang pangrap mo ay pangarap ko din. Isa ito sa napakalaking biyaya at achievement sa buhay ko.”
Ito ang sabi pa ng aktres.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!