Mayon Volcano alert level 2 nangangahulugang maaring sumabog ang bulkan anumang oras, ayon sa PHILVOLCS.
Mayon Volcano alert level 2
Nitong mga nakaraang araw ay naobserbahan ang crater glow o pagliliwanag ng bunganga ng Mayon Volcano. Ayon sa PHIVOLCS, ito ay indikasyon na may natitira pang magma mula sa huli nitong pagputok noong 2018.
Ang natitirang magma na ito ay maaring unti-unting umaakyat sa bunganga ng bulkan at maaring isabog papalabas ng bulkan anumang oras. Kaya naman dahil dito ang Mayon Volcano alert level 2 ay nanatili. At nangangahulugang ang bulkan ay nasa moderate level of volcanic unrest.
“These observations indicate that Mayon’s recent behavior has been mainly driven by changes occurring within magma already emplaced beneath the edifice rather than by renewed magma intrusion events.”
Ito ang pahayag ng PHIVOLCS sa isa sa kanilang advisory. Dagdag pa nila dahil dito ay ipinagbabawal pa rin ang paglapit ng publiko sa 6-kilometer radius permanent danger zone sa paligid ng bulkan.
Paalala ng PHIVOLCS sa publiko
“It is therefore strongly recommended that entry into the six kilometer-radius Permanent Danger Zone or PDZ and a precautionary seven kilometer-radius Extended Danger Zone or EDZ in the south-southwest to east-northeast sector, stretching from Anoling, Camalig to Sta. Misericordia, Sto. Domingo, should be strictly prohibited.”
Pinag-iingat din ang mga taong nakatira malapit sa danger areas. Dahil sila ay maari ring maapektuhan ng biglaang pagputok ng bulkan.
“People residing close to these danger areas are also advised to observe precautions against rockfalls, PDCs, and ashfall.”
“Sudden explosions, lava collapse, pyroclastic density currents or PDCs, and ashfall can occur without warning and threaten areas in the upper to middle slopes of Mayon.”
Ito ang dagdag pang paalala ng PHIVOLCS mula sa kanilang advisory.
Dapat din daw munang iwasan ang mga lahar-prone na bahagi ng tubig. Tulad ng mga ilog at sapa lalo na sa oras na masama ang panahon o malakas ang ulan.
Hinihikayat din ng PHIVOLCS ang civil aviation authorities na huwag na munang paliparin ang mga eroplano o anumang aircraft malapit sa bulkan. Ito ay upang maiiwas sila sa peligro sakaling biglaang sumabog ito.
Matatandaang nagsimulang itaas ang Mayon Volcano alert level 2, ilang araw matapos pumutok ang bulkang Taal sa Batangas.
Kaya naman hinihikayat ng PHIVOLCS ang publiko na maging alerto at maghanda. At manatiling nakasubaybay sa mga balita at advisories lalo na sa mga nakatira malapit sa paligid ng bulkan.
Pakiusap din nila, huwag maniwala at magpakalat ng maling impormasyon. Upang maiwasan ang panic at maayos na mapaghandaan ang maaring pagputok ng bulkan.
Tips para maging ligtas sa pagputok ng bulkan
Samantala, upang masiguro ang kaligtasan mo at ng iyong pamilya sa oras na pumutok ang bulkan ay narito ang ilang tips na maaring gawin upang ito ay mapaghandaan.
- Kung nakatira malapit sa isang aktibong bulkan, mabuting pag-usapan ng inyong pamilya ang dapat gawin sa oras ng pagsabog nito. Ito ay para maihanda ang bawat isa sa maaring mangyari at maturuan sila ng kanilang dapat gawin. Ganoon din ang mabawasan ang takot na maidudulot nito lalo na sa mga bata.
- Makinig at sumubaybay sa mga balita at anunsiyo tungkol sa pagsabog ng bulkan. Makakatulong ang pagkakaroon ng battery-operated radio na magagamit na source ng balita at impormasyon kahit mawalan ng kuryente.
- Bumili at maghanda na ng goggles at N95 mask para sa bawat miyembro ng inyong pamilya. Ang N95 mask ang pinapayong gamitin kumpara sa surgical mask na maari pa ring pasukin ng abo na mula sa bulkan.
- Para sa mga alagang hayop mabuti ring maghanda ng emergency kit para sa kanila. O lugar na kung saan maari silang mamalagi na hindi sila makakalanghap ng abo mula sa pagsabog ng bulkan.
- Makatutulong din na mag-imbak na ng pagkain at tubig na maiinom para sa inyong pamilya.
Sa oras ng pagsabog ng bulkan ay ito naman ang mga dapat gawin:
- Makinig sa mga panawagan at anunsiyo sa inyong lugar. Sa oras na kailangan ng lumikas ay makipag-ugayan sa local government upang kayo ay matulungan.
- Kung hindi nangangailangang lumikas, manatili sa loob ng inyong bahay. At siguraduhing nakasara ang inyong bintana at pinto. Ito ay upang hindi makapasok sa loob ng inyong bahay ang abo mula sa pagsabog ng bulkan.
- Ipasok din ang mga sasakyan o mga equipment sa loob ng inyong bahay. O kaya naman ay takpan ito ng malaking trapal upang ito ay hindi malagyan ng volcanic ash na maaring makasira sa makina nito.
- Kung lalabas ng bahay ay magsuot ng N95 mask. Sa oras na walang N95 mask ay maaring magbasa ng bimpo at saka ito ang itakip sa inyong ilog at bibig. Ito ay upang hindi makalanghap ng abo na maaring pumasok sa baga at magdulot ng mapanganib na epekto sa kalusugan.
- Iwasan din magpunta sa mga mabababang lugar. Dahil dito naiipon ang mga abo at iba pang debris mula sa pagputok ng bulkan.
- Umiwas din sa mga ilog at iba pang daluyan ng tubig. Dahil sa oras na biglaang sumabog ang bulkan ay magsisilbing daluyan ito ng napa-init na lava mula sa bulkan o lahar.
- Makinig sa mga paalaala ng mga kinauukulan at umiwas sa mga restricted zones o lugar na naka-heightened alert sa oras ng volcanic eruption.
Para iyong maging gabay, narito ang mga volcano alert level at kanilang kahulugan.
SOURCES: CNN Philippines, TheAsianparent Philippines, ABS-CBN News
PHOTO: Pixabay
BASAHIN: Mga tips para maging ligtas sa pagsabog ng bulkan