TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

McCoy de Leon on being a father: "Panibagong responsibility, panibagong inspirasyon.”

4 min read
McCoy de Leon on being a father: "Panibagong responsibility, panibagong inspirasyon.”

Pagdating ni baby Felize sa buhay ni McCoy at Elisse may dalang blessings at miracles. Ito ang masayang sabi ng new dad na si McCoy.

McCoy de Leon very blessed sa pagdating sa buhay nila ni baby Felize.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Feelings ni McCoy de Leon bilang isang ama.
  • Paano ipinararamdam ni McCoy ang pagmamahal sa mag-ina niya.

McCoy de Leon umaming natakot noong una na ipaalam sa publiko na sila ay may anak ni Elisse

elisse joson and mccoy de leon

Image from Elisse Joson’s Instagram account

Mula ng inanunsyo nila McCoy de Leon at Elisse Joson na sila ay mga magulang na ay sinubaybayan na ng mga Pilipino ang buhay nila.

Hindi lang dahil sa napaka-cute ng baby nilang si Felize kung hindi dahil na rin sa kapansin-pansing happiness ng dalawa sa bagong role na ginagampanan nila.

Sa isang panayam nga kay McCoy ng showbiz reporter na si MJ Marfori ay ibinahagi niya kung gaano siya ka-inspired at blessed sa pagiging ama kay baby Felize.

“Lalong dumami ang inspirasyon ko. Siyempre kakaibang milestone sa buhay ko ‘yon na magkaroon ng baby at kamukha ko pa. Panibagong responsibility, panibagong inspirasyon.”

Ito ang nasagot ni McCoy ng matanong kung ano ang feeling niya ngayong siya ay isang daddy na.

Sa pagdating nga daw ni baby Felize ay napatunayan din ni McCoy na ang mga baby talaga ay blessing at may dalang miracles.

“Ngayon ko mapapatunayan, siguro sa mga wala pang baby na totoo talaga miracles sila, blessings sila. Kasi after noong mailabas namin si baby naipakita namin sa buong mundo, ang dami talagang blessings na dumating na hindi namin akalain.”

Ito ang sabi pa ni McCoy.

Bagama’t pag-amin ni McCoy noong una ay natakot sila ni Elisse na ipaalam sa publiko na sila ay may anak na. Dagdag pa ni McCoy,

“Kinakabahan kami sa mga sasabihin ng tao. Hindi mawawala ‘yong takot e. Awa ng diyos sobrang happy ng lahat.”

McCoy de Leon as a new dad

elisse joson and mccoy de leon

Image from Elisse Joson’s Instagram account

BASAHIN:

McCoy de Leon ng malamang buntis si Elisse: “Buong-buong sa isip ko na gusto kong makita, gusto kong buhayin.”

LOOK: Elisse Joson at McCoy De Leon ipinakilala na sa publiko ang kanilang Baby Felize

McCoy de Leon: “Hindi man ako perpekto, gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo”

Sa ngayon, ayon kay McCoy ay maraming dinalang pagbabago sa buhay niya ang anak na si Felize. Kasama na dito ang paggising niya sa madaling araw upang magtimpla ng dede nito. Pati na ang pagmamadali niyang makauwi sa trabaho para makita ang kaniyang mag-ina.

“Dati kapag aalis ka binata ka ayaw mo pang umuwi gusto mo pang mag-mall o kitain pa mga friends mo. Ngayon ako na nagsasabi gusto ko ng umuwi, gusto ko ng makita anak ko. Ganoon na ‘yong feeling.”

Sa kaniyang pag-uwi ay sinisiguro rin daw ni McCoy na iparamdam sa mag-ina niya na espesyal sila. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng bulaklak.

“Binibilhan ko ng flowers mag-ina ko. Kasi dream ko din ‘yon lagi kong ini-imagine sino kaya ‘yong magiging ganoon ko ‘yong after work ko bibilhan ko ng flowers pag-uwi. Sila pala, ayun fulfilling,” nakangiting kuwento ni McCoy.

Pero kung may pinaka-best feeling daw sa pagiging ama ay ito ang makita ang mukha ng kaniyang anak paggising niya sa umaga.

“Ayun yung pinaka-best feeling paggising ko, nakatingin lang siya, tapos katabi mo biglang ngingiti.”

Ito ang natutuwang sabi ng new dad na si McCoy.

Ngayon ay 7 months old na si baby Felize. Kuwento ni McCoy ay nagsimula na itong kumain ng solid foods at nagsisimula ng magsabi ng ilang salita.

McCoy de Leon and Elisse Joson relationship

Elisse Joson at McCoy baby

Image from Elisse Joson’s Instagram account

Matatandaang October 31, ni-reveal nila McCoy de Leon at Elisse Joson na sila ay may anak na. Ang rebelasyon ay kanilang ginawa sa programang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN na kung saan nagsimula ang pagtitinganan nilang dalawa.

Mula sa pagiging magka-loveteam ay naging real-life couple sila. Pero noong 2019 ay nabalitang naghiwalay sila McCoy at Elisse bagamat hindi sila nagbigay ng detalye sa kung ano ba talaga ang totoong nangyari.

Taong 2020, sa pagsisimula ng COVID-19 pandemic ay muling nagkabalikan sina McCoy at Elisse. Ilang buwan matapos silang magbalikan ay nabuntis si Elisse.

Minabuti ni Elisse na manirahan muna pansamantala noon sa ibang bansa para malayo sa stress ng mga isyu at intriga. Sa kaniyang naging pagbabalik sa bansa nitong taon ay kasama niya na ang anak na si Felize.

Source:

YouTube

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • McCoy de Leon on being a father: "Panibagong responsibility, panibagong inspirasyon.”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko