Ibinahagi ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young kung paano nila hinaharap ang stress sa kanilang buhay nang magkasama.
Mababasa sa artikulong ito:
- Megan Young at Mikael Daez nagtutulungan sa pagharap sa stress
- Paano mapapanatili ang magandang samahan ng mag-asawa sa kabila ng stress?
Megan Young at Mikael Daez nagtutulungan sa pagharap sa stress
Partnership para kina Mikael Daez at Megan Young ang pagharap at pag-iisip ng solusyon sa mga problema. Sa launching ng Redoxon, natanong ang mag-asawa kung paano nila hinaharap ang stress sa kanilang buhay.
Saad ni Mikael Daez, tuwing nasa kalagitnaan siya ng stressful na sitwasyon, talagang nahihirapan siyang mag-isip. Doon aniya pumapasok si Megan Young para ipaalala sa kaniya na mag-relax para makapag-isip siya nang maayos.
“Mikael, you need to step aside, relax, give yourself a few minutes and just breathe.”
Todo suporta rin naman daw si Mikael Daez kay Megan Young kapag ito naman ang nahaharap sa stressful na sitwasyon.
“I’ll make her [a] cup of coffee, maybe I’ll make her snacks. Just give her something to help her decompress and unwind.”
Dagdag pa ng aktor, hindi lang daw routine para sa kanila ang stress management at pagkakaroon ng healthy lifestyle, dahil tinuturing talaga nila itong partnership bilang mag-asawa.
“And inevitably you will have your rough moments, you have your good days, and your bad days. But with your partner, hopefully mas ma-lessen nang kaunti ‘yong bad days mo.”
Sang-ayon naman si Megan Young sa pahayag ng asawang si Mikael Daez. Dagdag pa nito, tuwing siya ay nai-stress, tinutulungan siya ni Mikael na i-analyze ang problema at magkasama silang mag-iisip ng solusyon para dito. Una aniya ay iisipin muna nila kung ano ang maaaring gawin sa pagkakataon na iyon tsaka sila mag-iisip ng long term solutions.
Nabanggit din ni Mikael Daez na nitong kasagsagan ng pandemya, kung kailan ay madalas na nasa Zoom meeting sila, ay mas madalas din daw ang stress na kanilang nararanasan. Pero sa kabila umano ng stress na ito, mahalaga raw talaga na mayroon kang partner na makakasama mong harapin ang mga nagdudulot ng stress sa iyo.
“I think it’s really, really important and being able to have that partner, to cry, workout, have a time for yourself to step back and meditate,” saad ni Mikael Daez.
BASAHIN:
Megan Young speaks up on why they chose not to have kids right away
Carla Abellana sa hiwalayan kay Tom Rodriguez: “I was disrespected. I was betrayed.”
Paano mapapanatili ang magandang samahan ng mag-asawa sa kabila ng stress?
Normal sa mga mag-asawa ang pagkakaroon ng problema o makaranas ng stress habang nagsasama. Iba’t iba ang maaaring panggalingan ng stress na ito, mula sa malalaking issue hanggang sa mga regular na problemang bahagi ng araw-araw na buhay.
Ayon kay Dr. Barbara Markway, isang psychologist, narito ang ilan sa mga maaaring gawin kapag dumaranas ng stress ang mag-asawa:
- Mag-isip ng solusyon sa problema, pero tandaan din na may mga problemang hindi madaling hanapan ng solusyon. Maaaring sandaling huminto at mag-isip.
- Tanggapin na stressful ang sitwasyon pero hindi dapat na magsisihan ang mag-asawa. Imbes na sisihin ang isa’t isa, makabubuting mag-focus sa sitwasyon at tandaan na ang sitwasyon ang problema at hindi ang asawa.
- Pwedeng humingi ng tulong o outside support sa mga taong sa palagay niyong mag-asawa ay maaari niyong pagkatiwalaan sa inyong problema.
- Maging komportable sa pagkakaroon ng flexible roles sa bahay. Kapag stressful ang sitwasyon, makatutulong kung magiging flexible ang bawat isa mula sa kung sino ang gagawa ng mga gawaing bahay hanggang sa kung sino ang magha-handle o magdadala ng mga emotional load.
- Igalang ang reaksyon ng iyong partner. Hindi pare-pareho ang bawat tao sa kung paano magre-react sa isang stressful na sitwasyon. Walang sinoman ang tama o mali sa ganitong pagkakataon.
- Tumawa kung kaya at kailangan. Makatutulong ang pag-nurture sa iyong sense of humor sa pag-cope sa mga problema ng buhay.
- Gumawa ng survival plan. Isipin kung ano ba ang dapat gawin at unahin, at ano ang mga bagay na maaaring makapaghintay hanggang sa bumalik sa normal ang lahat.
- Subukang bawasan ang ibang gawain sa kahit anong paraan na makakaya. Siguraduhing pareho kayo ng iyong asawa na nakakakain at nakakatulog nang maayos.
- Gawing realistic ang inyong expectations. Minsan, maituturing na malaking achievement na para sa mag-asawa ang ma-survive ang isang buong araw tuwing nahaharap sa stressful na sitwasyon.
- Kung pakiramdam niyo kayo ay drained at walang sapat na energy para sa inyong relasyon, subukang humanap ng paraan para manatiling connected. Ang simpleng acts of affection ay makatutulong sa inyo.
- Panatilihin ang pagkakaroon ng compassion. Tandaan na ikaw at ang iyong partner ay ginagawa ang lahat ng makakaya sa ganitong pagkakataon.