Megan Young sa pagkakaroon ng baby: “We're fine even if we don't have kids."

Pag-amin ng dating beauty queen hindi pa siya ready sa malaking responsibilidad na kaakibat ng pagiging isang magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Megan Young at mister na si Mikael Daez ito ang take pagdating sa pagkakaroon ng anak.

Mababasa ditto ang mga sumusunod:

  • Ang take ni Megan Young at Mikael Daez sa pagkakaroon ng anak.
  • Bakit ba hindi pa ready si Megan na magkaanak?

Ang take ni Megan Young at Mikael Daez sa pagkakaroon ng anak

Dalawang taon ng kasal ang celebrity couple na sina Megan Young at Mikael Daez. Pero magpahanggang ngayon sila ay wala pa rin silang anak. Sa pinakabagong podcast ng mag-asawa ay sinagot nila ang tanong kung kailan ba nila balak magkaanak na.

Para kay Megan napakahalaga para sa mag-asawa o magkapareho ang mapag-usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Dahil ang isyung ito ay maaring makakaapekto sa kanilang pagsasama. Para nga sa kanilang dalawa ni Mikael, isa daw ito sa laging itinatanong sa kanila. Ang sagot ng dating beauty queen tungkol sa kung kelan ba sila magkakaanak ay ito.

"My answer to those questions would be, if we'll have kids, then we'll have kids. If we don't, we don't. If I get pregnant, okay, and if not, then we just continue living life.”

Pagpapatuloy niya sa ngayon ay masaya siya sa kung anong mayroon sila ni Mikael. Kung mabibigyan sila ng anak ay tatanggapin niya bagamat pag-amin niya isa ito sa bagay na hindi niya sigurado kung gusto niya ba o hindi.

“You know people tell me, iba yung saya kapag nagkaanak ka. Iba yung saya kapag nagkaroon kayo ng sariling anak.”

“I really don’t know if that is something that I wanted. I didn’t know if I really want to bring a child into this world.”

Nakakagulat man para sa iba pero para kay Megan ay ayos lang daw kung hindi sila magkaroon ng anak ni Mikael.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Some people are curious as to why that's our point of view because I guess it's not normal, or it's not like a common thing for couples to be like, yeah, we're fine even if we don't have kids."

Ito ang sabi pa ni Megan.

Bakit ba hindi pa ready si Megan na magkaanak?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa niya, sa ngayon ay hindi siya sigurado sa kung anong gusto niya. Lalo pa’t nai-enjoy niya ang pagsasama nila ni Mikael bilang mag-asawa at sila lang dalawa.

 “To be honest, I really enjoy the life that we have together that is just us. And I don’t know how ready I am to take a big responsibility like that.”

Si Mikael sinagot ang ipinag-alala na ito ni Megan.

“You and me were cool, you don’t need to protect that. I think whatever comes our way not having a kid, or not having a kid I think we will be okay.”

Ito ang sabi ni Mikael. Pagbabahagi pa niya, noong una ay gusto sana niya ang magkaroon sila ng maraming anak ni Megan. Pero sa ngayon, lalo ng matapos ang pandemic ay na-realize niyang hindi ito ganoon kadali.

“I came from such a big family, we are nine siblings. I was like I wanna have a lot of kids as many as we can that’s so much fun. But then we are just a couple of years together and I never really thought what meant to have that many kids. Now my mindset is completely changed.”

Ito ang sabi ni Mikael.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero pagdating sa pagkakaroon ng anak, naka-depende daw ang desisyon kay Megan dahil ito ang magdadala. Bagamat pag-amin niya gusto niya itong masubukan. Dahil naniniwala siyang may magiging malaking impact ito o magagawang pagbabago sa buhay niya.

"I say we're going with the flow. And it's really all up to Bonez (Megan). Because like you said, you are the baby carrier and I'm just here to tell them that I'm here to support."

“But when I think about growing a family and having kids, I can see how that can possibly excite me and motivate me as well.”

Si Megan naman ipinunto ang ilan pang dahilan kung bakit ayaw niya munang magkaanak sila ni Mikael. Isa na rito ang natatakot siya sa maaring maging pagbabagong idulot nito sa katawan niya. Partikular na sa napakalaking responsibilidad na kaakibat nito.

Larawan mula sa Facebook account ni Megan Young

“If you have a kid you can’t just be like, ‘take care of my kid while I go to another country. It’s more difficult than that kasi syempre your child is depending on you. I don’t want to just leave a kid if ever we do have one.”

Ito ang sabi niya kay Mikael.

Pero hindi naman isinasara ni Megan ang pinto niya sa pagkakaroon ng anak. Kung ibibigay sa kanila ay walang problema, kung wala ay hindi rin naman daw ito problema. Pagdating naman sa ideya ng pag-aampon, mabilis ang sagot ni Megan na open siyang gawin ito kung kinakailangan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement