Habang bata pa, mahalagang turuan ang anak na maging responsable dahil helpful ito para sa kanila in the future. To help you with this, narito ang ilang ways na maaaring subukan.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- 3 ways para turuan ang anak na maging responsable
- Household rules you can teach your kids
3 ways para turuan ang anak na maging responsable
“Being responsible means being dependable, keeping promises and honoring our commitments.” | Larawan mula sa Pexels
Magandang trait na maituturing para sa adult ang pagiging responsable. Kadalasan pa ngang ito ang main requirement when you are applying for a job o kung saan mang organization na sasalihan. Marami kasi ang positive effect nito lalo sa work o gawain. What does being responsible means?
Base sa kahulugan ng US Department of Education, ang pagiging responsible ay ang pagtupad sa iyong pangako at pagsunod sa commitment.
“Being responsible means being dependable, keeping promises and honoring our commitments. It is accepting the consequences for what we say and do. It also means developing our potential.”
Ibig sabihin pagkakaroon ito ng dignidad at honor sa sarili na may kakayahan ang isang tao na tapusin ang kanyang tungkulin. Ito rin ang trait na nagiging dahilan upang magkaroon ng magandang outcome sa isang partikular na bagay. Kung responsable ang isang tao, nangangahulugang palagi niyang na-accomplish ang mga goals niya sa buhay.
Dahil dito, mahalagang naituturo na ang pagiging responsible kahit bata pa lang. Made-develop niya kasi ito hanggang sa pagtuntong niya ng adulting stage.
Kung naipa-practice na kaagad habang maaga pa, hindi na mahirap na maging isang responsible na tao sa kanyang pagtanda. Kung nag-iisip ka ng paraan how, narito ang ilang ways para turuan ang anak na maging responsable.
3 ways para turuan ang anak na maging responsable | Larawan mula sa Pexels
Teach them to own their decisions.
Kinakailangan na kilalanin nila na nagkaroon sila ng desisyon base sa kanilang kagustuhan. Ibig sabihin, bukas sila kung ano ang consequences nito.
Halimbawa na lang kung pinili nilang maglaro ng gadgets o mobile devices na dapat ay inilalaan nila sa review for exams. Kung sakaling magkaroon ng fail scores, dapat ipaalala sa kanila na maaaring dahilan ito ng desisyon nila na maglaro ng phone instead of reviewing.
Dapat ay sinasabi ito in a very nice way na malalaman nilang ganito ang pwedeng mangyari dahil sa mga decisions na kanilang gagawin. This way, magkakaroon sila ng idea na dapat pinag-iisipan munang mabuti kung ano ang kailangang gawing steps. let them also find answer sa nangyaring ito.
Comply with the rules and be obedient.
Malalaman mong responsible ang tao kung una sa lahat ay nagko-comply siya sa rules. Ibig sabihin lang nito, kaya niyang i-discipline ang sarili na hindi madala sa kahit anong tukso o distractions na maaaring makapagbigay ng way sa kanya na sumuway.
Halimbawa na lang, kung mayroong rules sa inyong bahay na may partikular na oras lang ang paglalaro sa mobile devices. Kung sakaling labagin ito ng anak mo at sobra-sobra na sa itinakdang time, need ulit siya i-remind about this.
Sabihin sa kanya na hindi ganito ang trait ng isang responsible na tao. I-practice mo siyang sumunod kahit sa simpleng rules sa bahay upang magamit niya sa school or saan man na kinakailangang magcomply sa batas.
Remind them to keep their agreements.
Malaking respeto sa honor at dignity ng tao kung marunong siyang sumunod sa kanyang ipinangako. Ang pagtupad sa commitment na ibinigay ay magandang epekto ng pagiging responsible person. Kinakailangang i-remind parati ang iyong anak sa ganitong pagkakataon.
Halimbawa kung napagkasunduan na ninyo na after niyang maglaro sa phones or tablets, ay mag-aaral na siya for school. Palaging sabihin sa kanya na kung ipinangako niya ito ay dapat tinutupad niya. Dito na rin papasok ang pag-own niya ng decision as well as pagiging masunurin sa napag-usapan.
Larawan mula sa Shutterstock
Household rules you can teach your kids
Nagsisimula ang responsibility sa loob ng tahanan. Kaya nga malaking papel ang gagampanan ng parents para turuan ang anak na maging responsable. To start this, you need these household rules at your home:
- Magtakda ng rules na nagpo-promote ng safety. Sa ganitong paraan, natutunan nila ang mga bagay na makakalayo sa kanila sa pahamak maging mga tao sa kanilang paligid.
- Gumawa ng rules para sa healthy habit. Maaaring simulan ito sa food na kinakain o kaya ng kanilang hygiene.
- Maglagay rin ng rules tungkol sa morality. Turuan silang matutong magsabing ng sorry at thank you every time.
- Magbigay ng rules na nagpapakita ng social skills. Halimbawa na lang diyan ang pagpapahiram ng toys sa kanyang mga kalaro.
- Magtakda rin ng rules na nagpapakilala sa kanila sa real world. Kinakailangan nila bilang life skills nila in the future.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!