Isa raw sa naging epekto ng cellphone sa bata ay ang pagtatampo nito sa kanyang mga magulang nang hindi mapagbigyan sa gustong gadget, pagkukwento ng isang ina.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Mommy ikinuwento ang pag-ayaw niyang bumili ng cellphone para sa anak
- Do’s and don’ts of using mobile phones for kids
Mommy ikinuwento ang pag-ayaw niyang bumili ng cellphone para sa anak
Larawan mula sa Pexel
Moderno na talaga ang mundo ngayon. Halos lahat ng bagay ay pinatatakbo na gamit ang teknolohiya. Magmula sa pangangailangan ng tao hanggang sa luho nandyan ang mga ito. Matanda man o bata madalas ay mayroon na ring ginagamit na digital devices either for school, work, and of course entertainment.
Dahil sa ganitong na nga panahon, maraming bata ang nagre-request na ng cellphone sa kanilang parents bilang gifts. Pagkukwento ng isang ina, nagalit daw ang anak niya nang magdesisyon siyang huwag muna itong bilhan ng cellphone.
“Nagalit anak ko dahil ayaw ko siyang bilhan ng cellphone.”
Pagsasalaysay niya, madalas daw mag-request ng bagong cellphone ang 13 year old niyang anak sa kanya. Dahilan nito ay gusto niya raw magkaroon ng pang-contact sa kanyang mga kaibigan at sa kanila kung sakaling hindi sila magkasama. Gusto raw kasi ng bata na manatili siyang safe kaya cellphone ang nakikita niyang way para dito.
Mayroon naman daw itong tablet na ginagamit ayon sa ina. Madalas pa nga raw na magbabad ito sa kanyang gadget. Halos anim na oras daw itong nakatutok lang dito during ng school year at 11 hours naman noong summer.
Wala na raw halos ginawa ito kundi gamitin ang tablet buong araw sa kaniyang kwarto habang nakikipag-usap sa internet.
Hindi raw siya komportableng bilhan ang anak dahil nga sa epekto ng cellphone sa bata. Sa tingin niya raw kasi ay mas magbabad pa ito nang mas matagal sa cellphone. Isa pa, nag-iingat siyang muli dahil nakipag-usap daw ito sa lalaki nang hindi nila alam.
Ang una raw ay ay isang 16-year old na lalaking nakilala niya sa isang mosque at 17-year old na nakilala naman niya online.
Larawan mula sa Shutterstock
“Hindi ligtas na iwan mo kami nang wala akong cellphone.”
Isang araw raw, nalaman nilang mayroong work conference ang kanilang tatay sa Dubai. Ipinaalam niya ito sa kanila at sinabing magbabakasyon sila dahil babayaran naman ng trabaho ng kanyang ama ang buong biyahe. Binigyan naman niya ng option ang kanyang mga anak na sumama o maiwan sa kanilang tahanan dahil marami naman silang family members na kapitbahay lamang.
Sang-ayon naman daw ang anak niya sa idea na ito nang biglang mabukas na naman ang issue nang hindi niya pagkakaroon ng cellphone. Para raw sa bata, hindi raw ligtas na iwan sila nang wala siyang cellphone.
Dagdag pa ng ina, mayroon naman daw cellphone ang kaniyang nakatatandang anak kaya sa tingin niya ay ayos lamang ito. Kinumpara pa nito ang kanyang kalagayan sa kanyang kapatid na nagkaroon na ng cellphone noong freshman year niya.
Dahil dito, naging bothered siya at ikinwento ito sa kanyang mga kaibigan. Tinanong niya ang mga ito kung mali nga ba ang kanyang ginawa na sinagot naman nila na valid naman daw ang punto ng kanyang anak.
Para naman sa ina, hindi niya pa rin daw kasi sigurado ang magiging epekto ng cellphone sa bata gayong nakikita niya ang ginagawa nito ngayon na mayroon siyang tablet.
Do’s and don’ts of using cellphone for kids
Larawan mula sa Pexels
Since maraming bata na nga ay mayroong gadgets lalo ang mobile phones, dapat mapagmatyag ang parents sa kanilang mga activity when using one.
Talamak kasi ang cyberstalking, cyberbullying, at cybercrime sa internet world na maaaring maging dahilan upang ikapahamak nila. You can allow your kids to use mobile phones, especially ngayon na halos ang school works ay online nang ginagawa kaya naman need din nila ito.
Ang mahalaga ay guided sila ng parents, para mapanatiling safe, narito ang do’s and don’ts para sa mga batang may mobile phones:
Do’s
- Magkaroon ng family rules tungkol sa paggamit ng kids ng mobile phones.
- Maging role model sa anak kung paano mo ginagamit ang iyong digital devices.
- I-monitor ang mga activity niya sa cellphone maging ang mga kausap niya everyday.
- Alamin kung ano at saan niya binigay ang mga personal information gaya ng contact number at address ng bahay.
Don’ts
- Hayaang magbabad sa cellphone nang ilang oras buong araw.
- Maglagay ng personal details publicly na maaaring matunton ang iyong anak.
- Gamitin ang cellphone kahit pa nasa kalagitnaan ng pagkain.
- Tumanggap ng kani-kaninong friend request sa social media accounts.
- Buksan all the time ang location ng kaniyang cellphone.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!