Hindi ligtas ang anak sa mga stalker kahit pa sa online world. Alamin ang iba’t ibang tips upang makaiwas ang anak sa cyberstalking.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang cyberstalking?
- Tips para matulungan ang mga anak na makaiwas sa cyberstalking
Ano ang cyberstalking
Kailangang matandaan parati ng parents na nakaamba parati ang panganib sa mga anak offline o online world man ‘yan. Kaya nga nararapat lang na parati silang bantayan kahit pa nasa bahay lang sila at social media lamang ang pinagkakaabalahan.
Mas talamak kasi ang stalking online kumpara offline dahil naitatago nila ang kanilang identidad dito. Ito ang tinatawag na cyberstalking at lalong lumalala ang issue na ito lalo pa’t nasa modern world na tayo.
Isa sa mga lumalaganap na krimen ngayon ang cyberstalking. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng teknolohiya at internet upang mang-harass, manakot, at pag-invade ng privacy ng isang tao. Karaniwang ginagamit ang iba’t ibang social media, text messages, at maging emails sa cyberstalking.
Kadalasang hindi madaling ma-identify ang pagkakakilanlan ng mga tao sa internet dahil naitatago nila ito. Ginagamit din kasi ng mga cyberstalkers ang pictures ng ibang tao upang magpanggap na sila ito, ito ang tinatawag na catfishing.
Sa ganitong paraan maaari silang makapagkalat ng isyu na hindi naman totoo, magpilit na mag-send ng mga hindi kaaya-ayang larawan o kaya ay pilitin ang inyong mga anak na gumawa ng maling bagay.
Kaya nga halos 75% ng kaso dito ang hindi nare-resolve. Maaaari ring ang mga taong nangha-harass na ito ay kakilala lang din ng iyong anak, kaibigan, kapamilya, kaklase o dati niyang karelasyon.
Dahil sa ganitong pagkakataon madalas takot na magsumbong ang mga kabataan dahil sa pangambang mapagalitan ng kanilang mga parents. Kung napapansing mong unusual ang kilos ng anak mas mabuting tignan ang ilang signs na ito upang malaman kung nakararanas na ba siya ng ceyberbullying:
- Nakatatanggap sila ng mga tawag, chats, o emails sa mga alanganing oras.
- Kinakabahan o naiiyak matapos nilang mag-online o mag-check ng kanilang social media accounts.
- Hindi normal ang time na inii-spend nila online at madalas tinatago ang mobile phones sa inyo.
- Nakatatanggap sila ng iba’t ibang bagay sa mga taong hindi niyo kilala.
BASAHIN:
Internet sa mga kids dapat ba ipagbawal? 3 ways para masigurong ligtas ang inyong mga anak sa online world
Ano ang Cyberbullying at masamang epekto nito sa biktima
Cyberbullying causes depression, nightmares and anorexia, study says
Tips para matulungan ang mga anak na makaiwas sa cyberstalking
Maaaring makaapekto ito nang malala sa iyong anak lalo na sa kanyang mental health.
Para hindi kaagad mapuntirya ng cyberstalkers, narito ang ilang mga tips para sa iyong anak:
- Panatilihing secure at private ang kanyang mga social media accounts – Isa sa paraan upang mahanap ng cyberstalker ang paglilimita sa kung sino ang nakakita ng mga post online. Maaaring i-set lang ang settings sa “friends only” para sa malalapit at pinagkakatiwalaang kakilala.
- Iwasang maglagay ng personal na information sa social media gaya ng address – Kung hindi naman kinakailangan huwag nang lagyan ng address o kaya naman ay contact number ang social media accounts. Nagiging daan kasi ito para sa cyberstalkers upang mas ma-invade pa ang privacy ng iyong anak.
- Ipaalalang huwag iwan kung saan-saan ang mga cellphone – Mobile phone ang karaniwang pinaglalagyan ng iba’t ibang personal accounts. Kaya nga nararapat lang na hindi dapat ito iniiwasan basta-basta upang hindi makuha ang personal na impormasyon ng anak. I-remind din siyang ipahiram lamang ang gadgets sa pinagkakatiwalaang tao upang hindi ma-hack ang accounts.
-
Parating i-secure ang location – Mas mainam na i-disable ang location settings sa photos. Sabihan din na huwag mag-post ng photos real-time dahil maaari silang sundan ng mga cyberstalkers offline.
- Siguraduhing private ang online calendars – Madaling natutukoy ng stalkers ang day to day na activities ng anak kung may access sila sa calendar o to-do list nito.
- I-accept lamang ang friend request o follow request ng mga kakilala talaga in real life – Importanteng malaman ng anak na dapat ay kakilala na nila offline ang mga request na pumapasok nang sa ganun ay malaman nila ang totoong identidad nito. Sa ganitong paraan din magkakaroon ng accoutability kung sakali mang mayroong gawing hindi maganda sa kanila.
- Magbago ng password regularly – Para masigurong walang naka-access ng kanilang accounts, maganda na regular ang kanilang pagbabago ng password na sila lang talaga ang nakaaalam.
- Maaaring mag-install ng anti-spyware software – Doble pag-iingat ang pag-iinstall ng software na nakadedetect ng unusual o malicious na bagay sa cellphone ng anak.
- Mag-conduct ng social media audits – Dapat din ang may schedule kung saan nagdo-double check ang anak sa kanilang social media accounts upang makita kung ang pinost ba nila ay ligtas pa upang makita ng iba.
- Palaging pakinggan ang concern ng anak – Isa sa makapagpapantaling ligtas sa kanila ay ang guidance ng parents. Dapat ay bukas palagi ang mga mgaulang sa komunikasyon lalo kung ito ay banta na sa kanilang safety.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!