Mekeni products tulad ng hotdog at longganisa, nag-positibo sa African Swine Flu o ASF ayon sa Department of Agriculture.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
African Swine flu virus sa mga meat products
Nito lamang nakaraang linggo ay napabalitang isang kilalang brand ng processed meat products ang positibo sa African Swine Flu virus o ASF. Ngunit tumanggi munang magbigay ng iba pang impormasyon ang Department of Agriculture (DAR) at Bureau of Animal Industry (BAI) tungkol sa usapin. Dahil ayon sa kanila ay kailangan muna ng ibayong pagsusuri at imbestigasyon para makumpirma ang kanilang natuklasan. Hindi man nagbigay ng brand name ang DAR ay sinundan ang balita ng voluntary recall ng Pampanga-made na Mekeni products sa pamilihan.
Kasunod nito ay isang statement ang inilabas ng Mekeni noong October 26 tungkol sa kanilang ginawang aksyon. Ayon sa kanila ang kanilang ginawang voluntary recall ay isang hakbang para suportahan ang kampanya ng gobyerno na mapigilan ang pagkalat ng ASF virus sa bansa. Bagamat noong mga araw na iyon ay isinasagawa pa lamang ang testing sa mga pork meat products at hindi pa natutukoy ang mga brand na nag-positibo sa virus.
“Even as we wait for the results of these tests, we have decided to initiate a voluntary recall of all of our pork-based products effective 26 October 2019. This is to ensure that we mitigate the possibility that our products inadvertently become carriers of ASF.”
“However, we would like to stress that these products are safe for consumption. No less than the Department of Health and the Department of Agriculture have reiterated that ASF poses no danger to human health.”
Ito ang naging pahayag ng Mekeni tungkol sa kanilang ginawang aksyon na muling idiniin na ang ASF ay hindi nakakasama sa kalusugan ng tao.
Mekeni products positibo sa ASF
Lagpas isang linggo matapos ang ginawang recall ng Mekeni products, ay pinangalanan na ng Department of Agriculture at Bureau of Animal Industry ang Mekeni Food Corp. bilang isa sa mga brand ng pork based meat products na positibo sa ASF.
Ito ay matapos makumpirma na positibo ang mga products sample na pinadala for testing ng Mekeni sa ahensya.
Ang mga Mekeni products sample na nag-positibo sa ASF ayon sa DAR at BAI ay ang skinless longganisa at picnic hotgog.
“Set of samples of longganisa and Picnic Hotdog tested positive for African Swine Fever based on tests conducted.”
Ito ang naging pahayag ni Bureau of Animal Industry (BAI) Officer-in-Charge Ronnie Domingo sa isinagawang press conference tungkol sa isyu ngayong araw. Dagdag pa niya ang test sa mga Mekeni products ay isinagawa noong October 25 isang araw bago i-recall ng kumpanya ang kanilang pork-based products sa pamilihan.
Dagdag pang imbestigasyon
Kaugnay nito ay patuloy paring magsasagawa ang Department of Agriculture at Department of Health ng mas maigting na imbestigasyon tungkol sa isyu. Ito ay para matukoy kung saan nagmula ang karne ng baboy na ginamit sa mga nag-positibong Mekeni products at maitigil na ang pag-proprocess sa mga ito.Lalo pa’t wala naman daw nilabag ang Mekeni Food Corp. pagdating sa facilities at government standards.
“When we went to the factory, parang kumpleto naman sila ng documents pero obviously, there’s something wrong.”
“Kung saan kinuha ni Mekeni ‘yung raw materials, ‘yun ‘yung susunod na parte ng investigation.”
Ito naman ang naging pahayag ni DOH Undersecretary at FDA officer-in-charge Eric Domingo.
Paalala ng DOH
Muling paalala ng DOH, ang ASF ay hindi isang human health concern. Ito ay nangangahulugang walang magiging epekto ang virus sa sinumang taong makakain ng karne na may taglay nito. Ang tanging iniiwasan lang sa isyung ito ay ang pagkalat ng virus sa buong bansa na magiging isang malaking dagok sa hog industry.
Ganoon pa man, dagdag na paalala ng DOH, lutuing mabuti ang karneng inihahain. Ito ay para makaiwas sa mga sakit na maaring makuha sa hindi maayos na pagluluto a paghahanda nito.
Source: GMA News, Inquirer News
Basahin: DOH: Lutuing mabuti ang karne ng baboy
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!