Melai Francisco sa bakasyon sa Korea kasama ang buo niyang pamilya: “Bakit lumalaban ang beshy nyu? kasi kumpleto ang mga kasama ko”

Netizens humirit na sana magkaroon ng reality TV show ang pamilya nila Melai sapagkat nakakaaliw ang mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pamilya ni Melai at Jason Francisco enjoy sa pagbabakasyon sa Korea.

Mababasa dito ang sumusunod:

Bakasyon ng pamilya ni Melai at Jason Francisco sa Korea

Larawan mula sa Instagram account ni Melai Francisco

Enjoy na enjoy, ganito kung maisasalarawan ang pamamasyal ng pamilya nila Melai at Jason Francisco sa Korea. Kasama ang mga anak na si Stela at Mela pati na ang nanay ni Melai na si Virgie Francisco ay binisita nila ang ilan sa tourist spot sa Seoul, South Korea.

Sa byahe palang sa eroplano pa-Korea ay ibinahagi ni Melai sa kaniyang Instagram account na hindi naging smooth ito para sa kaniya. Pero laking pasalamat niya na ligtas silang dumating sa bansa ng kaniyang buong pamilya.

Base sa mga IG post ni Melai, ilan sa binisita nilang lugar sa Korea ay ang Kingdom of Lotte World. Sinubukan din magsuot at magpose sa traditional Korean clothe na kung tawagin ay hanbok. May mga pag-arte pa nga sila Melai at Jason kasama ang mga anak ng katulad sa mga Koreanovela.

Melai sa kaniyang pamilya

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Melai Francisco

Base sa latest post ni Melai, hindi siya nagpunta sa Korea para lang magbakasyon kasama ang kaniyang pamilya. Ayon sa komedyante, nasa Korea siya para sa isang shoot na hindi niya idinetalye kung isa bang pelikula.

Si Melai, may paliwanag rin sa Instagram kung bakit isinabay niya ang pagtratrabaho at pagbabakasyon. Idinaan niya ito sa isang biro na kung saan tumutukoy sa kaniyang pamilya at kasama sa byahe pa-Korea.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Bakit lumalaban ang beshy nyu ? kasi….
kumpleto ang mga kasama ko ….may
Senior Citizen
PWD
Kids
LGBT
Husband
The best 👍👍👍👍
Pero palaban kami sa travel nmin together lahat may role lahat masaya at nag eenjoy
So far wala pa nmng awayan In Jesus Name wag nmn sana Lord 🥹🙏🏻 for all the guidance.”

Ito ang sabi ni Melai sa isa niyang IG post.

Ang mga netizens naaliw sa mga IG post at stories ni Melai kasama ang kaniyang pamilya. Ang hirit nila sana magka-reality show na ang pamilya Francisco.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Melai Francisco

 

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement