Jason Francisco kay Melai Cantiveros pagdating sa kinikita nilang mag-asawa: “Ang pera mo ay sa yo, ang pera ko ay sa atin”

Ayon kay Melai, ni hindi alam ni Jason ang kinikita niya na deretso agad sa bangko. Pagdating sa panggastos nila sa bahay, si Jason parin daw ang nagproprovide at si Melai pa rin ang humahawak ng pera ng mister niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Melai Cantiveros ibinahaging na-amaze siya sa mister niyang si Jason Franciso. Dahil ang aktor napaka-responsable daw na haligi ng tahanan nila.

Mababasa dito ang sumusunod:

Melai Cantiveros sa mister na si Jason Francisco

Larawan mula sa Facebook account ni Melai Cantiveros-Francisco

Sa panayam sa kaniya ni Ogie Diaz ay ibinahagi ng actress-comedienne na si Melai Cantiveros kung gaano siya na-amaze sa mister niyang si Jason Francisco. Taliwas daw sa mga sinasabing umaasa nalang ito sa kaniya ngayon dahil bihira nalang itong maging active sa showbiz, paglilinaw ni Melai hindi ito totoo. Gusto lang daw talaga nito na mag-focus sa mga anak nila at sa mga negosyong napundar nito.

“Medyo humihinga lang din siya pero dumating na siya sa point ng buhay niya na magfo-focus siya sa mga bata and sa mga side trip niya na mga negosyo.”

Ito ang sabi ni Melai sa nasabing panayam.

Jason napaka-responsible daw na ama at asawa

Larawan mula sa Facebook account ni Melai Cantiveros-Francisco

Kuwento pa nga ni Melai, isa pang hinahanggaan niya sa asawa ay ang pagkakaroon nito ng respeto sa kaniya. Kahit nga daw pagdating sa usaping pera ay wala silang pinoproblema.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ang pera mo ay sayo, ang pera ko ay sa atin.”

Ito daw ang mga katagang sinabi ni Jason noon kay Melai noong bago palang silang mag-asawa na hanggang ngayon daw ginagawa parin nila. Sa katunayan ay hindi daw alam ni Jason ang talent fee ni Melai sa mga proyekto nitong ginagawa. At kahit malaki na ang kinikita ni Melai, nagbibigay parin daw si Jason sa kaniya ng pera. Ito ang ginagamit nilang panggastos habang ang pera ni Melai nakatabi sa bangko at deretso sa savings niya.

Kaya naman hirit ni Melai, nasasaktan siya para kay Jason na sinasabing umaasa nalang sa kaniya. Dahil ito daw ay hindi totoo at hindi nakikita ng publiko kung anong klaseng ama at asawa si Jason sa kanilang pamilya.

“Ako nararamdaman ko sa kanya na medyo nasasaktan din siya. Siyempre, pagkatao na niya ang tinitira. Minsan nada-down ka talaga. Kaya minsan, kaya siguro isa din yan sa reason kung bakit ayaw na niyang mag-artista. Ayaw na rin niyang sabihin yung mga ginagawa niya sa buhay.”

Ito ang sabi pa ni Melai.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Melai Cantiveros-Francisco

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement