X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Melissa Ricks gets married to Michael Macatangay!

5 min read

Melissa Ricks wedding, very simple and intimate na pinaghandaan lang umano sa loob ng 3 linggo. Narito ang mga litrato at detalye sa special na araw sa buhay ng dating aktres.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Detalye ng kasal ni Melissa Ricks sa ngayong mister niya ng si Michael Macatangay.
  • Paano nagsimula ang love story nila Melissa at Michael.

Melissa Ricks wedding with now-husband Michael Macatangay

Melissa Ricks wedding

Melissa Ricks wedding with now husband Michael Macatangay/Image courtesy of Nice Print Photography

Sa kaniyang Instagram account ay masayang ibinahagi ng dating aktres na si Melissa Ricks na siya ay kasal na sa non-showbiz boyfriend niyang si Michael Macatangay.

Ayon sa aktres, ang naging kasal nila ay very simple and intimate. Ito ay  dinaluhan lang ng 15 katao at ginanap sa maliit na chapel sa California. Sinundan ito ng reception sa bakuran ng stepdad niya na very fun umano para sa aktres dahil nandoon ang kaniyang pamilya.

Dagdag niya pa, ang kaniyang kasal ay pinaghandaan lang nila ng kaniyang mister na ngayong si Michael sa loob lang ng 3 linggo.

“Our Wedding. Our special day made special by my closest friends and relatives here in California in only 3 weeks!”

“I woke up early, hubby cooked breakfast, we went to the grocery to get some snacks and soda for the guests.

Went through the drive thru at jack in the box to get churros and tacos, then proceeded home to get ready. I did my own hair and makeup.

Zipped myself into my gown, drove down to the chapel, had a simple ceremony with 15 people. Afterwards we had the reception in my step dad’s backyard. (I) couldn’t get any simpler than that.”

Ito ang pagbabahagi ni Melissa sa special na event na ito sa buhay niya sa kaniyang Instagram account.

Wedding preparations in just 3 weeks!

Melissa Ricks wedding

Image courtesy of Nice Print Photography

Ibinahagi rin ng aktres kung paano naging possible ang kasal nila ni Macatangay sa effort mismo ng kaniyang mister na ngayon. Sa katunayan, kahit nga umano sa gown na isinuot niya ay halos ito ang nag-asikaso. Mula sa pakikipag-usap sa designer, telang gagamitin at sa design nito.

Ang kaniyang gown ay idinesenyo ng Batangas-based designer na si Lauren Berberabe Hernandez. Pagkukuwento ni Melissa,

“I honestly didn’t know what I wanted to wear. What I knew is I wanted it simple and comfortable, and that’s exactly how it was!

Actually, Michael had more participation on my gown, from the fabric choice, to design! Love how hands on he was! Can you believe, he talked to Lauren before I did!”

Ayon pa rin sa mga Instagram post ng aktres, naganap ang kanilang kasal ng mister na si Michael noong May 23, 2021. Isang bagay na inakala umano ni Melissa na hindi na mangyayari sa kaniya. Ang pagdating ni Michael sa buhay niya, ayon kay Melissa ay isang answered prayer.

“5 years ago I was in a totally different place in my life. I wouldn’t think I would be where I am today. God has truly been good, he has answered my prayers as he has promised.”

Ito ang pahayag pa ni Melissa tungkol sa naging kaniyang kasal.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Melissa Ricks – Macatangay (@mellyricks09)

BASAHIN:

Melissa Ricks: MOM SHAMING is not OK!

Kapuso Moms, ibinahagi ang kanilang “lutang moments” habang nag-aalaga ng baby

50,000 pesos wedding budget? Kayang kaya mo na yan!

Michael Macatangay as a blessing and answered prayer for Melissa

Una ng sinabi ni Melissa na answered prayer ang pagdating ni Michael sa buhay niya ng mag-propose ito ng kasal sa isang intimate gathering sa Batangas, Agosto ng nakaraang taon. Ito’y nasaksikan ng kanilang malalapit na pamilya at kaibigan.

“Very thankful and very blessed ako na God placed him in my life at sa time na hindi ko talaga akalain na I would fall in love again pa. Dahil talagang isinuko ko na kay Lord. Sabi ko, ‘Lord, ikaw na ang bahala sa akin.’ And, God gave me Michael,” sabi ni Melissa.

Sa pamamagitan pa rin ng Instagram ay ibinahagi ni Melissa noon kung paano nagsimula ang love story nila ni Michael.

Kuwento niya nakilala niya ito sa isang simbahan sa Rosario, Batangas na kung saan nagsisimba sila ng kaniyang anak na si Kiera linggo-linggo.

Ito ay 2 ½ hours away sa kanilang bahay. Pero pagbabahagi ng aktres, sa lugar na iyon ay naramdaman niyang siya ay may pamilya at hindi nag-iisa. Hindi niya inakala na doon niya din pala makikilala ang taong ipinagdadasal niya sa Diyos.

Melissa and Michael’s love story

Melissa Ricks wedding

“The first time I walked into the church I said a little prayer . “Lord, I surrender, whatever plans you have for me, I accept, if it is meant that I will raise Kiera on my own I accept, I leave it all in your hands.”

“As my relationship with the Lord started to grow, I learned to talk to God as if he was a friend. In a separate prayer on one of my visits, nagbakasakali lang ako. Actually it was more like a thought. “Lord, baka naman po may ma-meet ako dito, iyong alam ang sakit, iyong napagdaanan na ang lahat, iyong masipag, iyong mabait, mahal ako and mahal anak ko. But most of all may takot sa Diyos. Sana po may makatabi ko” I smiled thinking as I prayed. A few months later, I walk into church. Like I did every Sunday along with Kiera, and I sat in the front row.. right next to Michael.”

Si Kiera ay ang 6 na taong gulang na anak ni Melissa sa ex-partner nitong si Charles Togezaki. Ito ay ipinanganak noong January 2015.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Melissa Ricks – Macatangay (@mellyricks09)

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Source:

ABS-CBN, Star Cinema, Instagram 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Melissa Ricks gets married to Michael Macatangay!
Share:
  • Melissa Ricks: MOM SHAMING is not OK!

    Melissa Ricks: MOM SHAMING is not OK!

  • Kapuso comedian and dad Michael V. nag-positibo sa COVID-19

    Kapuso comedian and dad Michael V. nag-positibo sa COVID-19

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Melissa Ricks: MOM SHAMING is not OK!

    Melissa Ricks: MOM SHAMING is not OK!

  • Kapuso comedian and dad Michael V. nag-positibo sa COVID-19

    Kapuso comedian and dad Michael V. nag-positibo sa COVID-19

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.