Melissa Ricks na-bash ng ilang netizen habang siya ang nagpo-promote ng weight loss product. Hindi naman nagpadaig ang aktres at sinagot ang mga basher.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Melissa Ricks pinilit mag-weight loss ng mga basher
- Melissa Ricks at non-showbiz partner, nag-celebrate ng first wedding anniversary
- Mga aktres na sinagot ang kanilang basher tungkol sa body shaming
Melissa Ricks pinilit sa weight loss ng mga basher
Kadalasang tampulan ng panlalait at pangbobody shame ng mga netizens ang mga artista, mayroon kasing pressure para sa kanilang ipanatili ang pagiging “magaganda,” “pogi,” at “sex” image nila. Isa sa pinakabagong kinutya na naman at tinawag na “mataba” ay ang aktres na si Melissa Ricks na pinipilit ng ilang basher na dumaan sa weight loss.
Sa personal Instagram account ni Melissa Ricks, nag-post kasi ito ng video niya kung saan nakasuot niya ng pink na swimsuit. Dito ay tila binibida ni Melissa Ricks ang isang produkto para sa weight loss at may dalang iba’t ibang healthy benefits.
Sa post niyang ito, nag-comment ang isang netizen na mistulang troll account at sinabing mukha naman daw siyang ‘mataba’. Hindi naman ito pinalampas ni Melissa at sinagot ang basher na hindi gumamit ng kaniyang tunay na larawan para sa profile picture.
“Sige balitaan kita ‘pag payat na ako. Tapos balitaan mo ako ‘pag ‘di ka na shadow.”
Hindi lang din ito ang una’t huling may nang body shame sa kanya dahil may isa pang comment sa video na sinabing wala raw pagbabago sa katawan ni Melissa Ricks.
Screenshot mula sa Instagram account ni Melissa Ricks
“Parang hindi ka naman pumayat.”
Sinagot muli ito ng aktres nang buong tapang at sinabing babalikan niya raw ang basher kapag may nangyaring ‘magic’.
“Balitaan kita ‘pag may magic na naganap ha.”
Ipinagtanggol naman si Melissa ng ilang sa kanyang mga followers ang sinabing nakita nila ang pagbabago sa katawan ng aktres.
BASAHIN:
Pokwang pumalag sa basher na nagsabing pangit ang anak niyang si Malia: “See you in court.”
Jessy Mendiola sinagot ang basher na nagsabing, “Paano ka magkaka-baby niyan if you always exercise”
Judy Ann Santos sa mga bashers: “Kapag pamilya kasi ang tinira, kapag pamilya ang kinanti nakakalabas ng sungay talaga.”
Melissa Ricks at non-showbiz partner, nag-celebrate ng first wedding anniversary
Staying strong ang pag-iibigan nina Melissa Ricks at kaniyang mister na si Michael Macatangay.
Noong nakaraang linggo ay pinagdiwang nina Melissa at Michael ang kanilang first anniversary bilang mag-asawa.
“1 year married. We survived.”
Ayon sa caption ni Melissa Ricks, kung saan makikita na katabi niya sa isang villa/restaurant sa Pampanga.
Larawan kuha mula sa Instagram account ni Melissa Ricks
Noong May 2021 nagpakasal sina Melissa at Michael sa California, USA. Dinaluhan ito ng mga malalapit na kamag-anak ng dalawa.
Nagkakilala ang dalawa sa isang simbahan sa Batangas. Madalas magtungo doon si Melissa kasama si Kiera, ang anak niya sa dati niyang partner na si Charles Togezaki.
Ayon kay Melissa, bago niya makilala si Michael ay nawawalan na siya ng pag-asa dahil single mom siya at wala siyang trabaho.
“I was feeling hopeless, I didn’t have as much money as I did before. I was a single mom, I was alone, I didn’t have work and I was scared.”
Doon nagsimulang lumakas ang pananampalataya niya sa Panginoon at madalas na magtungo sa Jesus the Anointed One Church sa Batangas kahit pa malayo ito sa kanilang tahanan.
“Yes, that is 2 1/2 hrs away from where I live, but I made it a point to attend Sunday services there when I could, because there, somehow it felt like I was home.”
Doon niya pinagdasal na sana ay makilala siya doon na alam ang sakit na kaniyang pinagdaanan at mamahalin ang anak niya. Ilang buwan ang nakalipas ay nakatabi niya si Michael sa simbahan.
“‘Lord, baka naman po may ma-meet ako dito, yung alam ang sakit, yung napagdaanan na ang lahat, yung masipag, yung mabait, mahal ako and mahal anak ko. But most of all may takot sa Diyos. Sana po may makatabi ako.'”
Sa ngayon ay happy si Melissa kasama si Michael. Ang kaniya namang anak na si Kiera ay patuloy sa studies nito at nakabalik na rin sa face-to-face sa kaniyang pinapasukang school.
Larawan kuha mula sa Instagram account ni Melissa Ricks
Mga aktres na na kagaya ni Melissa na nakaranas din ng body shaming at weight loss bashing
Hindi lang si Melissa Ricks ang nakakaranas ng body shaming at inuudyukan sa weight loss. Heto ang ilan pang celebrity na nakaranas ng pangungutya sa kanilang katawan:
Jessy Mendiola
Isa sa madalas maka-experience ng body shaming ay si Jessy Mendiola. Pero hinding-hindi siya mapapabagsak ng mga basher dahil confident siya sa kaniyang katawan.
“My body may not be perfect but that will not stop me from being confident with myself. I’ve had my fair share of body shaming comments. So I know how it feels like to be called “FAT” or “TUMABA.”
“Well, just to inform some of you “PERFECT” people, we all come in different sizes and shapes but that shouldn’t stop us from being happy with our own bodies.”
Angel Locsin
Si Angel Locsin naman, nagsilbing inspirasyon ng mga plus-sized ladies. Ayon kay Angel, hindi dapat maapektuhan sa sasabihin ng ibang tao.
“Pressure did not and will not help. Just take your time. Your body, your rules. Just don’t forget to love every inch of you in the process, no matter what other people may say. You are more than your weight or how you look.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!