Kakaturo pa lang pero nakalimutan na? 7 studying mistakes kaya nangyayari ito

Ayon sa experts, ito ang mga tamang paraan ng pagtuturo sa iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang mga memorization techniques sa pag-aaral na makakatulong sa iyong anak. Pati na ang mga studying mistakes na iyong ginagawa kaya hindi mas nahahasa ang mga nalalaman niya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga studying mistakes na ginagawa mo sa iyong anak.
  • Memorization techniques sa pag-aaral na makakatulong sa iyong anak.

Studying mistakes na ginagawa mo sa iyong anak

School photo created by fwstudio – www.freepik.com 

Tayong mga magulang ay nagnanais na magkaroon ng maliwanag na bukas ang ating mga anak. Dito sa Pilipinas ay pinaniniwalaan nating maisasatuparan ito kung bawat Pilipino ay makakapagtapos ng pag-aaral.

Sapagat sa pamamagitan ng edukasyon ay mas madaling makakahanap ng trabaho o mas maraming bagay ang matutunang gawin ng isang tao.

Pagdating sa pagtuturo sa ating mga anak, tayong mga magulang ang unang gumagawa nito. Kakaibang saya nga ang naibibigay sa atin kung siya ay makakapasa sa kaniyang exam.

Lalo na siyempre kung siya ang pinakamataas o kaya naman ay top performer sa kanilang klase. Pero ang pagtuturo ay hindi madali, may mga pagkakataon nga na kakaturo mo lang sa kaniya ay agad na nakakalimutan niya na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paliwanag ng neurologist na si Judy Willis, ito ay dahil ang ating utak ay naka-program na mag-store ng impormasyon ng mga memories na nagagamit natin sa pinaka-maximum na efficiency.

Sa madaling salita, ang ating utak ay naalala lang ang mga bagay na lagi nating nagagamit. O ang mga bagay o experience na pinaka-useful sa atin.

Habang ang mga bagay na hindi naman natin nagagamit araw-araw o iyong bihira lang nating na-e-experience tulad ng mga leksyon sa pag-aaral ay kusang isinasantabi ng ating utak.

Ang paliwanag na ito ni Willis na isa ring middle school teacher sa California, USA ay iniuugnay niya sa mga studying mistakes na ginagawa natin sa ating mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga studying mistakes na ito ay ang sumusunod na kalakip ang mga memorization techniques sa pag-aaral na makakatulong sa kaniya.

Studying mistakes at memorization techniques sa pag-aaral ng isang bata

 

House photo created by gpointstudio – www.freepik.com 

1. Hinahayaan natin ang ating mga anak na matuto lang sa eskuwelahan o sa tulong ng kanilang guro.

Bagama’t pinapapasok natin sila sa eskuwelahan, hindi ibig sabihin na hindi na natin sila tuturuan sa bahay. Para maging mas pamilyar at maging useful sa kanila ang mga bagay na kanilang natutunan ay kailangan ipagpatuloy ang pagtuturo sa kanila nito sa inyong bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Malaking bagay rin ang suporta mo para ibigay niya ang best niya na mag-aral. Sa tulong din ng presensya mo ay may maaari siyang pagtanungan sa mga bagay na hindi niya naiintindihan sa kaniyang klase.

2. Pinag-aaral lang natin ng kaniyang leksyon ang ating anak kapag mayroon lang klase.

Base sa paliwanag ni Willis, hindi lang dapat natin pinag-aaral ang ating anak sa mga araw na mayroon lang siyang klase. Dapat ang pag-aaral niya ay hindi nahihinto para mas lalong mapraktis ang kaniyang utak at maintindihan ang kaniyang leksyon.

Mas mabuti rin na magsimula ang pag-aaral ng iyong anak habang siya ay maliit pa. Para habang dumadaan ang taon at panahon ay mas nagiging malawak ang pang-unawa niya.

3. Pina-memorize lang natin sa kanila ang leksyon at hindi natin sinisiguro na ito ay kanilang naiintindihan.

Sa pag-aaral ito ang lagi nating ginagawa, ang ipa-memorize sa kanila ang leksyon o ang iyong itinuturo. Pero ayon kay Willis, hindi ito ang epektibong paraan ng pagtuturo sa isang bata.

Ang pinaka-the best na memorization technique umano ay ang siguraduhing naiintindihan ng isang bata ang itinuturo sa kaniya. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagtatanong sa bata tungkol sa iyong itinuro na hindi dapat basta lang yes or no questions o iyong may multiple choice.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dapat ay i-review siya sa paraan na kung saan masasagot niya ang mga how and why questions ng kaniyang leksyong pinag-aralan.

BASAHIN:

10 Tagalog Bedtime Stories na Makukuhanan ng Aral ng mga Bata

Ito ang epekto kay baby kapag nasa abusive relationship si mommy, ayon sa study

STUDY: Kids are getting lower grades because of online learning

4. Pinapraktis o ni-rereview natin ang ating anak sa maling format.

Ito ay may kaugnayan sa naunang nabanggit na studying mistake. Dahil maaring nirereview natin ang ating anak ng mali o malayo sa format ng kaniyang magiging exam.

Halimbawa, siya ay nire-review nating sumagot ng multiple choice questions habang ang format pala ng kaniyang magiging exam ay essay o may explanation. Kaya para maiwasang maguluhan siya mahalaga na ipaintindi sa kaniya ang leksyon at hindi basta ipasaulo lang.

5. Hindi natin sinusubok ang kanilang nalalaman.

Para masigurong maintindihan ng ating anak ang kanilang leksyon ay dapat subukin natin ito. Magbigay sa kaniya ng sample test questions na kaniyang sasagutan. Mula doon ay maaaring matukoy mo kung saang parte pa siya dapat na mag-improve at dapat pang tutukan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

People photo created by tirachardz – www.freepik.com 

6. Isinasantabi natin agad ang mga leksyon na naunang naituro natin sa ating mga anak.

Base sa paliwanag ni Willis, kusang isinasantabi ng utak ang mga impormasyon na hindi niya madalas na nagagamit. Tanging tinatandaan lang nito ang mga bagay na lagi niyang nai-iecounter o nai-experience.

Ganoon din sa pag-aaral, hindi lang dapat basta nagtuturo ng bagong leksyon sa iyong anak. Dapat ay binabalikan o nire-review mo rin sa kaniya ang mga nauna mong itinurong leksyon.

Makakatulong din kung i-incorporate mo ito sa mga bagay na nakikita niya sa paligid o sa mga nai-experience niya sa araw-araw. Gaya ng mga numero na magagawa mo sa pamamagitan ng pagbibilang sa mga bagay na nakikita niya. O mga kulay na kung saan tutukuyin niya base parin sa mga bagay na nasa kaniyang paligid.

7. Walang routine sa pag-aaral ang iyong anak.

Para mas makondisyon sa pag-aaral ang iyong anak ay dapat mayroon ding routine ang pagtuturo sa kaniya. Mainam na gawin ang review o recap sa kaniyang pinag-aralan sa school bago siya matulog sa gabi.

Ugaliin ng gawin ito upang kaniyang makasanayan. Dapat rin ay i-prioritize ang mahalaga sa hindi o ang leksyon na mas kinakailangan niya ng mahabang oras para mapag-aralan.

Hindi rin dapat uraurada o laging last minute ang pagtuturo sa iyong anak. Dahil maari siyang ma-stress na hindi nakakabuti sa pag-intindi niya ng kaniyang leksyon.

Ang mga nabanggit na studying mistakes ay mabuting itama na para makasigurado na ma-achieve ng iyong anak ang grades na hinahangad niya sa eskwela.

Source:

Psychology Today