Walang duda na ang salitang bata at gadyet ay magkasing-dikit na para sa mga bata, Ito nga rin ay nakakapagpadali sa mga gawain ng mga magulang sa pangaraw-araw.
Mababasa artikulong ito:
- Mga rules sa pag-gamit ng gadgets ng iyong anak
- Masamang epekto ng pag-gamit ng gadgets sa baby
Bigyan ang isang bata ng gadget tulad ng tablet, iPad o smartphone, siya ay mananahimik at ang mga magulang ay makakapagtrabaho ng matiwasay.
Lalo na ngayon sa panahon ng pandemic, karaniwan sa mga magulang ay nangangailangang magtrabaho sa kanilang mga sariling tahanan habang patuloy na binabantayan ang kanilang mga anak. Kailangang pasabay-sabayin na alagaan ang mga anak, tapusin ang mga trabaho at gawin ang mga gawaing-bahay.
Ayon kay Dr. Kamarul Ariffin Nor Sadan, may mga masamang epekto ang pagbibigay ng gadyets sa mga bata. Kung tutuusin, hindi ito nararapat na ibigay direkta sa mga bata na bababa sa 2-taon kung nais nilang huwag magulo ang pag-unlad ng mga ito.
Mga rules sa pag-gamit ng gadgets ng iyong anak
1. Ang mga batang 2-taon pababa ay hindi nararapat na mababad at gumamit ng gadget tulad ng tablet at smartphone. Ito ay para masigurado na ang pisikal, kognitibo at sosyal na kakayahan ng mga bata ay hindi matitigil sa pag-unlad.
2. Wala dapat na personal na gadget na pagmamay-ari ang isang bata, katulad ng cellphone o tablet. Ang mga tablet o smartphone ay pag-aari ng mga magulang at dapat lamang na ipahiram sa mga bata at sa oras na kunin ito pabalik ng magulang ay nararapat na ibalik ito.
3. Maaari lamang gumamit at maglaro ang mga bata sa mga piling oras. Nirerekomenda ng WHO na ang mga batang may edad na 2-5 taong gulang ay magkaroon lamang ng maximum screentime na 1 oras kada araw.
Ang mas maikling oras ay mas maganda’t maaaring gumamit ng mga application na mayroong time limit. Sa ngayon ay mayroong time limit setting ang Youtube Kids at magagamit ng mga magulang para sa mga bata.
4. Sa 1 hour screentime sa bata dapat ay i-monitor pa rin ang bata. Huwag din gamiting paraan ang mga tablet at smartphone para tumahimik at huwag magulo ang mga magulang.
Tandaan normal at parte sa buhay ng isang bata ang pagiging malikot. Isa rin kasi ito sa mga paraan para sa kanilang development. Bilang magulang dapat ay bantayan sila at siguraduhing hindi sila mapapahamak.
5. Ang mga bata’y dapat na maglaro sa mga angkop na lugar at pwesto. Maupo ng may tamang postura, lebel at tamang distansya mula sa screen. Bawal ang maglaro ng nakahiga sa kama o sa sopa.
6. Pumili ng angkop na oras para sa paglalaro tulad ng umaga o gabi. Umiwas sa paglalaro ng tablet bago ang oras ng pagtulog at habang kumakain sapagkat maaari itong makagambala sa iskedyul ng kanilang pagkain at pagtulog.
BASAHIN:
4-anyos inoperahan ang mata dahil sa kakagamit ng gadget
Mom: “I felt I’m a bad mom, after her child’s eyes were ruined from excessive gadget use”
4 na masamang epekto sa mata ng bata sa sobrang pagbababad sa gadget
7. Siguraduhin na hindi makakalimutan ng mga bata na uminom ng tubig at pumunta sa palikuran upang umihi. Magbigay ng tubig sa mga bata habang sila ay naglalaro at paalalahanan sila upang hindi makalimutan.
8. Kung ang mga bata ay napapadalas na manood at manghiram ng mga gadget, ito ay nangangahulugang nakukulangan sila ng oras para sa mga isports at libangan. Kailangang tulungan ng mga magulang ang mga bata na maghanap ng bagong mga mapaglilibangan.
9. Ang mga magulang ay modelo para sa mga bata. Ginagaya nila ang mga paraan kung papaano natin gamitin ang mga gadyet. Huwag maglaro ng maghapon habang nakahiga sa sofa. Maging mabuting ehemplo.
Sundin ang mga panuntunan na ito agaran! Magsisimula ito ngayong araw! Kung patatagalin ay may tyansang ang pag-unlad ng mga bata at magagambala.
Masamang epekto ng pag-gamit ng gadgets sa baby
Napakaraming masamang dulot ang dapat na isaisip ng mga magulang sa pagbibigay at pagpapagamit ng gadyets sa mga bata.
Ilan sa mga epekto ng pagka-adik sa mga gadyet ay:
- Bumabagal ang sensory at motor development ng mga bata dahil mismo sa kadahilanang hinahawakan nila ang screen. Kailangan nilang maranasan na mahawakan ang mga iba’t ibang tekstura upang gumana ang kanilang mga sensors at motors.
- Ang pagsisimula ng obesity. Oo! Ang sobrang paggamit ng gadyet ay nakakapagsimula sa mga bata na maging tamad na gawin ang mga pisikal na gawain at ito ay nagiging dagdag na dahilan ng obesity.
- Imbalance brain development. Masyadong nakatutok ang mga bata sa mga gadyet at hindi na natututunan ang mga leksyon sa totoong buhay.
- Walang interaksyon. Kung mapapansin o hindi, sa oras na nakaharap na sa gadyet ang iyong mga anak, kadalasan ay wala na silang ibang mapapansin sa kanilang kapaligiran at maging ikaw na magulang. Ito ay hindi magandang sensyales na nag-iindika na hindi na sila interesado sa interaksyon.
- Masamang lagay ng mga mata. Ang matagal na exposure sa mga gadyet ay nakasasama sa mga mata at ito ay maaari ding maging kontribusyon sa iba pang mga sakit.
- Ang epekto ay hindi maganda. Paano ka nakakasiguro sa lahat ng mga video game o palabas ng iyong anak? Sigurado ka ba na mga maayos at mabuting palabas lamang ang kanilang napapanood? Alam mob a na ang mga cartoon ay maraming ring masamang impluwensya sa mga bata?
- Walang emotional development. Ang sobrang pagtitig ng mga bata sa gadyet ay nakasasama sapagkat hindi nadedevelop ang kanilang emosyon tulad ng empathy at sympathy.
Source:
Dr Kamarul Ariffin Nor Sadan
Isinalin sa wikang Filipino na may pahintulot mula sa theAsianparent Malaysia ni Charlen Mae Isip
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!