Nasira ang mata ng isang bata dahil sa kakagamit ng gadget sa Thailand.
Mababasa sa artikulong ito:
- Batang nasira ang mata dahil sa kakagamit ng gadget
- Masamang epekto ng paggamit ng mobile phone sa mga bata
- Paano makakaapekto ang paglalaro ng mga smartphone at tablet sa kaunlaran ng bata
Napansin mo ba kung paano hindi nakikisama ang iyong anak, kapag may hawak siyang smartphone sa kamay, tama ba? Ngunit higit pa rito, may iba pang masamang epekto ang paggamit ng mga ito, at ito ay mas seryo kaysa sa naiisip mo.
Sa taong 2018, nalaman ng isang ama sa Thailand sa delikadong paraan ang masamang epekto ng paggamit ng kanyang anak sa kanyang mobile phone.
Kanyang ibinahagi ang istorya saa Facebook post. Binalaan din niya ang mga magulang sa panganib na dala ng labis na paggamit ng mobile phone- lalo na sa mga bata.
Post ng isang Thai father patungkol sa pagkasira ng mata ng kaniyang anak at kanilang pinagdaanan| Larawan mula Facebook screengrab.
Nagbabala ang isang Tatay sa Thailand ng masamang epekto ng paggamit ng mobile phone sa mga bata
Ipinaliwanag ng ama sa kaniyang post sa Facebook, na nagsimula ito noong binigyan niya ang kanyang dalawang taong gulang na anak ng babae ng smartphone. Para umano makapagtrabaho siya na hindi naiistorbo.
Ngunit sa paglipas ng panahon, na kakitaan kaagad ng mga problema mula rito, na hindi niya kaagad na-link sa labis na paggamit ng kanyang mobile phone.
Nagsimula ito sa mga isyu sa mata at kinailangan niyang magsuot ng salamin. At sa edad na apat, ay lumala na ang kanyang mga mata. At kinakailangan niya ng sumailalim sa isang operasyon. Kalaunan, natuklasan niya na ang matagal at hindi pag-control na paggamit ng selpon ang sanhi nito
Narito ang orihinal na post sa Facebook post
www.facebook.com/Dachar.Chuayduang/posts/2424263104267365
Masamang epekto ng paggamit ng mobile phone sa mga bata
Si Dr. Rawat Sichangsirikarn, isang Associate Professor ng Paediatrics sa Bangkok, ay nagsabi na ang mga mobile phone ay naging bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay. May papel ito sa pagbabago kung ano na tayo ngayon.
Ngunit habang maaaring makinabang ang mga bata at matanda sa pagkakaroon ng bagong impormasyon. At mabilis na pakikipag-usap, ito ay may masamang epekto rin.
Ito ay partikular na seryoso kapag pinapayagan ng mga matatanda ang kanilang mga maliliit na anak na gumamit ng mga makabagong teknolohiya.
Tulad ng mga smartphone at tablet sa mahabang panahon. Nang walang anumang mga limitasyon, ang labis na oras ng screen ay maaaring magkaroon ng mga seryosong epekto sa pisikal na kalusugan at kalusugan ng isip ng isang bata.
Ang paggamit ng mga ilang app at walang limitasyong kalayaan sa internet ay maaari ring ilagay sa peligro ang mga bata. Halimbawa, maaari nilang ma-access ang mapanganib at hindi naaangkop na mga social network. O mailantad sa mga pornograpikong website at mga online predator at pedophile.
Paano makakaapekto ang paglalaro ng mga smartphone at tablet sa kaunlaran ng bata
Ang paggamit ng isang smartphone sa masyadong mahabang oras ay maaaring makaapekto sa pisikal, mental at emosyonal na kagalingan ng isang bata sa iba’t ibang mga paraan.
Pangkalusugan
- Ang panonood ng mga screen sa mga smart phone at gadget sa mahabang panahon ay nagpapataas ng peligro ng mga kondisyon sa mata tulad ng myopia at eye fatigue
- Ang mga bata ay maaaring makaranas ng unting tulog at hirap magpokus. Ito ay humahantong sa delikadong sleeping cycle. Kung saan ang mga bata ay higit na natutulog sa araw at gising sa gabi. Sa katunayan, ang bawat 15 minuto ng bata na paggamit ng isang smartphone, ay nagreresulta sa pagkawala ng tulong ng halos 60 minuto.
- Ang mga maliliit na bata ay nagkakaroon ng mas matagal na pagkaantala ng pagsasalita
- Ang mga bata ay maaaring makaranas ng iba’t ibang mga pisikal na problema tulad ng pagbaba ng timbang / pagtaas (mula sa kawalan ng paggalaw at pagtitig sa mga screen). Ganoon din ang hirap sa pagtulog, pananakit ng ulo, hindi magandang problema sa nutrisyon at paningin.
Mental health
- Ang mga batang ay nagkakaroon ng problema sa kalusugan ng isip at mabilis na pagbabago sa pag-uugali, at pagkalungkot.
- Maaari rin silang maging agresibo at madaling magalit. Lalo na kung hindi sila hahayaan ng mga magulang sa pag-access sa mga smartphone o tablet. Ang pagkamayamutin ay makakaapekto rin sa iba pang mga kasanayan. Partikular ang EF (executive function), sa mga tuntunin ng pagpipigil, pag-iisip, at pagpipigil sa emosyonal na kalagayan. At ang mga kasanayang ito ang bumubuo sa batayan para sa pagiging matagumpay para sa hinaharap.
- Ang mga bata ay maaaring magkaroon ng iba`t ibang mga problema sa pag-iisip. Tulad ng pagkabalisa, kalungkutan, pagkakonsensya, pagkukulong sa kwarto, at pagbabago ng mood.
- Maaari sila magkaroon ng problema gaya ng pagkabalisa, kalungkutan, at pagkakakonsensya. Ganoon din ang pagkukulong sa kwarto. Ang pagkakalantad sa smartphone ay maaari ring magpataas ng tiyansan ng ADHD at autism sa mga bata.
General Skills
Ang mga batang expose na sa mga sa mga gadgets ng mahabang panahon ay maaaring ma-miss ang mga crucial development nila. Katulad na lamang ng basic at important skills.
Halimbawa, hindi sila natuto na makipaglaro kasama ang ibang bata, hindi sila natuto na mag-isip independently, magbasa ng mabilis at sumulat. Ito ay ang mga social skills na kinakailangan nila para sa kanilang paglaki.
Nasira ang mata dahil sa kakagamit ng gadget. | Larawan mula sa iStock
Mayroon bang mga alintuntunin sa oras ng pag-aceess ng screen ng mga bata?
Hangga’t nais mong magpatupad ng isang patakaran sa oras ng zero screen, maaaring hindi ito kayang gawin sa panahon ngayon.
Sa kabilang banda, kapag pinayagan ang anak gumamit ng smartphones sa loob ng tahanan, narito ang iilan na pwedeng isagawa:
- Mga sanggol mas mababa sa edad 18 na buwan. Iwasan ang paggamit ng screen media. maliban na lang pag makikipag-usap sa pamilya via chat.
- Batang nasa edad 18 hanggang 24 na buwan. Pumili ng de-kalidad na programa. Dapat panoorin ito ng mga magulang kasama ang kanilang mga anak upang matulungan silang maunawaan kung ano ang nakikita.
- Preschooler na may edad dalawa hanggang limang taon. Kailangan gumamit lang sila ng phone sa loob ng isang oras kada araw. Ang mga magulang ay dapat na makipagsabayan sa mga anak.
- Batang may edad na anim pataas. Maglagay ng mga limitasyon sa oras na ginugol sa paggamit ng media. At hindi ito tumatagal na hindi sila nakakakuha ng sapat na tulog, pisikal na aktibidad at iba pang pag-uugali na mahalaga sa kalusugan
- Mga magulang, alam natin na mahirap palakihin ang isang bata na walang smartphone o tablet ngayon. Gayunpaman, may ilang mga paraan upang mapagbuti ang mga bagay. Magbasa nang higit pa sa mga tip upang limitahan ang paggamit ng smartphone dito o gumawa ng kalidad na oras sa teknolohiya dito.
This article on the bad effect of mobile phone usage was originally written in Thai. It was translated and adapted into English by Kevin Wijaya Oey and translated in Filipino by Regine Dy, and republished with the permission of theAsianparent Thailand.
Kung nais basahin ang English version ng artikulong ito, i-click lamang dito!
Sources:
Rally, Today