Nakalimutan ng asawa kung kailan ang first kiss niyo? Heto ang rason kung bakit hindi dapat magalit

Ang memory chauvinism ay nangyayari kapag napagkukumpara ng mag-partner ang kanilang naalala sa kanilang mga pinagdaanan sa relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakatampo nga naman na makalimutan ng iyong partner ang mga special occasion tulad ng anniversary o kung kailan ang inyong first kiss niyo. Dahil diyan, nagkakaroon ng memory chauvinism.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Nakalimutan ng asawa ang first kiss niyo? Heto ang explanation ng expert
  • Different ways to celebrate your anniversary!

Nakalimutan ng asawa ang first kiss niyo? May sagot diyan ang experts

Nakalimutan ng asawa ang first kiss niyo? Heto ang explanation ng expert | Larawan mula sa Pexels

Common na pinag-aawayan ng mga magkarelasyon ang pagkalimot sa special occassions tulad ng mga monthsary o anniversaries. Nagiging cause ng tampuhan ito dahil imbis na i-celebrate ay nararamdaman ng isa na hindi siya special dahil nga sa paglimot ng kanyang partner.

Para sa eksperto, mayroon daw explanation kung bakit nangyayari ito sa isang tao. Ito ang tinutukoy nilang memory chauvinism.

Ano ang memory chauvinism?

Para sa clinicians, hindi na raw bago ang maging dahilan ng pagtatalo ng magkarelasyon ang pagkalimot sa mga bagay-bagay. Mayroon daw magkaibang version ang magkarelasyon sa mga naalala nilang memories.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalas pa nga raw na nangyayari ito sa mga matatagal nang magkasintahan o 'yong dekada nang magkasama.

Ang ganitong kaganapan daw ang tinatawag na memory chauvinism o sa pagbibigay depinisyon ng mga eksperto,

"The illusion that one’s memory is a superior historical record."

Nagiging dahilan pa raw ito para ma-trap ang magkarelasyon sa nakaraan.

"Memory chauvinism effectively traps us in the past."

Halimbawa kung tatanungin ang mag-partner tungkol sa isang pinuntahan nila. May isang maalala kung paano bumiyahe, saan dumaan, at ano ang mga pinuntahan. Maaaring ang isa naman ay kung anong kinain, sino ang nakasalamuha, at ano-ano ang nabili.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagaman pareho namang tama, madalas pa ring pinagtatalunan ito dahil hindi sila pareho ng mga bagay na inalala.

Ibig sabihin, nagkakaroon ng daw kasi superiority sa isang relasyon sa aspeto ng memorya. Kumbaga ay nalilimutang hindi naman isang photo album ang memory ng tao na madaling mabalikan na lang basta-basta.

Nagi-evolve raw kasi ang isipan depende sa environment na mayroon sila ngayon. Kumbaga, nagiiba-iba ang natatandaan ng tao batay sa kasalukuyang physiological at mental conditions niya.

Magkakaiba rin kasi ang history ng pamilya, hormonal levels, at temparaments ng bawat isa kaya nagkakaroon ng pagkakaiba sa pag-aalala ng mga bagay-bagay.

Paano maiiwasan ang memory chauvinism?

Paano maiiwasan ang memory chauvinism? | Larawan mula sa Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalas na maging dahilan ng pagtatalo ito ng mag-asawa o ng mag-partner. Mahalaga lang din na maaral ng magkarelasyon na maiwasan ang pain na dala ng memory chauvinism. Narito ang ilang ways para sa iyo:

  • Nagkakaroon ng mental distortion ang mga tao, kaya nga mahalagang i-recognize na lang ang pagkakapareho sa pag-aalala kaysa sa pagkakaiba.
  • Mag-reflect sa naipakitang behavior sa iyong minamahal na maaaring mauwi sa pagkagalit kaysa sa pagkatuto.
  • Iwasang mag-focus lamang sa negative emotions at feelings.
  • Magdevelop ng 'kiss and make-up' after every argument para hindi mauwi sa resentment parati ang pinagtatalunan.
  • Tandaan na mayroong iba't ibang coping strategies ang tao at kasama dun ang pag-aalala sa mga bagay-bagay.
  • Kausapin ang partner na hindi mo nagustuhan ang action na ito at humingi ng reassurance na hindi na niya uuliting kalimutan ang mahalagang pangyayari sa inyong relasyon.
  • Mag-focus na bumuo ng future memories kaysa makulong sa nakaraan.

Different ways to celebrate your anniversary!

Different ways to celebrate your first anniversary! | Larawan mula sa Pexels

Ang first anniversary nga naman ang nakae-excite sa mga magkarelasyon. Ibig sabihin, unang taon na nalampasan ang maraming pagsubok na hinarap ninyo bilang magkasintahan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para maging special ang araw na ito, narito ang ilang ways para ipagdiwang ito na maaaring magamit din sa mga susunod pang anniversaries!

Go back to your first date spot.

Magandang mabalikan ninyo ang una ninyong pinuntahan noong nagde-date pa lang kayo. Mula doon mag-recall ng ilang memories na ginawa ninyo noong araw na iyon at kung gaano na kayo nag-evolve sa present day.

Try to do a road trip.

Madalas na ginagawa ang road trip ng magkakaibigan. Nakatutuwa ring i-try ito ng magkarelasyon habang pinupuntahan ang mga lugar na gusto puntahan.

Do nature trips.

Relaxing nga naman ang bumisita sa mga lugar na mayroong natural attractions. Bundok, dagat, lawa, o anuman 'yan ay magandang idea para mag-celebrate.

Chase the sunsets.

One of the most romantic ways para ipagdiwang ang inyong anniversary ay ang manood ng sunsets. For sure, magiging memorable ang inyong date na ito.

Stay at home.

Maaaring hindi special sa iba na gawin ito pero maaari pa ring i-consider lalo kung pareho kayong busy sa careers. Relaxing din naman na sa bahay lang. Pwede ring namang i-try na mag-movie marathon habang nasa inyong tahanan lamang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva