Para sa kabit ng asawa ko: "You broke our marriage, but you didn’t break me"

Hindi ko alam kung kailan ako magsisimula. Nangako ako na hindi na kita kakausapin, pero heto ako nagsusulat ng liham para sa'yo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mensahe para sa kabit ng aking asawa.

Hindi ko alam kung kailan ako magsisimula. Nangako ako na hindi na kita kakausapin, pero heto ako nagsusulat ng liham para sa ‘yo. Hindi ito ang paraan para kausapin kita.

Hindi ako proud na sabihin, na hanggang ngayon hindi ko pa kayo napapatawad ng dati kong asawa. Siguro isang araw, kung kaya ko na, ipapaabot ko sa ‘yo ang aking pag-unawa.

Ito ang aking paraan upang sabihin sa ‘yo na kahit sinira mo ang pamilya namin, kaya ko pa ring tumayo at tumindig. You broke our marriage, but you didn’t break me.

Isang mensahe para sa kabit ng aking asawa. | Larawan mula sa iStock

Ito ang aking paraan upang sabihin sa ‘yo na kahit sinira mo ang pamilya namin, kaya ko pa rin tumayo at tumindig.

Sinabi niya ba kung paano kami nagkakilala? Naghanda siya ng isang birthday party para sa kaibigan niya na kaibigan ko rin. Mabilis kaagad kaming nakapagpalagayan ng loob.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kalaunan sinabi niya na nakita niya ako papasok , at doon niya nalaman na ako na ang babae para sa kaniya. Akala ko ito lang ay isang linya niya na sinabi para pasayahin ako.

Noong panahon na nagseselos ako sa isa sa mga katrabaho niya, na nagiging malapit na sa kaniya. Binilhan niya ako ng inumin at nagpalitan ng numero, nag-kape — at alam muna kung paano ito nagpatuloy.

Nag-isip ako ng maraming beses kung paano kayo unang nagkakakilala. Binilhan ka rin niya ba ng inumin? Nangako na tatawagan kinabukasan?

Sa tingin ko, noong nagkaroon na ako ng anak na babae, panahon na pinagpalit ko ang mga dress para sa jogging pants, naging madali para sa kaniya na ma-attract sa ibang babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi ko sinasabi na ikaw ang may kasalanan sa lahat. Sabi nga sa isa sa mga kasabihan ng Filipino, “Walang mang-aagaw kung walang magpapa-agaw.” Panigurado, siya’y may pagpipilian.  Walang manlolokong asawa kung hindi naman niya gusto manloko.

BASAHIN:

REAL TALK: May happy ending ba ang mga kabit?

Misis: “Kabit ng asawa ko – si yaya!”

Can cheaters really change?

Ngayon, pagkatapos ng pagkabigo, proud akong sabihin na ako ay single mom sa aking anak na babae, na mas mahal ko kaysa sa sarili ko.

Mensahe para sa kabit ng aking asawa na sinira ang aming pamilya. | Larawan mula sa iStock

Siguro hindi lang sa sex o excitement ang mayroon sa pagitan niyong dalawa. Naisip ko na siguro baka nakakapagkuwento siya sa iyo. Hinayaan mo siya na maging isang bersyon ng kaniyang sarili na hindi niya makikita sa loob ng pagsasama namin o kaya naman bilang isang Tatay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahit kailan hindi ko ito malalaman. Sa tingin ko, ang pagiging walang alam, ay mas maganda. Hindi ko nga rin alam, kung magkasama pa rin kayo ngayon.

Alam ko na may iba, medyo matagal na rin…

Alam ko na mayroon ng iba sa loob ng matagal na panahon. Hindi ako sigurado kung may iba pa bukod sa ‘yo. Pero, ang pagtataksil ng isang beses o pagtataksil ng maraming beses ay pareho lang.

Una kong napansin ang pagiging malayo niya at pagkamainisin. Minsan, binibilhan niya ako ng maraming regalo at atensyon. Akala niya lubhang nag-iingat siya, ngunit hindi siya gaanong katalino para bigyan ako ng pansin.

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nalaman ko na makikipagkita ka sa kaniya habang ako ay abala sa aming anak. Nagmamadali ako para ihatid siya sa kaniyang ballet class ng hindi sinasadya na nakapagpalitan kami ng phone. May password, ngunit hindi nakasara ang mga notifications.

Isang mensahe ang lumabas, “Are you free?”, na nakakindat na emoji sa duluhan, animo’y may ibang ibig sabihin, hindi inosenteng mensahe lang. Nakakatawang isipin kung paano ang simpleng emoji ang magkukumpirma sa matagal ko nang pagduda.

Ngayon, pagkatapos ng pagkabigo, proud akong sabihin na ako ay single mom sa aking anak na babae na mas mahal ko kaysa sa sarili ko.

Oo, unti-unting naghihilom ang aking puso, ngunit ito’y nadudurog muli kapag ang aking anak ay nagtatanong tungkol sa kaniyang ama.

Siya ay limang taong gulang pa lamang. Alam ko na lalaki siya ng mabuti, dahil nangako ako na pupunuin ko siya ng pagmamahal, pag-aalaga at ibibigay ko ang kaniyang mga pangangailangan —at nararapat para sa kaniya.

Sana isang araw, kapag nagkaroon ka na ng sariling anak, hindi mo ito makikita na nasasaktan. Hiling ko sa aking anak ay hindi maranasan kung ano ang naranasan ko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matuto sana siya ng maayos na pagmamahal at makahanap ng tao na nararapat para sa pagmamahal na iyon. Kahit na iniwan ako ng kaniyang ama na may labis na sakit sa puso, nagpapasalamat pa rin ako dahil binigay niya sa akin ang aking anak na babae. Siya ang aking mundo at siya ang lahat ng pag-ibig na kakailanganin ko.

Isinalin sa Filipino ni Regine Dy

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Sinulat ni

The Asian Parent