Meralco bill computation habang COVID-19 enhanced community quarantine mula sa buwan ng Marso-Abril narito kung magkano.
Meralco bill computation habang COVID-19 ECQ
Sa isang panayam ay ibinahagi ni Meralco spokesman Joe Zaldarriaga kung magkano ang magiging komputasyon ng singil ng electric power distribution company sa kanilang mga kliyente ngayong may ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon sa kaniya, ay pansamantala munang suspendido ang ginagawa nilang physical meter reading sa Luzon. Ito ay bunsod narin ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa rehiyon. Dahil rito ang Meralco bill computation habang COVID-19 ECQ ng kanilang mga costumers ay ibabatay muna sa kanilang average consumption sa nakaraang tatlong buwan.
“Alinsunod sa guidelines na ipinapatupad natin ngayon bunsod nitong quarantine period, ang Meralco bills po for customers na dapat basahin from March 17 to April 14 ay ibabatay muna sa average consumption ng nakaraang tatlong buwang.”
Ito ang pahayag ni Zaldarriaga sa isang panayam. Nangangahulugan ito na kung ang karaniwan mong electric bill mula Enero hanggang Marso ay nasa P1,000 ay ganito rin ang magiging Meralco bill computation mo mula Marso-Abril habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine.
Paliwanag pa ni Zaldarriaga, magbabalik sa normal ang lahat kapag tapos na ang ipinatutupad na enhanced community quarantine.
Magbabalik sa normal ang iyong meralco bill computation pagkatapos ng ECQ
“Pero pagkatapos ng naturang quarantine period, once we have a normal situation, ano man ang kulang o sobra sa normal na konsumo ay i-aadjust sa susunod na billing cycle. Pagkatapos ng adjustments ang inyong tamang konsumo na ang inyong babayaran,”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Zaldarriaga. Ayon sa kaniya, ang hakbang nilang ito ay hindi lamang upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga meter readers. Kung hindi pati narin ang kaligtasan ng publiko.
Wala rin naman daw dapat ipag-alala ang kanilang mga customers pagdating sa supply ng kuryente. Dahil magpapatuloy ang kanilang operasyon sa kabila ng lockdown na ipinatutupad sa Luzon. Wala rin daw magaganap na power interruption. Ito ay dahil pansamantala rin munang ipinagliban ang ginagawa nilang maintenance at upgrading sa kanilang mga distribution facilities. At sa oras naman daw na magkaroon ng aberya o unscheduled power interruption ay nariyan ang kanilang crew na handang mag-serbisyo kung kinakailangan.
“Meralco will continue to keep the lights on. Patuloy tayong maglilingkod sa ating customers.”
Ito ang paninigurong pahayag ni Zaldariagga.
Magbayad online para hindi magpatong-patong ang bayarin
May payo rin ang Meralco at water concessionaires na Maynilad at Manila Water sa kanilang mga customers. Upang hindi umano magpatong-patong ang kanilang bayarin ay maaring silang magbabayad ng kanilang bill sa pamamagitan ng online banking. O kaya naman sa pamamagitan ng mga online payment channel tulad ng GCash at PayMaya.
“Magpapatong-patong na po ang kanilang mga balanse kapag nagtuloy-tuloy ‘yong enhanced community quarantine.” Ito ang pahayag ni Maynilad Business Area Spokesman Zmel Grabillo.
“Hinihikayat namin sila na samantalahin ‘yong online bank payments kasama ‘yong transfer fund facilities,” dagdag pa niya.
Ganito rin ang mungkahi ni Manila Water Spokesman Jeric Sevilla na sinabing, “Available ‘yong online payment channels natin,” ani
30 days extension sa pagbabayad ng bill
Samantala, nauna naring inihayag ng Meralco na sila ay magbibigay ng 30-day payment extension sa bill ng kuryenteng dapat bayaran mula Marso 1 hanggang Abril14.
Ang Manila Water at Maynilad ay nag-anunsyo rin ng parehong hakbang para sa kanilang mga consumers. Ngunit ang 30 days extension ng pagbabayad ay para lamang sa mga water bills na may due date na pasok sa quarantine period o mula Marso 15 hanggang Abril 14.
“Bilang bahagi ng aming patuloy na pagsuporta sa kasalukuyang enhanced quarantine sa Luzon, magpapatupad po kami ng 30-day payment extension para sa water bills na ang Due Date ay pasok sa quarantine period (mula Marso 15 hanggang Abril 14, 2020). Ang nasabing 30-day extension ay dagdag sa normal na 60-day grace period bago makatanggap ang customers ng Disconnection Notice.”
Ito ang pahayag ng Maynilad.
Narito naman ang pahayag ng Manila Water.
Hakbang sa pangunguna ng DOE
Ang mga hakbang na ito ay alinsunod naman sa memorandum na inilabas ni Department of Energy o DOE Secretary Alfonso Cusi.
Ayon sa memorandum ay hinihingi ni Cusi ang pang-unawa ng mga public and private power sector corporations. Ito ay upang ipagpaliban muna ang mga bayaring bills ng kanilang mga customers na apektado sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon. At bigyan sila ng dagdag na 30 days extension sa pagbabayad nito.
“The Philippine energy family is in full solidarity with the entire nation in the battle against COVID-19. Energy services must be available 24/7 for everyone. Most especially our frontline heroes who are risking their lives daily for the benefit of our fellow countrymen. The memo we issued is an additional measure to help keep the energy sector, as well as our stakeholders afloat during this time.”
Ito ang pahayag ni Cusi.
Source:
BASAHIN:
LIST: Mga utilities, banko at iba pang may 30-day payment extension