Inaalala mo ba ang iyong mga bills ngayong March? Katulad ng bayad sa kuryente, tubig, internet connection at iba pang insurance na kailangang mabayaran on time? No need to worry na mommy dahil ilan sa mga ito ang nag announce ng kanilang 30 day payment extension!
Business finance man calculating budget numbers, Invoices and financial adviser working.
LIST: Mga utilities, banko at iba pang may 30-day payment extension
Dahil sa patuloy na pagkalat ng pandemic virus na COVID-19 dito sa bansa, nagdeklara na ng ‘Total Lockdown” si Pangulong Duterte sa buong Luzon. Ititigil pansamantala ang byahe ng mga air, sea at land transportation. Hindi rin pwedeng makalabas ng bayan ang mga tao at inuutos na manatili na lamang sa kani-kanilang bahay ang mga tao sa kanilang bahay.
Bukod dito, kanselado na rin ang mga pasok sa ibang government office at mga private companies.
Para naman sa mga nanay na namomroblema sa pagbabayad ng kanilang monthly bills, don’t worry dahil naglabas na ng abiso ang ilang banko at utilities na bibigyan nila ng 30 day payment extension ang kanilang mga customer. Ito ay bilang pagsunod sa utos ng Pangulo na Total Lockdown.
Narito ang mga utilities na nagpatupad ng 30 day payment extension:
1. Meralco
Pasok sa 30 day payment extension ang mga bills mula March 1 hanggang April 14, 2020. Dagdag rin nila na kanselado rin muna ang lahat ng maintenance activities.
Kung may katanungan, tawagan ang kanilang Hotline: 16211
Pwede mo rin silang i-message sa kanilang Facebook, Twitter o website.
2. Maynilad
Para naman sa Maynilad, pasok sa 30 day payment extension ang mga bills na mula March 15 hanggang April 14.
3. PLDT
Kasama rin ang PLDT sa 30 day payment extension. Ito ay para sa mga postpaid customer ng PDLT Home, PLDT Enterprise, Smart & Sun Postpaid.

4. Smart
Kasama rin ang Smart sa payment extension.
We’ve put in place a 30-day payment extension period for all our postpaid customers of Smart, Sun Postpaid, PLDT Home and PLDT Enterprise. #StaySmart
Posted by Smart Communications, Inc. on Sunday, 15 March 2020
5. Cignal
Isa pang nagpatupad ng payment extension ay ang Cignal.
All Cignal Postpaid subscribers will be given a 30-day payment extension from your due date.In order to ensure that…
Posted by Cignal TV on Sunday, 15 March 2020
6. Globe
Nitong March 15, naglabas ng advisory ang Globe tungkol sa kanilang gagawing payment extension.
Globe is one with you and the entire country in these trying times. To help you stay #SafeAtHome and connected with your…
Posted by Globe Telecom on Sunday, 15 March 2020
7. SKY cable
Narito naman ang mga bangkong payag sa 30 day payment schedule:
1. EastWest
Pasok rito ang auto, personal, mortgage, EEL Loans at credit cards.
2. RCBC
Ang mga bills mula March 15 hanggang April 15 ay pasok sa advisory na ito.
In times like this, let this be one less thing for you to worry about.Auto, Home, Personal and Salary Loan clients in…
Posted by RCBC on Monday, 16 March 2020
3. Unionbank of the Philippines
Pasok sa bill na ito ang March 17 hanggang April 15, 2020.
We are giving qualified credit cardholders in good standing and with due dates from March 17 to April 15, 2020, the…
Posted by UnionBank of the Philippines on Monday, 16 March 2020
4. Metro Bank
#MeaningfulBanking means extending meaningful assistance to those who need it most. #YoureInGoodHandsRegulated by…
Posted by Metrobank on Tuesday, 17 March 2020
5. BDO
Magbibigay ng 60-day payment extension ang BDO para sa mga credit card, Auto, Home, SME at personal loan customers na may mga due date ng April 15, 2020.
In this difficult time, please allow us to extend this humble assistance: a 60-day payment extension for qualified…
Posted by BDO Unibank on Tuesday, 17 March 2020
6. Citi
Magbibigay rin ng 1 month payment extension ang Citi para sa mga credit cardholders na may mga due date ng March 16 hanggang April 12, 2020.
Pwede kang mamili kung ipapagpaliban mo muna ang iyong pagbabayad ng isang buwan nang walang charged late fee. O kaya naman pwede mo ring bayaran ng maaga ang iyong payment. Hinihikayat nila na gumamit na lamang ng digital banking para hindi na lumabas ng bahay.
Para malaman kung ikaw ay kasama sa extension na ito, makaka-receive ka ng qualification text o email mula sa kanila.
7. PAG-IBIG Fund
Pag-IBIG FUND OFFERS THREE-MONTH MORATORIUM ON ALL LOANS Pag-IBIG Fund is offering a three-month moratorium to its…
Posted by Pag-IBIG Fund (HDMF) on Tuesday, 17 March 2020
COVID 19 Cases in Philippines update
Base sa tala kahapon, March 18, muling umakyat na naman ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 dito sa bansa. Ang dating 98 noong Biyernes, ngayon ay nadagdagan na ng 104. Sa ngayon, mayroon ng 202 katao ang nagpositibo sa COVID-19 dito sa Pilipinas.
7 naman ang naka-recover at 17 katao ang naitalang namatay.
Narito ang breakdown ng COVID-19 dito sa Pilipinas as of March 19:
|
CONFIRMED
|
RECOVERED
|
DEATHS
|
PERSONS UNDER INVESTIGATION |
202 |
7 |
17 |
259 |
Habang hinihintay pa rin ang 259 cases kung ito ba ay negatibo o may dadagdag pang positibo sa nasabing virus.
Samantala, naitala naman ang pinaka batang kaso sa COVID-19. Ang 13-year-old na batang babae ay isang residente ng Quezon City. Napag-alamang siya ay walang history ng pagpunta sa ibang bansa at walang exposure sa may COVID-19.
Nagsimula siyang makaramdam ng mga sintomas nitong March 4 lamang. At nagpakonsulta sa Quezon City Health Department.
Source: ABS-CBN
BASAHIN: Real mom shares her experience nang nagpa-test siya for COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!