Sa nakaraang Senate energy committee hearing, inamin ng Meralco kung saan nagkaproblema at kung ano ang dahilan ng Meralco high bill June 2020. Basahin ang kanilang pagpapaliwanag.
Meralco high bill June 2020
Inamin ng Meralco na naisama nila ang March at April estimated computation sa May bill. Ito ang dahilan kung bakit marami ang na-shock sa kanilang natanggap na May bill.
Image from Freepik
Ayon sa kanila, hindi naging posible ang meter reading noong Enhanced Community Quarantine kaya naman kinuha lamang nila ang average na konsumo mula December hanggang February.
Kinwestyon naman ito ni Senator Sherwin Gatchalian,
“Nowhere in the bill said that you added the estimate kasi it’s very clear na wala ‘yan sa bill. So where will I find out that there is an overestimation, kung in-add niyo yung overestimation?”
Iginiit pa niya na sa mga kaso ng overestimation, wala man lang abiso. Aakalain nilang ito ay ang actual consumption at maaring nabayaran na ito dahil sa takot din na maputulan.
“It’s very clear, estimate, wala naman nakalagay na estimated. Kaya ko binayaran ko kasi baka maputulan…My point of the matter is madaming ganitong cases na overestimation. Maraming ganitong cases, and without clear explanation that you embedded the estimates for March and April. People will think that this is the actual reading.”
Upang mabawi ang mga reklamo sa high bill o high electricity rates, nangako naman ang ahensya na walang power interruption hanggang Setyembre.
Meralco bill computation
Nauna nang sinabi ng ahensya na bababa ang singil ng kuryente ngayong Hunyo. Sa katunayan, mayroon pa nga silang inilabas na computation sample.
Bukod sa mga tinanggal na charges ng Meralco, nagmura rin umano ang supply ng kuryente kaya naman asahan na bababa talaga ang singil sa kuryente ngayong Hunyo.
Nasa P0.02 kada kilowatt hour (kWh) ang bawas sa singil ng kuryente para sa June bill. Katumbas umano ito ng 4 pesos na bawas sa mga kabahayang may 200 kWh na konsumo, 6 pesos sa 300 kWh, 8 pesos sa 400 kWh at 12 pesos sa 500 kWh.
Pahayag ni Meralco head of utility economics Larry Fernandez, “Binalik na ‘yong P4.95 na feed-in-tariff allowance this June pero pinahinto naman ng ERC (Energy Regulatory Commission) ang pagkolekta ng environmental charge.”
Meralco bill simula noong ECQ
Simula noong ECQ ay nagkakaroon na ng mga issue kaugnay ng Meralco bills. Gayunpaman, paglilinaw nila ay ginagawa naman nila ang kanilang makakaya.
“Pagkatapos ng naturang quarantine period, once we have a normal situation, ano man ang kulang o sobra sa normal na konsumo ay ia-adjust sa susunod na billing cycle. Pagkatapos ng adjustments ang inyong tamang konsumo na ang inyong babayaran,”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Zaldarriaga. Ayon sa kaniya, ang hakbang nilang ito ay hindi lamang upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga meter readers. Kung hindi pati narin ang kaligtasan ng publiko.
Wala rin naman daw dapat ipag-alala ang kanilang mga customers pagdating sa supply ng kuryente. Dahil magpapatuloy ang kanilang operasyon sa kabila ng lockdown na ipinatutupad sa Luzon. Wala rin daw magaganap na power interruption. Ito ay dahil pansamantala rin munang ipinagliban ang ginagawa nilang maintenance at upgrading sa kanilang mga distribution facilities. At sa oras naman daw na magkaroon ng aberya o unscheduled power interruption ay nariyan ang kanilang crew na handang mag-serbisyo kung kinakailangan.
“Meralco will continue to keep the lights on. Patuloy tayong maglilingkod sa ating customers.”
Tips para makakatipid sa kuryente
1. Siguraduhing palaging malinis ang mga aircon at electric fan
Kapag naiipon ang dumi at alikabok sa mga aircon o electric fan sa bahay, mas madaming kuryente ang nakokonsumo ng mga appliances na ito dahil bumabara ang dumi at alikabok at ito ay nagpapahina sa hangin na lumalabas dito.
Image from Freepik
Kaya naman siguraduhin niyo na malinis ang mga electric fan at mga aircon ninyo, para mas efficient at mas tipid sa kuryente!
2. Buksan ang mga bintana
Kung sobrang init sa bahay ninyo, baka naman laging nakasara ang mga bintana? Maganda din kung hinahayaan natin na pumasok ang preskong hangin para hindi puro hangin ng electric fan at aircon ang nasasagap natin.
3. Wag masyadong lakasan ang aircon
Minsan, hindi naman natin kailangan na naka-todo ang aircon. Kahit yung “low” setting, sakto na para hindi mainit sa bahay. Mahalaga rin naka-timer ito para hindi ma-overuse.
4. Tanggalin sa saksakan ang appliances kung hindi ginagamit
Bukod sa ito ay isang fire hazard, mahalagang tanggalin sa saksakan ang mga appliances na hindi ginagamit upang hindi na ito dumagdag sa konsumo ng kuryente.
5. Palitan ng LED lights ang inyong mga ilaw sa bahay
Image from Freepik
Mas maliit kasi ang konsumo sa kuryente ng LED lights kumpara sa mga normal na bumbilya.
Source:
Inquirer
Basahin:
Money management tips to keep your finances on track
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!