Mga gawaing bahay at tungkulin ng mga magulang sa anak sa umaga bago pumasok sa trabaho ay extra work day ang katumbas, ayon sa isang pag-aaral.
Gawaing bahay tuwing umaga katumbas ang isang araw na trabaho
Isang bagong pag-aaral ang nagsasabing katumbas na ng isang buong araw na pagtratrabaho ang inilalaan na oras ng mga magulang sa pag-gawa ng mga gawaing bahay at pagaasikaso sa kanilang mga anak tuwing umaga. Ito nga daw ay bago pa man magsimula ang 9-5 work schedule para sa mga working parents.
Base parin sa research na isinagawa ay 2,000 ng mga working parents ang nagsabing nakukumpleto nilang gawin ang 43 na mga gawaing bahay bago sila pumasok sa opisina.
Ang mga gawaing bahay na ito ay tulad ng paghahanda ng breakfast at lunch para sa mga bata, paghahatid sa kanila sa school, pagpaplantsa ng kanilang school uniform at pagpaplano ng to-do list para sa susunod na araw.
Kabilang narin sa mga gawaing bahay na ito ay ang pag-aayos ng higaan sa umaga, pag-checheck sa homework ng mga bata at pagpapakain ng mga pets.
Hindi rin mawawala sa listahan ng mga gawaing bahay ang paglilinis ng bahay, paglalaba ng maruming damit at pagche-check ng locks ng bahay bago sila umalis at pumasok sa trabaho.
Karamihan ng mga magulang na nakilahok sa pag-aaral ay sinabi ring para na silang nagtrabaho ng buong araw kapag tumungtong na ang alas-onse ng umaga. Dala ng pagod at pagka-busy sa pag-aasikaso sa mga pangangailangan ng kanilang anak.
Nagsisimula nga daw silang tumayo sa higaan ng 5:30am para maisagawa ang lahat ng mga tungkulin at gawaing bahay na kailangan nilang gampanan sa umaga.
Sa kabuuan ay nadadagdagan ng additional 10 hours and 15 minutes ang kanilang trabaho sa buong linggo sa paggawa ng mga gawaing bahay araw-araw, ayon parin sa pag-aaral.
Image from Freepik
Paggawa ng mga gawaing bahay ng mga magulang
Para naman sa leading nutritionist na si Laura Clark ang pag-gawa ng gawaing bahay ng mga magulang sa umaga ay napaka-healthy naman bagamat nakakapagod. Dahil ang early morning slog daw ay nakakapag-burn ng over 300 calories sa katawan.
Dagdag pa ni Laura Clark, halos 42% ng mga parents ang nagi-skip sa pagkain ng breakfast dahil busy sa pagaasikaso sa kanilang mga anak at ng mga gawaing bahay.
Mas busy nga daw ang morning routine ng mga working parents kumpara sa mga stay at home parents. Lalo na’t kailangan nilang magsimulang magtrabaho kapag tumungtong na ang alas-nuwebe ng umaga.
Ang mga oras naman na nararamdaman ng mga parents na most efficient at productive sila ay mula 7 to 8 ng umaga.
Ayon naman kay Dr. Becky Spelman, matutulungan ng mga employers ang mga working parents para matugunan ng sabay ang demands ng kanilang trabaho at pamilya. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng flexible working hours.
Sa ganitong paraan ay masisiguro rin daw na healthy ang mind at body ng mga working parents. Ma-manage rin nila ng maayos ang kanilang work life balance. At mababawasan ang burden at stress na dulot ng paggawa ng gawaing bahay at pagcocomply sa mga work requirements ng sabay.
Source: Metro
Basahin: Bakit laging pagod ang mga ina? Alam mo ba ang tinatawag na “invisible workload”?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!