Ang NICU, o neonatal intensive care unit ang unang “tahanan” ng mga sanggol na ipinanganak ng premature o mas maaga kaysa sa due date. Para sa mga magulang ng isang preemie, overwhelming at nakakabahala ang sitwasyong ito, lalo’t pag nakita ang anak na nasa intensive care unit. Kaya naman mas mabuting malaman kung ano nga ba ang pasilidad na ito, at kung sino-sino ang mag-aalaga sa munting sanggol na kaluluwal pa lamang, para na rin mas matugunan ng mga magulang ang pangunahing pangangailangan ng bata.
Sa NICU o special care nursery dinadala ang mga sanggol na ipinanganak ng wala pang 40 na linggo o 9 na buwan, pati na rin ang mga sanggol na may problema sa kalusugan pagkapanganak pa lamang, tulad ng respiratory failure, circulatory failure, sepsis, meningitis, multi-system failure, at mga kakaibang diagnoses.
Ang mga staff at caregivers ng NICU, tulad ng mga doktor, nurse, at iba pang medical professionals ang mag-aalaga at titingin sa mga sanggol. Neonatologists ang tawag sa mga pediatricians na may karagdagang training para mag-alaga ng mga bagong panganak na sanggol. Mayron ding mga Neonatal nurse practitioners o advanced practice nurses, at mga doktor na nagsasanay/nag-aaral para maging pediatrician (residente) o neonatologists (fellows) na tumutulong sa mga neonatologist. Nariyan din ang mga respiratory therapists, occupational at physical therapists.
Narito ang ilang pangunahing ospital na mayrong NICU, at kilalang mga espesiyalista sa neonatology:
The Medical City
Pribadong Ospital, Pasig City, Metro Manila
Isa sa mga pinakamalaking ospital sa Pilipinas, na may Neonatal Unit na nag-aaruga sa mga high risk born infants, pati sa mga well babies. Mayron silang “developmentally supportive family-centered Neonatal Unit” na nakatutok sa mga sanggol at may handang suporta sa mga magulang at pamilya.
Ipinagmamalaki nila ang kanilang lactation support sa pangunguna ng kanilang specialized Lactation Center at Human Milk Bank, at ang kanilang High Risk Infant Program at Infant Protection System.
Ortigas Avenue, Pasig City, Metro Manila, Philippines
Tel. Nos. (632) 988-1000, (632)988-7000
Email us: [email protected]
Asian Hospital and Medical Center
Pribadong Ospital, Muntinlupa, Metro Manila
Ang NICU ng Asian Hospital, sa pangunguna ni Dr. Marian Colasito, MD, ay may komprehensibong intensive care para sa mga ill inborn at outborn neonates. Mayron din silang growing care unit (GCU). Pangunahin din sa kanilang ospital ang prenatal at postnatal care para sa mga ina at sanggol.
Mayron silang secondary at tertiary care para sa mga bagong panganak sa kanilang makabagong NICU, sa pangunguna ng isang pediatric neonatologist/intensivist na nakatutok sa mga pasyente 24 na oras, araw araw. Huggery ang tawag nila sa kanilang nursery, at dito nila inaalagaan ang mga sanggol.
Ang NICU ng Asian Hospital ay nasa 3rd Floor.
Asian Hospital and Medical Center
2205 Civic Drive, Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City
(632) 876-5772 or (632) 771-9000 ext. 8352.
Manila Doctors Hospital
Pribadong Ospital, Manila
Ang NICU ng Manila Doctors ay nasa pangunguna ng mga Neonatologists na sina Dr. Jacinto Blas V.Mantaring III, MD, Dr. Jacinto Blas V.Mantaring III, MD at Dr. Asuncion A.Silvestre, MD. Isa lamang ang Neonatology sa maraming specialization ng ospital na ito. Bukod pa sa Pediatric Intensive Care Unit, ang NICU ng ospital ay pinangungunahan din ng mga ekspertong doktor at espesyalista sa Neonatology. Isa ring “Mother-Baby-Friendly” Hospital ang MDH na nagpapasulong ng breastfeeding. Pinangangalagaan ng ospital ang pagbibigay ng quality care para sa mga bata at pamilya.
667 United Nations Avenue, Ermita, Manila 1000 Philippines
(+632) 558-0888, (+632) 524-7376
[email protected]
St. Luke’s Medical Center
Quezon City • Global City
Ang Institute of Pediatrics and Child Health (IPCH) ng St. Luke’s ay may pediatric unit, pediatric at neonatal intensive care facilities, pati na rin outpatient emergency unit. Ipinagmamalaki ng St. Luke’s ang Neonatology Department nila, na may mga eksperto sa larangang ito ng medisina. Mayron din silang Pediatric Intensive Care Unit (PICU) at Pediatric Emergency Medicine (PEM) para sa mga child emergencies tulad ng cardiac, respiratory, infectious, at trauma cases, mula bagong panganak hanggang 18 taong gulang.
ST. LUKE’S MEDICAL CENTER – QUEZON CITY
279 E Rodriguez Sr. Ave. Quezon City, 1112
+63 2 723 0101
ST. LUKE’S MEDICAL CENTER- GLOBAL CITY
Rizal Drive cor. 32nd St. and 5th Ave., Taguig, 1634
+63 2 789 7700
Cardinal Santos Medical Center
San Juan City
Kilala ang Cardinal Santos Medical Center’s (CSMC) bilang isang Mommy-Baby Friendly” hospital. Mayrong mga pediatric midwives at nurses na nagsanay para sa pagsuporta sa lactation ng mga ina, para patuloy pa ring makapagpasuso ang mga ina kahit na nasa NICU ang kanilang sanggol.
Para sa mga sanggol na preterm, mayron silang tinatawag na kangaroo care, o ang pagbibigay ng direktang skin-to-skin contact ng bata sa ina. Naniniwala silang ito ang nakakapagpaigting ng physiological at psychological bond ng mag-ina, at nakakatulong na makapagpasuso ang ina sa kaniyang sanggol na preterm.
10 Wilson St. Greenhills West, San Juan City, Metro Manila 1502 Philippines
+632 727 0001
[email protected]
Basahin: 2019 Maternity Packages: Presyo ng panganganak sa Metro Manila
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!