Dahil sa busy ng araw-araw, madali na maging prayoridad ang kaginhawaan ng buhay. Ngunit, ang mga kaginhawaan na ito ay may nakakasamang epekto na hindi natin agad nakikita.
Pagkain ang isang magandang halimbawa nito.
Ang processed na karne ay isa sa kilalang mga pagkain na nakakacancer. Ayon sa pag-aaral nuong 2015 mula sa World Health Organization, isa ito sa pinaka-nakakacancer na pagkain. Ngunit, isa lamang ito sa marami.
Ito ang 10 pang mga pagkain na nakakacancer na dapat iwasan, ayon sa Cancer Hospital Chinese Academy of Medical Sciences.
1. Sunflower seeds
Mukha mang walang nadudulot na masama, madaling naaabsorb at ipon ng sunflower seeds ang heavy metal compounds. Ito ay lalong tumitindi kapag sila ay pinalaki mula sa lupang maraming metal. Ang heavy metal ay kilalang nagdudulot ng lung cancer.
2. Chewing gum
Ang mismong gum ay hindi nakakasama, ngunit nakakasama ang ilang sangkap nito. Kabilang dito ang aspartame at titanium dioxide. Kaya sa susunod na pagbili ng gum, siguraduhin na wala ito sa listahan ng mga sangkap.
Alam ba na na bahagi ng listahana ang MSG? Ipagpatuloy ang pagbabasa!
3. Monosodium Glutamate (MSG).
Madalas na dinadagdag sa pagkain bilang pampasarap, ang Monosodium Glutamate (MSG) ay maraming panganib na maaaring idulot sa kalusugan ayon sa mga pag-aaral.
4. Atay ng baboy
Hindi lang mataas ang cholesterol ng atay ng baboy, nauugnay din ito sa liver cancer at iba pang karamdaman.
5. Glass noodles at rice noodles
Isang mahalagang food additive sa mga noodles na ito ay ang tinatawag na “Alum.” Maraming pagsususri ang nagpatibay ng ugnayan ng Alum at breast cancer, pati narin ng Alzheimer’s disease sa iba.
6. Adobong gulay
Simula bata pa tayo ay itinuturo nang maganda sa kalusugan ng pagkain ng gulay. Ngunit ayon sa Cancer Hospital Chinese Academy of Medical Sciences, kung inadobo, maaaring mas nakakasama ito kaysa nakakabuti. Pinaniniwalaang ang mga gulay sa adobo ay nakakataas ng panganib ng gastric cancer.
7. Naka-boteng juice
Ang juice ay mula sa prutas, at ang prutas ay masustansya, kaya ang juice ay masustansya. Tama? Oo at hindi. Ang mga prutas, masustansya man, ay siksik sa sugar. At nakakalungkot man, hindi lahat ng juice ay mula sa sariwang prutas. Sa totoo, karamihan ng naka-boteng juice ay nilalagyan ng artificial flavoring at sugar. Kaya naman mas mahalaga kung totoong prutas ang kainin imbes na bottled fruit juice.
8. Naka-preserbang itlog
Ang paggamit ng tingga sa pag-preserba ng itlog ay isa sa malalaking safety concerns dito. Ang tingga, kakaunti man, ay nakakalason sa mga tao- lalo na kung nakain. Bago kumain ng naka-preserbang itlog, manaliksik muna para malaman kung gumamit ng tingga sa pagproseso nito.
9. Fermented na tofu
Sa fermentation process, ang tofu ay napatunayang bukas para sa microbial contamination. Ito ang dahilan kaya mahalagang kumain lamang ng fermented tofu mula sa kilalang pinagmulan. Kaya naman isa ang fermented tofu sa mga deliakdong pagkin na madalas kinakain.
10. Youtiao (piniritong bread sticks)
Ayon sa Cancer Hospital Chinese Academy of Medical Sciences, ang mga pritong pagkain tulad ng youtiao, ay nagpapataas ng panganib ng prostate cancer sa mga kalalakihan.
BASAHIN:
Mga ina na walang ng sapat ng tulog mas at risk magkaroon ng cancer
STUDY: Pag-inom ng fruit juice at softdrinks, nakaka-cancer
15 Cancer signs in children that you might be ignoring
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.