X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mga Pangunahing problema sa fertility

5 min read

Marami mang balakid sa pagbuo ng inyong supling sa simula, maaaring malampasan ang mga ito kung ikaw ay may sapat na impormasyon upang mabigyan ng angkop na solusyon.

Ang unang hakbang sa pagbabalak pa lamang na magbuntis, ay ang pagbisita sa iyong doktor upang malaman kung ikaw ay handa, physiologically. Siya rin ang makapagsasabi kung kakailanganing kumunsulta sa isang fertility specialist, at magpapaliwanag kung paano magkakaroon ng supling, sa kabila ng kahit mga problema sa fertility.

Problema sa ovulation

Kung ang isang babae ay hindi nag-oovulate, o nagpo-produce ng itlog, wala talagang pagkakataon na magbuntis dahil ito ang simula ng lahat. Tanging ang doktor o espesyalista ang makakapagbigay ng kongklusyon kung ano ang problema.

Dadaan ang mag-asawa sa mga tests upang malaman ang ugat ng infertility. May mga kondisyon, katulad ng Polycystic Ovary Syndrome (PCOS), na nakakahadlang sa ovulation. Ang PCOS ay ang pagkakaron ng cysts sa obaryo ng baba. Ito ang nakakapigil sa mga itlog na makarating sa fallopian tubes. Ang ilan sa mga sintomas nito ay: hindi pantay na pagtubo ng buhok, taghiyawat, hindi regular na buwanang regla, o di kaya’y mahinang-mahinang regla, at pagbigat ng timbang na higit sa regular.

May mga babaing nalalampasan ang PCOS at tuluyang nakakapag-buntis ng wala nang ibang problema.

Mga pwedeng gawin

  • Magtanong ng weight loss program, fertility drugs at treatment, at hormone therapy, sa iyong doktor.
  • Ang invasive na solusyon ay laser treatment sa obaryo. Kahit hindi ito kaso ng PCOS, maaari pa rin itong gawin ng espesyalista upang matulungan ang obaryo na gumana ng maayos.
  • Maaaring sumailalim sa mga fertility treatments tulad ng in vitro fertilization (IVF) or intrauterine insemination (IUI).
  • Kahit pa hindi PCOS ang iyong kondisyon, mahalagang tandaan na ang healthy lifestyle at healthy food choice ay kailangan sa hindi lamang sa pagbubuntis, kundi pati sa pagbuo o conception.
  • Ang mabigat na timbang (obesity) o kakulangan sa timbang (malnourished) ay balakid sa fertiliy kaya’t susi dito ang pagkain ng pagkaing mayaman sa nutrisyon.

own sperm to impregnate

Problema sa sperm o semilya

Ang Oligospermia, o mababang bilang ng sperm ay isa sa pinakakaraniwang sanhi ng problema sa fertility. Nariyan din ang asthenospermia, o pagkakaron ng sperm na mabagal kaya’t di agad umaabot sa itlog ng babae.

May mga pagkakataon na kakailanganin lang magbawas o magdagdag ng timbang at kumain ng masustansiyang pagkain para labanan ang kondisyon na ito. Kasama na diyan ang pagtigil sa pag-inom ng alak ng lalaki.

Mga dapat gawin

  • Ang pagkuha ng sperm sample ng lalaki upang makita ng espesiyalista kung ano ang problema ang unang hakbang.
  • Paggamit ng Intrauterine Insemination (IUI), sa pamamagitan ng pag-inject ng pinakamabilis at potent na sperm sa obaryo ng babae sa panahon ng ovulation niya, kasama na dito ang hormone injection.
  • Ang intracytoplasmic sperm injection (ICSI) ay isa ring opsyon. Mas mahaba at komplikado ang ICSI, dahil sa pagdadaanang hormone, upang masiguro ang paglalabas ng maraming malusog na itlog ng babae.

Endometriosis

Sa uterus ng babae, may isang tissue na kung tawagin ay endometrium. Ang sakit na endometriosis ay ang pagtubo ng endometrium sa obaryo o sa lining ng tiyan.

Masakit ang kondisyon na ito, lalo na kapag may kabuwanang regla. Ang ganitong kondisyon ay nagagamot naman, ngunit iba pa ito sa tutugunang problema sa infertility. Kung ang lumalaking endometrium ay nakakaharang sa fallopian tubes o obaryo, maaaring kailanganin ng IVF.

Problema sa Fallopian Tubes

Kapag ang fallopian tubes ay barado, hindi makakababa ang itlog ng babae mula sa obaryo papunta sa sinapupunan. Ang mga posibleng balakid ay endometriosis, fibroids, o komplikasyon galing sa mga naging operasyon sa obaryo.

Ang mga itlog na hindi nakakarating sa sinapupunan, minsan ay kumakabit ito sa gilid ng fallopian tubes, at nagiging sanhi ng ectopic pregnancy. Kung isang tubo lang ang may hadlang, ang pagbubuntis ay may pag-asa pa. May mga ganitong kondisyon na nadadaan pa sa surgery para maayos ang tubo. IVF ang isa pang opsyon.

Mga pwedeng gawin

Ang IVF o Invitro Fertilization ay ang pagkuha ng sperm at itlog mula sa mag-asawa at pagbuo sa isang laboratoryo gamit ang mga ito. Sa oras na may fertilized eggs na, ipapasok ito sa uterus ng babae, kaya’t hindi na kakailanganin pa ang pag-aayos ng tubo.

Fibroids

Ang fibroids ay mga benign tumors o ligtas na tumor sa uterus ng babae. Ang mga ito ay masakit, lalo na kapag nagtatalik. Ito minsan ang dahilan ng labis na pagdugo kapag may regla. Maaari itong patuloy na lumaki kung hindi aalisin. Ang mga fibroids ay hindi direktang sanhi ng infertility, ngunit dahil nasa loob ito ng sinapupunan, magiging malaking balakid ito sa pagbubuntis.

Mga pwedeng gawin

May mga gamot para mapaliit ito. Maaari ring tanggalin ang mga fibroids sa pamamagitan ng isang operasyon.

Problema sa Thyroid

Ang thyroid ay isang bahagi ng katawan na importante sa pagbubuntis. Ang problema sa thyroid ay maaaring makahadlang sa pagbubuntis. Kung ikaw naman ay buntis na, maaari itong maging sanhi ng pagkalaglag ng bata, lalo na sa unang trimester.

Mga pwedeng gawin

Kung mayroong problema sa thyroid, may mga gamot na maaaring ireseta ng iyong doktor para magamot ito kaagad.

Excessive Exercise

Hindi alam ng marami na ang labis ding pag-eehersisyo ay nakakasama o nakakaapekto sa nais na pagbubuntis. Ang labis na pag-eehersisyo ay nagiging sanhi ng luteal phase deficiencies na nakakahadlang sa ovulation. Ito at ang malnutrisyon, stress at sobrang pagod ay hindi nakakabuti sa planong pagbubuntis.

Anuman ang problemang balakid sa pagbubuntis, may mga paraan para malagpasan ang mga ito. Kailangan lamang malaman ano ang kondisyon na kailangang pagtuunan ng pansin at bigyan ng angkop na solusyong medikal.

sources: A Patient’s Guide to PCOS: Understanding–and Reversing–Polycystic Ovary Syndrome nina Walter Futterweit at George Ryan; Fertility: Healthy, Natural Fertility and Pregnancy Guide – Discover Natural Ways to Combat Common Fertility Problems (Volume 1) ni Joy Louis

ALAMIN: Lahat ng dapat malaman tungkol sa pag-aampon

Partner Stories
Smart starts pre-order for Samsung Galaxy S20 Series  and Samsung Galaxy Z-Flip with Signature Plans
Smart starts pre-order for Samsung Galaxy S20 Series and Samsung Galaxy Z-Flip with Signature Plans
Remove the Need to Recycle – GO NAKED!
Remove the Need to Recycle – GO NAKED!
What is "Copycat Suicide" and why should you care?
What is "Copycat Suicide" and why should you care?
Looking for a tipid merienda hack? Create your own affordable 2-pc snack combos at McDonald’s!
Looking for a tipid merienda hack? Create your own affordable 2-pc snack combos at McDonald’s!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Nagplaplanong Magbuntis
  • /
  • Mga Pangunahing problema sa fertility
Share:
  • Pregnancy Test: Kailan dapat gumamit ng PT para malaman kung buntis

    Pregnancy Test: Kailan dapat gumamit ng PT para malaman kung buntis

  • #AskDok: May mga puwede bang gawin upang mabuntis nang mabilis?

    #AskDok: May mga puwede bang gawin upang mabuntis nang mabilis?

  • Hirap ba kayong makabuo ni mister? 5 paraan kung paano mabuntis nang mas mabilis

    Hirap ba kayong makabuo ni mister? 5 paraan kung paano mabuntis nang mas mabilis

  • Pregnancy Test: Kailan dapat gumamit ng PT para malaman kung buntis

    Pregnancy Test: Kailan dapat gumamit ng PT para malaman kung buntis

  • #AskDok: May mga puwede bang gawin upang mabuntis nang mabilis?

    #AskDok: May mga puwede bang gawin upang mabuntis nang mabilis?

  • Hirap ba kayong makabuo ni mister? 5 paraan kung paano mabuntis nang mas mabilis

    Hirap ba kayong makabuo ni mister? 5 paraan kung paano mabuntis nang mas mabilis

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.