Paano malalaman kung lactose intolerant si baby?

Kahit bata pa lamang, maaari nang malaman ang mga sintomas ng lactose intolerance. Alamin kung ano ang mga ito para maiwasan ang paglala. | Photo: Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang lactose ay sugar na karaniwang taglay ng mga dairy products, kasama na ang gatas ng ina. At bagamat ang mga ito ay kailangan ni baby sa kaniyang patuloy na paglaki, ang  lactose intolerance ay maaaring makasama—at maging bangungot sa kaniyang digestive health. Alamin ang mga sintomas ng lactose intolerance at ilang mga lactose free milk na available sa Philippines.

Ano ang lactose intolerance?

Image from Freepik

Ang lactose intolerance ay isang  disorder kung saan hirap tunawin ng tiyan ang anumang lactose na nasa dairy products. Ang lactose ay isang mahalagang carbohydrate para sa mga sanggol, at kailangan itong durugin ng enzyme na lactase.

Kaya’t kung ang katawan ng sanggol ay hindi nakakapag-produce ng sapat na lactase, hindi ito makakapagbigay ng lactose o sapat na lakas mula sa dairy products. Magiging sanhi ito ng panghihina, colic at diarrhea kung hindi mapapansin.

May tatlong uri ng  lactose intolerance:

  • Congenital lactose intolerance: Ito ay uri ng lactose intolerance na ang sanhi ay deficiency ng enzyme na lactase, na tumutunaw dapat sa lactose na kinakain o napupunta sa sistema ni baby.
  • Primary lactose intolerance: Ito ang partikular na uri kung saan ang sanggol ay ipinanganak na may low lactase levels.
  • Secondary lactose intolerance: Nangyayari ito kapag ang sanggol ay may sakit tulad ng constipation o diarrhea at nagkaro’n ng transient lactose intolerance.

Sa kabila ng kaalaman na ito, minsan ay mahirap malaman kung may lactose intolerance ang sanggol. Tandaan na may mga senyales at sintomas ang sakit na ito.

Mga sintomas ng lactose intolerance

Ang senyales ng lactose intolerance sa bawat bata ay maaaring magkakaiba. Pero karaniwang makikita ang kondisyon na ito sa mga sumusunod na symptoms of lactose intolerance:

  • Flatulence
  • Abdominal pain
  • Diarrhea
  • Trapped wind
  • Matubig na pagdumi
  • Colic
  • Madalas na pag-iyak o di mapakali ang sanggol
  • May ingay sa tiyan kapag dumudumi
  • Pagsusuka

Alinman sa mga symptoms of lactose intolerance na nabanggit ay maaaring mangyari sa loob ng ilang minuto hanggang ilang oras lamang pagkatapos ng pag-inom ng gatas o dairy products. Ngunit dahil nangyayari ito kasama ng ilang problema sa kalusugan ng bata, tulad ng lagnat, minsan ay mahirap malaman kung lactose intolerance nga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung may suspetsa na may lactose intolerance si baby, dalhin siya sa pediatrician kaagad. Ang doktor lang ang makakapagbigay ng mga tests para malaman kung may lactose intolerance nga ang bata.

Mga test para malaman kung may lactose intolerance ang baby

May tinatawag na Dimona test o  hydrogen breath test para malaman kung may lactose intolerance ang bata. Minsan, hindi ito posible dahil masyado pang bata, kaya’t karaniwang stool tests ang ginagawa.

Kung ang  stool o dumi ay masyadong acidic, ang ibig sabihin ay mababa sa 5.5 ang pH levels—at posibleng may lactose intolerance nga ang bata.

Sa kabilang banda, kung ang  stools ay hindi masyadong acidic, maaaring may ibang sanhi ang mga sintomas na nakikita sa bata, at may ibang kondisyon o problema sa kalusugan ang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano gamutin ang lactose intolerance sa baby

Huwag itigil ang pagpapasuso sa sanggol, hangga’t walang sinasabing partikular na kondisyon o sakit ang doktor. | Image courtesy: Pixabay

Karaniwang magbibigay ng diagnosis ng lactose intolerance ang doktor kung may higit sa dalawang sintomas ang bata, lalo na kung congenital lactose intolerance ito.

1. Congenital Lactose Intolerance

Kung hindi bumibigat ang timbang ni baby, palaging nagsusuka, may diarrhea at colic, maaaring ito ay sintomas ng lactose intolerance.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Itigil kaagad ang pagbibigay ng gatas at iba pang dairy products kapag positibo sa lactose intolerance ang resulta ng stool tests at hindi pa rin nawawala ang mga sintomas.

May mga  lactose free milk formulas na ngayon na mabibili sa Philippines. Huwag magbibigay ng anumang gatas o formula sa bata hangga’t hindi kumukonsulta sa pediatrician ng bata. Huwag ding itigil ang breastfeeding hangga’t hindi humihingi ng pag-apruba ng doktor. May mga pagkakataon—ngunit bihira—na magpapatigil ang doktor ng pagpapasuso mula sa ina, at ito ay para makita lang kung mawawala ang mga sintomas.

2. Primary Lactose Intolerance

Sa kasong ito, maaaring mag-rekomenda ng produktong lactose-free para sa bata, sa isang trial period lamang.

Maaaring ito ay ilang araw lang, hanggang ilang linggo, depende kung malala ang kondisyon ng bata.

3. Secondary Lactose Intolerance

Sa kasong ito naman, maaaring may malalang diarrhea o pagsusuka. Dito na maaaring ipatigil ng doktor ang anumang produktong may lactose, hanggang sa lubusang mawala ang mga sintomas at maka-recover ang katawan ng bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag tuluyan nang nakabawi ang sistema, katawan at kalusugan ni baby, maaari nang unti-unting ibigay muli ang mga produktong dairy o dairy-based. Kailangan munang makabawi ng timbang at lakas ang bata, at masigurong kakayanin niyang makatunaw ng lactose-based products paglaon.

Anumang uri ng lactose intolerance mayroon ang bata, tandaan na maaari itong mangyari sa kahit anong edad.

Kung ang bata ay may  congenital at primary lactose intolerance, magkakaron ito ng problema at magpapakita ng sintomas mula sa pagkapanganak.

Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa batang may secondary lactose intolerance, maaaring maging mas mabuti ang kalagayan niya pagtagal. Pero kailangan pa ding pagmasdan kung may sintomas at ugaliin ang regular na pagpapa-check up sa doktor para masuri kung bumubuti ba o hindi ang kondisyon ng bata.

Pagkakaiba ng Lactose intolerance sa milk allergy

Marahil ay napapatanong ka rin kung ano ang pagkakaiba ng lactose intolerance at milk allergy. May mga mommy kasi na nalilito sa dalawang ito at inaakala na pareho lang ito.

Ayon sa healthychildren.org, pareho man ng ilang sintomas ang milk allergy at lactose intolerance, ay magkaibang kondisyon ito.

Ang lactose intolerance ay digestive problem, habang ang milk allergy naman ay kondisyon na may kaugnayan sa immune system. Dagdag pa rito, nagdudulot man ng discomfort ang lactose intolerance, ay hindi naman ito makapagdudulot ng life-threatening reaction tulad ng anaphylaxis.

Additionally, ang milk allergy ay kadalasang nararanasan na ng bata sa mga unang taon ng kaniyang buhay, habang ang digestive system nito ay immature pa. Samantala, ang lactose intolerance naman ay maaaring magsimula sa pagkabata at madala hanggang sa adoloscence at mas magiging kapuna-puna ito sa pagtanda.

Kaya naman, kung makaranas ng mga nabanggit na sintomas ng lactose intolerance ang iyong anak, mahalagang kumonsulta pa rin sa inyong doktor para matiyak kung ano talaga ang kondisyon ng bata. Importante ito para sa kaligtasan ng iyong anak.

Lactose free milk Philippines

Narito ang ilang lactose free milk sa Philippines na puwede sa mga baby na lactose intolerant.

1. Nestogen Low Lactose

2. Nido Lacto-Ease Whole Milk Powder

3. Earth’s Best Organic Low Lactose

4. Kolta Lactose Free Milk

5. Isomil Soy Formula

6. Similac Tummicare

7. Bonna Low Lactose

8. Wyeth S-26  Comfort

9. Baby’s Only Organic DHA and ARA Sensitive Toddler Formula

Maaaring tingnan dito kung saan makabibili online ng lactose free milk in the Philippines. 

Basahin:

Safe bang uminom ng sterilized milk ang buntis?

Sinulat ni

Deepshikha Punj