Sterilized milk for pregnant women, safe nga ba o hindi sa buntis?
Benepisyo ng pag-inom ng gatas sa mga buntis
Ang pag-inom ng gatas ay isa mga ipinapayong gawin ng mga doktor sa mga babaeng nagdadalang-tao. Dahil sa ang gatas ay good source ng nutrients tulad ng vitamin D, calcium at protein. Ang mga ito hindi lang mahalaga para sa malusog na pangangatawan ng babaeng buntis. Kung hindi pati narin sa development ng dinadala niyang sanggol.
Ayon nga sa ilang pag-aaral, natuklasang ang pag-inom ng gatas ng isang buntis ay nakakabawas sa tiyansa niyang makaranas ng pre-eclampsia. Ito ay ang komplikasyon sa pagbubuntis na may kaugnayan sa pagkakaroon ng mataas na blood pressure, sobrang tubig sa katawan o fluid retention at protein sa urine o proteinuria.
Habang ang mga nutrients na makukuha rito tulad ng calcium ay mahalaga upang patibayin ang kaniyang mga buto. Ito ay upang maayos niyang madala ang lumalaki at bumibigat na sanggol sa kaniyang sinapupunan.
May isang pag-aaral rin ang nakapagsabi na ang hindi pag-inom ng gatas ng isang buntis ay nagreresulta sa low birth weight ng kaniyang sanggol.
“Our study showed that restricting milk or vitamin D intake during pregnancy lowered infant birth weight in otherwise healthy, non-smoking, well-educated mothers.”
Ito ang pahayag ni Dr Kristine Koski, director ng School of Dietetics and Human Nutrition sa McGill University sa Canada. At isa sa mga authors ng ginawang pag-aaral.
Dagdag pa niya kahit na ba ang ibang nutrients na kailangan ng buntis ay makukuha sa ibang masusustansiyang pagkain, may nutrients siyang kakailanganin na tanging sa gatas niya lang makikita.
“Although most nutrients in milk may be replaced from other foods or with supplements, vitamin D is found in few commonly consumed foods except for milk.”
“Mothers and health professionals need to understand that this dietary practice may restrict essential nutrients and negatively affect foetal development.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Dr. Koski.
Hindi lahat ng gatas ay safe para sa buntis
Ngunit sa kabila ng maraming benepisyong ibinibigay ng pag-inom ng gatas sa mga babaeng nagdadalang-tao, pinapaalala ng mga health experts na hindi lahat ng gatas ay ligtas na inumin ng buntis. Dahil may mga gatas ang nagtataglay ng mapanganib na microorganism na maaring makasama sa babaeng buntis at dinadala niyang sanggol.
Gatas na bawal sa buntis
Ito ay ang mga raw milk o ang mga gatas na direktang nagmula sa baka, kambing at iba pang hayop. Dahil ang mga ito ay madalas na nagtataglay ng iba’t-ibang infectious pathogens at pus cells. Ito rin ay nagtataglay ng mga mapanganib na bacteria tulad ng salmonella, E.coli at listeria. Ang mga bacteriang ito kapag pumasok sa katawan ng isang tao ay maaring magdulot ng mga serious food borne diseases. Tulad ng listeriosis, typhoid fever, diphtheria, brucellosis at tuberculosis. Ang mga sakit na nabanggit kapag tumama sa isang buntis ay nagdudulot ng peligro sa kaniyang pagdadalang-tao. Tulad ng mataas na tiyansa ng miscarriage, stillbirth o serious birth defects sa kaniyang sanggol.
Maliban nga sa mga raw milk ipinagbabawal din sa mga buntis ang kahit anumang produkto na gawa mula rito. Tulad ng cheese, ice cream at yogurt. Ito ay isang paalala mula sa Centers for Disease Control and Prevention o CDC at Food and Drug Administration o FDA.
Dagdag pa nilang paalala, sa oras na makaranas ng mga sumusunod na sintomas ang isang buntis matapos makainom ng raw milk ay dapat agad na itong magpunta sa doktor.
- Pagsusuka
- Pagtatae o diarrhea
- Pananakit ng tiyan o abdominal pain
- Lagnat o fever
- Pananakit ng ulo o headache
Sterilized milk for pregnant women: Safe sa buntis!
Kung may gatas nga daw na dapat inumin ang mga buntis ito ay ang mga gatas na dumaan na sa heating process tulad ng pasteurization o sterilization. Dahil sa ganitong paraan ang mga bacteria na tinataglay ng gatas ay namatay na dahil sa init at prosesong pinagdaanan nito. Habang sinisigurado na ang mga vitamins at nutrients na taglay ng gatas ay nanatili rito.
Bagamat ligtas para sa buntis ang sterilized milk, hindi naman daw dapat sobrahan ang pag-inom nito. Ipinapayo ng mga eksperto na sa loob ng isang araw ay dapat uminom lang ng hanggang sa dalawang baso ng gatas ang isang tao. At sa oras na makaranas na kahit anumang digestive problems ang isang buntis sa pag-inom ng gatas ay dapat ipaalam na agad ito sa kaniyang doktor. Ito ay upang hindi na mas lumala ang sitwasyon at hindi na ito makaapekto sa kaniyang pagdadalang-tao.
Kaya ang tanong kung safe ba ang sterilized milk for pregnant women? Ang sagot ay isang malaking YES!
Source:
Baby Center, NetDoctor, Flo Health, Verka Coop
Basahin:
Ano ang magandang gatas para sa buntis?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!